"Please, Anne dito nalang kayo ng mga anak natin, malaki naman itong bahay, gusto ko kayung makasama, gusto kung buoin ang pamilya natin." Pagmamakaawa ko sa kanya. Halos lumuhod ako sa harapan niya para hindi na sila umalis ng anak namin ngunit nagmamatigas pa rin siya. Sa laki ng kasalanan at pagkukulang ko sa kanila wala akung magawa kung hindi pagbigyan siya, at sundin kung anung nais niya. Wala akung kalaban-laban kahit malaki ang karapatan ko, ako ang ama pero hindi ko maipaglaban ang karapan ko. Natatakot akung mawala ulit siya sa aking at iwan na naman nila ako. Sila ang buhay at kaligayahan ko. Sila ang kayamanan at tanging pinaghuhugutan ng aking lakas. Pero sila na din ang kahinaan ko ngayon. "Don't worry every sunday naman ihahatid ko sila dito. Kaya makakasama mo rin sila."

