"Duke" tawag ko pero hindi niya ako pinansin. Simula kanina ay wala na itong ibang inatupag kung hindi ang kalkalin ang cellphone ko. Ngumuso ako at tinignan si Zion at Caleb na nasa harapan ko. Kami palang kasi ang nagising. Gulong gulo pa ang mga buhok nila pero cellphone na ang inatupag. "Where the h*ck is Grace?" tanong ni Zion Kay Caleb. Umangat ang ulo nito at nilingon si Zion ng nakakunot ang noo. "Why? Huwag mong sabihing aagawan mo ako?!" mas nakakatakot ang boses nito but I know better. They're best of friend, Duke, Caleb and Zion. Maliban sa magkakaedad sila ay mahigpit nilang sinusunod ang brother's code nila, unlike their older cousins. "Grace is Ruth's best friend. Malay mo magkasama sila! She's not replying!" sagot ni Zion bago muling bumalik sa sariling cellphone. Nilin

