Zander's POV
Pagdating namin sa bahay ni Mr. Sanchez, narinig ko agad ang boses niya na humihingi ng tulong.
"Dalian mo," sabi ko kay Claude. Magaling kasi siya sa pagbukas ng nakalock na pinto.
"Wait lang. Malapit na," aniya habang sinusungkit ang lock.
Hinanda namin ang mga baril namin habang hinihintay siyang matapos.
"Bakit ang tahimik yata?" tanong ni Bliss.
"Soundproof yung bahay," tugon ko.
Wala kasi kaming marinig na ingay galing sa loob. Kung hindi dahil sa kakayahan ko, hindi ko malalaman na humihingi ng tulong si Xia sa loob. Wala kasi siyang ibang inisip kundi ang humingi ng tulong at magmakaawa sa ninong niya.
Pagkapasok namin bumungad sa amin ang dalawang babae na agad na napataas ng kamay nang tutukan namin ng baril.
"Sino kayo?" tanong ng isa sa kanila.
"Hindi namin kayo sasaktan. Nasaan si Xia?" tanong ni Trevor.
"Nasa 3rd floor kasama si Mr. Sanchez," tugon nito.
"Nandito ba kayo para tulungan siya? Dalian niyo bago pa siya mababoy ng demonyong yun; tulad ng ginawa niya sa amin," sabi ng isa kanila na lalong ikinabahala ko.
Paakyat na sana ako ng hagdan nang biglang mamatay ang ilaw. At dahil sa suot kong contact lens hirap ako makakita sa dilim kahit na bampira ako. Nilabas ko na lang ang maliit na flashlight ko at ginamit ito para makita ko ang dinadaanan ko.
"Sino kayo?" sigaw ng isang lalaki. Mula sa pagkakatutok ng flashlight ko sa hagdan, itinaas ko ito hanggang sa may makita akong sapatos.
Tinutok ko ang flashlight sa mukha ng taong yun. Nang makilala ko siya, agad ko itong kiniwelyuhan saka sinuntok. Napaupo ito sa sahig.
"Kami na bahala dito," pigil sa akin ni Trevor.
"Hanapin mo na si Xia," kalmadong sabi niya pero alam kong galit din siya.
Hinila niya patayo si Mr. Sanchez.
"Hayop ka! Ano ginawa mo kay Xia?" tanong niya dito sabay suntok.
Si Trevor ang pinakamabait sa amin; wag nga lang siya gagalitin.
Umakyat na ako patungong 3rd floor at inisa-isa ang mga pinto hanggang sa isang pinto ang nabuksan ko. Halos lahat kasi ng pinto hindi ko mabuksan maliban dito. Pumasok ako sa loob ilat gamit ang flashlight ko hinanap ko si Xia.
Nakita ko siyang nakatali sa kama. Sira-sira ang damit. Mabuti na lang ayos pa ang panloob niya. Lumapit ako sa kanya para tanggalin ang pagkakatali niya. Kinagat ko ang flashlight para magamit ko ang dalawa kong kamay.
"Zander... ikaw ba yan?" tanong niya habang kinakapos ang hininga.
Pagkatanggal ko ng tali, bumaba siya agad ng higaan. Kamuntik pa siya mahulog; buti na lang nahawakan ko siya agad.
"Ano hinahanap mo?" tanong ko nang mapansin kong may kinakapa siya sa sahig.
May kinukuha siya sa ilalim ng kama niya. Tinutukan ko ito ng flashlight para tulungan ko siya. Kinuha niya ang cellphone sa ilalim saka binuksan ang flashlight nito.
"Bag..." sambit niya habang natingin sa sahig. Kinuha ko ang bag malapit sa akin at inabot sa kanya.
"S-salamat," mahinang sabi niya. May kinuha siyang lalagyan ng gamot sa loob. Nagbuhos siya ng tatlong tabletas sa kamay niya saka ito ininom.
Rinig ko ang mabilis na paghinga niya na para bang galing siya sa marathon. Hinayaan ko lang siya hanggang sa bumalik sa normal na paghinga.
Tinanggal ko ang jacket ko at sinuot ito sa kanya. Ayoko naman na lumabas siya na nakapanloob lang. Pagkasara ko ng zipper ng jacket bigla niya ako niyakap ng mahigpit. Sa hindi malamang dahilan bumilis ang t***k ng puso ko, pero hinayaan ko lang ito nang marinig ko ang mahinang paghikbi niya.
Hinagod ko na lang ang likod niya at habang nakasubsob ang mukha niya katawan ko. Pumasok bigla sila Bliss at Claudine.
"Xia," sambit ni Bliss habang palapit sa amin.
Bumitaw sa pagkakayakap si Xia saka nilingon si Bliss habang nagpupunas ng luha. Niyakap siya ni Bliss.
"Buti naman ligtas ka. Wag ka mag-aalala ayos na ang lahat," aniya na para bang isang ina na pinapatahan ang anak.
"Umalis na tayo dito habang wala pang malay si Mr. Sanchez," tawag ni Trevor sa amin.
Tinulungan namin si Xia na makatayo ito dahil sa nanlalambot pa ito sa takot.
Habang nasa biyahe kami, pansin ko ang pagkabalisa ni Xia. Nakayakap siya ng mahigpit sa bag niya habang nakasandal ang ulo niya sa bintana ng sasakyan. Nakatulala lang siya doon habang walang tigil sa pagtulo ng luha niya. Tumigil lang siya sa pag-iyak nang makauwi kami.
"Dito ka na muna tumira," sabi ni Trevor saka tinawag si Bliss.
Lumapit si Bliss kay Xia para isama ito sa kwarto niya. Wala kasi bakanteng kwarto kaya doon na muna siya sa kwarto ni Bliss. May guest room naman kami pero maalikaboki doon dahil sa hindi nagagamit.
*****
Third Person's POV
"Ninong wag! Tama na po," sambit ni Xia habang nanaginip ito na ginagahasa siya ng Mr. Sanchez. Nakatali ang mga kamay at paa niya habang hinahalikan siya nito.
"Wag po! Tama na!" sigaw niya habang patuloy siyang hinahaplos nito. Sinubukan niya magpumiglas pero hindi ito makawalan hanggang sa maiyak na lang siya.
Nagising si Bliss dahil sa ingay at likot ni Xia. Bumangon ito para gisingin si Xia na pawis na pawis.
"Xia! Gumising ka!" aniya habang tinatapik ang dalaga.
"Wag! Tama na! Maawa po kayo sa akin!" sambit ni Xia habang gumagalaw ang mga kamay niya na tila nagpupumiglas.
"XIA GUMISING KA!"
Napatingin ito sa salamin nang mapansin niyang nagkaroon ito ng c***k. Alam niyang si Xia ang may gawa nito kaya nagmadaling siyang gisingin ito. Sinubukan niya itong sampalin subalit balewala lang ito sa dalaga.
"TAMA NA NINONG! WAG!" sigaw ng dalaga at doon lamang ito dumilat. Napasigaw na lang si Bliss at napayakap kay Xia nang tuluyang mabasag ang mga salamin at ilaw sa kwarto.
"Bliss..." sambit ng dalaga habang pinagpapawisan. Mahigpit siyang niyakap ni Bliss.
"Panaginip lang ang lahat. Hindi ka na masasaktan ni Mr. Sanchez. Hanggang nandito ka sa amin, ligtas ka. Poprotektahan ka namin sa kanya," aniya habang hinahagod ang likod ni Xia.
"Salamat," naiiyak na sabi ng dalaga. Napatingin ito mga basag na salamin ng bintana at bumbilya. Pagkatingin niya sa kamay niya may dugo ito na nakuha niya sa likod ni Bliss.
"Bliss, yung likod mo."
"Ayos lang ako. Gagaling din yan bukas."
"Pe--"
"Ssshh. Ayos lang talaga ako promise. Matulog ka na. Nandito lang ako sa tabi mo."
Dahil sa pagyakap ni Bliss, kumalma na si Xia. Hindi din nagtagal nakatulog na ito ulit.
Kinaumagahan, nagising si Bliss na wala na sa tabi niya si Xia. Wala na ang nagkalat na bubog at tangging sulat na lang ang nandoon. Napatakbo palabas si Bliss para sabihin sa iba ang masamang balita.
"Trevor, si Xia umalis," aniya sabay bigay ng sulat. Binasa naman ito agad ni Trevor.
"Salamat sa tulong niyo. Masaya ako na nakilala ko kayo kahit saglit na panahon. Pasensya na kung hindi na ako nakapagpaalam ng maayos sa inyo. Alam ko na gusto niyo ko tulungan, ngunit ayokong pati kayo madamay sa problema ko. Ayoko din na mapahamak kayo dahil sa akin, kaya napagdesisyunan kong umalis na lang. Kahit na kailan lang tayo nakilala, tinuring ko na din kayong kaibigan. Panatag ang loob ko tuwing kasama ko kayo. Gusto ko pa sana kayo makasama pero ayokong masaktan kayo. Pagod na din ako sa lahat ng kamalasang nangyayari sa akin. Gusto ko na magpahinga. Sana sa susunod na buhay ko, makilala ko kayo muli at makasama ng mas matagal. - Xia," basa ng binata
"Bakit parang namamaalam siya?" komento ni Claude.
"Anong parang? Namamaalam talaga siya. May balak nanaman siguro magpakamatay," kontra ni Claudine sa kakambal niya.
"Magbihis na kayo. Kailangan natin siya mahanap bago pa siya magpakamatay," sabi ni Trevor sa kambal.
"Zander, buti nagising ka na. Si Xia umalis," salubong ni Bliss sa binata na kakalabas lang.
"Umalis?"
"Ito basahin mo," binigay ni Trevor kay Zander ang sulat na iniwan ni Xia.
Nang mabasa ito ni Zander, nawala ang antok niya. Bumalik siya agad ng kwarto upang magbihis.
"Jusko! Nasaan ka na ba Xia?" kinakabahang sabi ni Bliss.
Halos libutin nila ang buong lugar para mahanap si Xia. Nagtanong tanong na din sila sa mga kakilala nito pero wala ni isa ang may alam.
"Siyet," sinipa ni Zander ang maliit na bato sa harapan niya dahil sa inis.
"Zander, ayos ka lang?" tanong ni Claude habang nagtataka sa inaasal ng binata.
"Lagot sa akin ang babaeng yun kapag nakita ko siya," inis na sabi ni Zander.
*****
Xia's POV
"Ma, Pa, ngayon pa lang humihingi na ako ng sorry sa gagawin ko. Kung nabubuhay pa kayo, alam ko pipigilan niyo ko. Buo na po ang desisyon ko. Hindi ko na po kayang mabuhay. Hirap na hirap na din po ako. Sobrang namimiss ko kayo. Gusto ko na po kayo makasama," sabi ko habang nakahawak ng mahigpit sa dala ko ng blade.
Huminga ako ng malalim. Ito na ang huling beses na magpapakamatay ako. Bahala na kung matutuluyan ako. Kung hindi pa ako mamatay nito siguro nga hindi ko pa oras. Tumingin ako sa paligid at siniguradomg walang tao. Mag-isa lang ako naman ako at wala masyadong pumupunta dito ng ganitong oras. Swertehan na lang kung may makakakita sa akin at tutulungan ko.
"Magkakasama na din tayo," nakangiting sabi ko bago maglaslas. Kitang kita ko ang pagdugo ng pulso ko. Humiga ako sa tabi ng puntod nila mama at hinayaan lang ang pagdaloy ng dugo sa kamay ko. Unti-unting nanlabo ang paningin ko.
Ito na siguro ang katapusan ko? Matagal ko na din naman itong hinihintay.
Itutuloy....