KABANATA 5

1740 Words
Bago umalis si Alejandro sa karinderya ay binigay ko ang aking number sa kaniya para sa pagkikita namin bukas. Kung totoong hindi siya scam, kailangan niya magdownpayment sa akin bago ako maniwala sa kaniya. Alam kong may pagkakamali ako ng gabing iyon dahil basta ko na lang siya nilapitan at hindi nilinaw ang intensyon ko pero kailangan niya pa ring bayaran ang puri kong alam kong hindi ko binigay ng libre. Ang swerte naman niya! Pagkaubos ng tinda at makapaglinis ay umuwi ako sa bahay para maglinis at magluto. Tulad ng nakagawian, matapos kong ma-lock ang bahay, tsaka pa lang akong pupunta ng hospital dala ang niluto ko para sa hapunan ngayong gabi. Pagkarating ko sa hospital ay kinausap ko kaagad ang nurse at doctor sa kalagayan ng aking anak. Bumubuti na daw si Kokoy at pwede na ring i-discharge. Kinakailangan ko na lang bayaran ang natitirang balance namin. Sapat na ang ibabayad ni Alejandro bukas. 'Yong 2500 naman na natira, pwede ng puhunan sa online business na itatayo ko. "Lalabas na tayo bukas Kokoy" aking sambit sa aking anak habang kami ay kumakain. "Yey! Gusto ko na makita si Butchik tsaka Bebang!"tuwang tuwa si Kokoy na sinasabi ang pangalan ng mga kaibigan niya sa aming street. "Kaya kumain ka ng marami para hindi ka na ulit magkasakit" "Okay nay. Hindi na po magkakasakit si Kokoy. Strong na siya!" Inilabas niya ang braso at ni-flex na parang meron talagang muscle. "Tsaka papasok ka na din ng school" Tumigil siya sa pagnguya. "May sakit pa ako nay. Huwag muna kaya—" "Sapok?" Tinaasan ko siya ng kilay. Ngumuso ang aking anak at kumamot sa ulo bago bumalik sa pagkain. Ngumiti ako at pinagmasdang kumain ng magana ang anak ko. Ayokong nakikita siyang matamlay. Kahit pa makulit siya, mas gusto ko pang sakit siya ng ulo ko kaysa tahimik siya at may iniinda na palang sakit. Masakit para sa isang ina na makita ang anak na nakaratay sa hospital. Para akong mawawalan ng buhay kapag may nangyaring masama sa anak ko. Totoo pala talaga na kapag naging isang ina ka na, lahat kaya mong gawin para sa anak mo. Kaya ko lahat isakripisyo at iwan lahat para lang kay Kokoy. Habang pinagmamasdan ang anak ko ay naramdaman ko pag-vibrate ng aking cellphone. Kinuha ko iyon sa bulsa at ni-check kung sino ang nag-message. Galing iyon sa isang unknown number. 09********: Hello powz, si Bhozzzsk Alejandro po i2. Ngumiwi ako sa aking nabasa. Ang sakit sa mata ng typings ah! Ang jeje. Kaagad kong ni-save sa contacts ko ang number niya at binigyan ng magandang pangalan. Scammer. 'Yan! Bagay na bagay sa kaniya 'yan. Muling nagvibrate ang aking cellphone kaya muli ko iyong binasa. Scammer: Magandang gabi. Tumaas ang kilay ko bago ako nagtipa ng mensahe. Ako: Walang maganda sa gabi. Gaganda lang kapag nag-downpayment ka na Mabilis na nagvibrate ang cellphone ko ulit at mayroon na ulit akong natanggap na mensahe sa kaniya. Scammer: Oo na Bettywaps. Luge sa'yo aba. Suminghal ako. Anong lugi? Ako ang lugi! Winarak niya ako no'ng gabing iyon! Matapos niyang ingadngad 'yong ari niya sa bibig ko ng gano'n gano'n lang?! Muli uling nagvibrate ang cellphone ko at mayroon ulit bagong message galing kay Alejandro. Scammer: Text na lang kita bukas para sa downpayment Huminga ako ng malalim bago ako nagtipa ng mensahe pabalik. Ako: Ge Scammer: Ang cold mo naman. Hindi ko na iyon nireply-an dahil wala akong balak magsayang ng load para sa kaniya. Pinatay ko na ang cellphone at nagpokus kay Kokoy. _______________ Alejandro's POV "Boss, pa-bale" masuyo kong sambit sa aking amo na aking kausap via call. "Bale na naman? Ang dami mo ng advance sa akin. Hindi ba't nabigyan pa kita ng bonus noong nakaraang buwan?" Matigas na pagkakasabi nito. Napapikit ako at napakamot ng ulo. "Boss, importante 'to. Papaltan ko naman e—" "Aba Alejandro, maging wais ka naman sa paggastos. Napakatikas mo at hanggang ngayon puro ka pa rin pagpapakasaya? Paano ang buhay mo niyan" "Boss naman e. Magulang ba kita?" Kinamot ko ang ilalim ng aking tainga. Ayaw ko pa naman ng sermon kaya nga lumayas ako sa puder ng aking mga magulang. Ang ingay doon e. Ayan puro kamot na ako. Nakakaines kapag walang pera. "Advice ng isang pinsan. Sinasabi ko lang sa'yo Alejandro na kailangan mong maging responsable. Paano kapag nagkaroon ka ng pamilya?" "Eh boss, wala naman akong balak. Sayang ang kagwapuhan ko kung basta na lang ako magpapatali" "Nako, huwag mo sanang kainin ang mga sinasabi mo" "Sana nga din Boss hehe" "Para saan ba ang 2,500? Sa babae ba Alejandro?" "Kilala mo talaga ako" natatawa kong sambit. "Kailan ka ba titino Alejandro ah? Hindi na kita mapagbibigyan pa—" "Sige na boss. Nagoyo ako ng isang babae. May utang ako sa kaniya. Tinatawag niya akong scam kahit siya nang-scam sa akin" Muling pumasok sa aking isipan ang magandang babae na masungit. Bettywaps. Napahawak ako sa aking pisngi. Tss. Sampal-sampalin ako e...ungol naman ng ungol no'ng gabing iyon. Bakas na bakas ang sarap sa mukha niya tapos ako pa nagkautang? Ako pa nalugi! Ako pa natapunan. Pero maganda siya. Maganda siyang gawing chikababe. At tuwing naiisip ko ang pagtatal*k namin ay gusto ko iyong maulit. Nakakainis. Nakakabudol ang kaniyang itsura. Totoo kaya 'yong sabi ni Rica na may anak na siya? "Last na 'to Alejandro. Wala na akong maibibigay sa'yo" "Sige Boss! Salamat talaga. Bait mo talaga" "Tss. Stop calling me Boss please" "Amo kita e. Sana ol asensado!" Nakakainggit talaga ang pinsan kong si Eduardo. Parang kailan lang ang kasama ko siya sa mga masasayang inuman at trip, ngayon ay asensado na at may magandang buhay na. Itong bahay na aking binabantayan ay para sa pamilya niya. Sana ol hindi ba? Ako? Malabong magkapamilya. Masaya ako sa buhay ko. Ayaw kong ma-stress sa buhay. Maganda 'yong ganito. Painom-inom lang, babae lang at saya! Sayang ang kabataan ko ano. Nag-send rin kaagad si Eduardo ng aking iadvance na 2,500 na kaagad kong kinuha sa malapit na money transfer sa bayan. Kaagad kong kinuha ang cellphone para itext ang dalaga. Ako: Nasa akin na ang pera. Saan kita makikita? Ni-send ko iyon kaagad. Hindi ko siya makikita sa karinderya kasi sarado iyon ngayon. Ayoko pating makita si Rica. Hinuhuthotan ko lang ang bading na iyon pero minsan nakakainis na rin ang pagiging touchy niya. Nakatambay lang ako sa labas ng money transfer na napuntahan ko habang naghihintay ng kaniyang text. Maya-maya ay nagreply na ito. Bettywaps :): Alam mo ba 'yong public hospital na malapit? Doon mo ako kitain. Kumunot ang noo ko. Hospital? Ano namang ginagawa ng babaeng 'yon doon. Muli ako nagtipa ng mensahe. Ako: Sige. Kitakits! Bettywaps: Ge ge. Haist. Ano ba talaga pumasok sa akin para magpabudol sa babaeng ito. Hays. Sarap niya kasi. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at sumakay ng jeep. Pagkarating ko sa hospital na tinutukoy ng dalaga, tsaka muli akong nag-text. Ako: Dito na powz ako. Sa tapat! Ngumisi ako habang nagtitipa. Sumandal ako sa pader at matiyagang maghintay kahit pa mabilis ako mainip. Gusto ko sanang manigarilyo kaso ayaw ko namang umalis sa pwesto ko. Maisip na naman niya scam ako. Isasampal ko 'to sa mukha niya. Joke lang siyempre. Muling nag-vibrate ang cellphone ko kaya binuksan ko iyon. Bettywaps :): Palabas na. Pagkalingon ko sa exit ng hospital ay kaagad kong nasilyan ang dalaga. Petite ang babae. Mahaba at straight ang kulay itim nitong buhok. Hindi siya sobrang morena ngunit hindi rin sobrang puti. Walang ka-make-up make up ang mukha niya ngunit angat ang ganda. Simpleng babae na may magandang mukha. Mukhang inosente pero halimaw kung sumubo. Pero pokpok pala. Hindi ko nga alam kung bakit umiinit ang katawan ko lalo na nang lumakad siya padiretsyo sa akin. Sarap niya. Tumawid ako ng tayo at lumunok ng mariin nang iilang hakbang na lang ang lapit niya sa akin. "Oh? Asan na?" Aniya nang makalapit at nilahad ang kamay sa aking harapan. Mukhang pera amp. Kumamot ako ng ulo bago ko kinuha ang 2,500 sa bulsa ko at ibinigay sa kaniya. "Ayan. Downpayment" aking sambit. Binilang niya pa sa harapan ko ang pera bago tumingin sa akin ng mariin. Ngumiti naman ako ng matamis. "Sa akinse ah? Sa mansyon" Naiisip ko na kung paano gagawing sulit ang limang libo ko. Umiwas ng tingin si Betty. Rinig ko ang buntong hininga niya bago tumango. "Sige. Huwag mo kakalimutan ang natitirang 2,500" "Deal. Ikaw din dapat" Mapangahas akong lumapit. Ngumisi ako nang bigla siyang umatras. "Ano ba! Sa akinse pa ah" tinulak niya ang dibdib ko kaya tumigil ako sa paglapit. Ngumisi ako. "Bakit parang ilang ka ngayon? Parang hindi mo ito ginagawa sa iba ah?" Pokpok nga siya hindi ba? "Bahala ka nga kung anong isipin mo pero hindi mo ako pwede hawak-hawakan at lapitan hangga't wala ang pera" umangat ang tingin niya sa akin. "Maliwanag?" Hmm...segurista. "Sige. Pero siguraduhing mong kumain ka ng marami sa akinse ah?" Nilapit ko ang mukha sa kaniya pero mabilis niya akong tinulak na para bang isa siyang konserbatibong babae. Laro 'tong babaeng ito ah? "Susulitin ko ang limang libo ko. Maghanda ka ah?" "Oo na! Oo na!" Giit niya bago ako tinulak pa ng isang beses bago tumakbo papasok ulit sa loob. Kinagat ko ang labi habang iniimagine ang mga gagawin ko sa kaniya sa akinse. Nakaka-excite! Paalis na dapat na ako doon nang ma-realize na nasa hospital nga pala ako. Anong ginagawa ng babaeng iyon dito? Sa sobrang curious, nahanap ko ang sarili na pumapasok sa hospital. Nakita ko si Bettywaps na nasa cashier. Binabayad niya doon ang binigay kong pera. Hmm... Pagkabayad ay kitang kita ko ang ginhawa at ngiti sa mga mata niya. Napanganga ako. D*mn. Ang ganda pala niya ngumiti. Witwew. Nang umalis siya sa cashier ay napagpasiyahan kong sundan siya hanggang pumasok siya ng ER at lumapit sa isa sa mga hospital bed. Mayroon doon isang batang lalaki na maayos na nakadamit at bagong ligo. "Aalis na tayo nanay?" Sambit ng bata kay Bettywaps. Ngumiti ng matamis ang dalaga. "Oo anak. Aalis na tayo dito! Yey!" Nagyakapan ang magnanay. Natigilan ako sa nasilayan. So tama si Rica. May anak nga siya. Tumalikod ako bago ako dire-diretsyong umalis. Napakamot ako sa noo bago ko naalala ang mga ekspresyon nito no'ng sinampal niya ako. 'Yong pera ko... Para sa anak niya 'yon? Napasapo ako ng noo. Ang judgemental mo Alejandro. Kupal ka
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD