Chapter 10

1912 Words
TUMALON bigla ang puso niya. Kinikilig na yata siya sa mga simpleng gestures ng bading. Umupo ito sa tabi niya at nginitian siya, domoble yata ang bilis ng t***k ng puso niya. May sakit na kaya siya sa puso? Baka kailangan na niyang magpa-check up. Wala siyang tanong na nasagot dahil lahat ay si Marvin na nga ang umiinom. Lumiyad si Race at binulungan ito. “Bakla, sigurado kang kaya mo pa? Ikaw na lahat ang umiinom ng shot ko eh. Alam ko namang hindi ka sanay uminom.” “I can. I can even drive you home.” “Basta hindi kita bubuhatin pauwi sa bahay ah.” She heard him chuckled, a chuckled that wasn’t her imagination because she’s drunk. Hindi rin alam ni Marvin kung bakit niya ito ginagawa, but all he knew now is protecting her no matter what. Dahil tuwing nakikita niyang umiiyak si Race, pakiramdam niya nahahati ang puso niya. Pakiramdam niya gusto na rin niyang pumatay at patuloy siyang namamatay tuwing nakikita niya ang kalungkutan sa mga mata ni Racelyn. “Dito ka lang, magsi-cr lang ako, then I fetch you home.” Tumango si Racelyn nang magpaalam si Marvin. Mayamaya, napansin ni Marvin na nakasunod na rin sa kanya si Ivan. “Do you think I’m a fool giving her up?” tanong ni Ivan pagkapasok na pagkapasok sa CR. Nagpagpag muna siya saka naghugas ng kamay. “Do you think you’re a big bullshit?” he mimics Ivan's word. “Babawiin ko uli si Racelyn. Magiging akin muli siya.” “Tingin mo ibabalik ko pa siya sa ‘yo?” “You’re a big liar! Ba’t hindi mo sabihin sa kanya na nagpapanggap ka lang naman talagang bading dahil nakikipaglapit ka sa kanya?” Napangisi si Marvin.“So, alam mo na pala. Alam mo na na hindi ikaw ang nanloko, kundi ikaw ang niloko.” “f**k you!” Tinulak nito si Marvin mula sa dibdib nito. “Dalawang tao lang ang nabubuhay sa mundo, isang manloloko at isang nagpapaloko. Malas mo, sa huli ka bumagsak.” “Kapag nalaman ni Race ang kagaguhan mo—“ “Tingin mo ba, makikinig pa siya sa ’yo? Hindi ako tanga, para ibalik ang itinapon ng iba. You dumped her and there’s no way out she’ll be back to you. Dahil gagawin ko ang lahat para makuha siya.” Isang suntok ang hindi niya nailagan at agad tumama sa kanyang panga. “Let’s see kung sino ang mas matimbang sa puso niya. Ang baklang naging lalaki o ang tunay na lalaki?” “Baka magsisi ka kapag ako ang nanalo,” muling pang-aasar niya rito saka umayos ng tayo na parang sampal lang ang suntok na iyon ni Ivan. “Hintayin mong mabawi ko si Racelyn at ikaw ang pupulutin sa kangkungan.” Pagkasabi’y umalis na rin ito roon. Lumapit si Marvin sa lababo at naghilamos. Mabuti na lang pala at silang dalawa lang ang tao sa CR. Lumabas na rin siya at agad tinungo ang pwesto nila, nang makitang wala na pala roon ang mga kasama. Nang may narinig siyang ingay at komosyon, gumuhit ang pag-aalala sa mukha niya. Lalo na nang malamang nag-aaway sina Racelyn at Jomelene. “You are a b***h! Hindi ko akalaing magagawa mo sa 'kin 'to. Pinatira kita sa bahay knowing that your parents was living abroad. Iyon pala, tinapon mo ang notices ko. Palibhasa mukha ka kasing pera kaya lahat gusto mong landiin!” sigaw ni Racelyn. “How dare you—“ sasampalin sanang muli ni Jomelene si Race nang humarang si Ivan. Agad hinila ni Marvin si Racelyn na ngayon ay sabog-sabog ang buhok at may galos sa pisngi na sanhi ng pagkakalmot. Namumula na rin ang ibang parte ng balat sa braso nito. Inalalayang makasakay ni Marvin si Race, labis ang pagsikdo ng puso niya. Pakiramdam niya lalabas na iyon. Lalo pa at nakita niyang hindi halos lumalaban si Racelyn dahil siguro may value pa rin sa kanila ang pagkakaibigan nilang dalawa. “When someone stabs you, you should fight,” mariing sabi nito na tila nile-lecture-an siya. “I still valued her as a friend. Malaki pa rin ang pinagsamahan naming dalawa. Pero, nang malaman kong nagsinungaling siya sa maraming bagay, hindi ko na napigilan ang sarili ko. I cried.” Hinila niya ito at niyakap saka bahagya niyang hinagkan ang bumbunan nito. Umayos ng upo si Racelyn, napansin yata nito ang sugat sa gilid ng labi dahil sa pagputok mula sa suntok ni Ivan. “Anong nangyari sa labi mo?” Iniikot pa nito ang mukha niya habang salo ang kanyang panga upang makita ng malapitan. “Nakagat ko lang,” pagsisinungaling niya. “Marvi, can we please don’t go home yet? Uminom muli tayo.” “Pero ganyan ang ayos mo—“ pinigil nito ang sasabihin pa ng bakla. “Please.” “Bumili na lang tayo ng inumin, sa bahay ka na lang uminom. I can’t let you drink outside.” Tumango-tango si Racelyn bilang pagsang-ayon sa kanya. Dalawang Rhum at Vodka ang pinili ni Racelyn nang makadaan sila sa pinakamalapit na Convenient Store. Nagtaka pa si Marvin sa mga bitbit nito nang kunin niya rito ang plastic bag. Ngunit nawala din iyon nang maalala ang pagsisigawan nina Racelyn at ng dati nitong kaibigan. Nilatag na ni Marvi ang mga pinamili nito sa sala saka binuksan ang Rhum. Kinuha iyon ni Racelyn at agad sinalin sa sariling baso. “You’re going to drink that without chaser?” namamanghang tanong ni Marvin dito. Hindi nito siya sinagot, ininom lang nito straight ang laman ng baso. “Bakla, may favor ako sa’yo.” Nagdududang tingin ang ibinigay niya sa sinasabi nito. “Bakla, pwede ko bang tingnan ‘yong ano mo?” “What do you mean ano?” “Alam mo na. ‘Yong ininguso nito ang harapan niya. Napatayo si Marvin at agad kinuha ang throw pillow at itinakip sa harapan. Napahalakhak si Racelyn sa ginawa ng bading. Muli nitong kinuha ang baso at ininom. Ngunit bago pa iyon dumaloy sa bibig niya, agad ding inagaw niya ang baso nito at diretsong ininom iyon. “Teka, akin ‘yon eh.” Halos dalawang baso lang ang nainom ni Race dahil ang bading lang ang uminom ng uminom. Itinago pa niya ang natitirang alak dahil ayaw talaga niyang malasing ng husto ang dalaga. “Bakla, sorry. I know I’m such a nuisance and burden to you,” mahinang sabi nito ngunit malinaw sa pandinig niya, kahit medyo nahihilo na siya dahil sa labis na nainom na alak. Narinig niyang humikbi ito at tuloy-tuloy na ang labas ng luha sa mga mata nito. Kinabig niya ito at niyakap. “Bakit ba kasi malas ako? Sa love life, pati ba naman sa kaibigan.” Hinagod-hagod lang niya ang likuran nito kahit naniningkit na ang mga mata niya dahil sa pagiging tipsy hindi pa rin niya hahayaang mag-isa ito. Hindi siya pwedeng antukin, makatulog o bumagsak sa labis na kalasingan. Makikinig lang siya dito hanggang antukin ito at babantayan niya pa rin ito. Umalis sa pagkakayakap si Race at umayos ng upo. “Huwag kang mag-alala, hindi na ako iinom. Kasi I’m sure, aagawin mo lang at ikaw lang ang iinom. Pero alam mo, sobrang thankful ako na nakilala kita.” Tumingin pa ito sa kanya at nginitian siya. “Despite of you being a gay, you are more gentle man than the other man I knew.” Napaangat ang sulok ng labi niya at nagpormang ngisi. “O, compliment ‘yon, Bakla. Thank you for coming to my life kahit alam kong imposibleng main-love ka sa ‘kin, bakla.” “Lasing ka na,” mahinang usal niya dahil pakiramdam niya, wala na naman ito sa katinuan at kung anu-ano na naman ang pumapasok sa utak nito. Baka naapektuhan ng alak. “Yes I’m drunk, pero sa’tin ikaw ang mas nakainom.” Napangisi siya sa sinabi ni Racelyn. Bigla itong natahimik, mayamaya ay nagpatuloy sa pagsasalita. “Kung naging lalaki ka sana at na-in love ka sa ‘kin, ako na siguro ang pinakamaswerteng babae sa mundo. Becuse the Gay who loved me, became a man.” Hindi na nakatiis si Marvin, kinabig niya ang batok nito para maglapit ang labi nila. MABIGAT ang pakiramdam ni Racelyn nang magmulat siya ng mga mata. Iyon na yata ang pinakamagandang panaginip na napanaginipin niya. Umaasa siyang sana totoo ang lahat, ibigay man niya ang lahat sa bading, alam niyang hindi siya nito iiwan. Tatayo na sana siya nang mapansing may nakadantay sa baywang niya. Lasing pa nga yata siya at tila hindi niya napansin ang nasa tabi niya, walang iba kundi si Marvi. Agad niyang sinilip ang katawan mula sa ilalim ng kumot. “OMG!” mahinang bulalas niya. “I kissed the girl, I like did it. It felt so good, it felt so right,” napapakanta pa siya. “s**t! Ba’t ba parang masaya pa ako?” Pinikit-pikit pa niya ang mga mata. “OMG ulet! Nagiging lalaki ang bading pagnalalasing?” “Racey..” Narinig niya itong bumulong, mukhang lasing na lasing ito at sigurado siyang wala itong matandaan. Dahil ganoon naman karamihan ng napupuruhan sa inuman, walang matandaan kinabukasan. Dahan-dahan siyang bumangon at nagtungo sa banyo. Doon niya nilabas ang mga nais niyang sabihin. "s**t! s**t uli! Paano kung bigla siyang magtitili kapag nalaman niyang may nangyari sa ‘min? O kaya bigla siyang mandiri. I’m sure naman hindi niya ako pananagutan. Pero s**t lang, I’m sore. Kaya lang sayang, lasing kami, ‘di ko tuloy naramdaman kung intense ba.” Tinampal ni Race ang sarili. “Gaga! Kung anu-anong pinagsasabi mo! Iisipin mo pa ba ‘yon? p********e mo ang nawala, kalandian pa ang iniisip mo.” Naglalaban na ngayon ang utak niya. Muli siyang napabuntong hininga. “Ano nang gagawin ko ngayon? I promise to myself I only give this everything to the man who will love me back. Paano na ‘to?” Napaupo siya sa sulok. “Ang tanga-tanga ko! Wala naman akong mapapala sa kanya, hinayaan ko pa. Dapat kasi pinigilan ko ang sarili ko kahit na alam kong Usually namamatay talaga ang mga taong nagpipigil.” Gusto sana niyang umiyak dahil sa kalokohan at kapusukan niya, kaya lang ayaw makisama ng mga mata at ng puso niya, tila masaya pa siya sa nangyari. Parang gusto pang lumabas ng puso niya at magtatatalon sa tuwa. Bakit tila ganoon ang pakiramdam niya? Binasa niya ang katawan para maibsan ang nararamdaman niya at para mawaswasan siya. Kahit nananakit ang katawan lalo na ang parteng iyon, pinilit niyang makapagbihis at para makaalis. Hindi niya kayang harapin ang bading at ang sasabihin nito. Matatapakan ang pride niya at mawawala rin ang dignity niya dahil sa kapusukan niya. Nagpahatid lang siya sa isang Park mula sa taxi. Ang park kung saan una siyang dinala noon ni Ivan, pumapasok sa isip niya ang lahat. Mas maganda nga yatang iyon ang pumasok sa isip niya, kaysa ang nangyari sa kanila ng bading. Ilang oras din siyang nakaupo roon at pinagmamasdan lang ang ibang mga couples at mga tao roon. Ganyang pa rin siguro sila ka-sweet kung hindi natukso si Ivan sa iba. Hindi maikakailang, may nararamdaman pa rin siya kay Ivan at lahat ng bagay na maaalala niya ay nag-uugnay sa kanilang dalawa. Mga bagay na itinapon lang nito. Hindi niya namalayang pumatak na pala ang mga luha niya. “I see, you still love him.” Napatingala siya sa nagsalita. Paano nito nalaman na naroon siya? At bakit tila, may gumuguhit na kirot sa mga mata nito? Napatitig siya dito, sa mga mata nito. Tumayo siya at mabilis na niyakap ito. “Nasasaktan ako, Marvi. Nasasaktan ako tuwing naaalala ko siya.” “If you still need him, I can pretend to be him.” Saka masuyong hinagod ang likuran niya. Humiwalay siya ng yakap dito. “Marvi, hindi ko na kayang magpanggap,” naluluhang sabi niya. “Hayaan mo na lang muna ako.” Saka naglakad palayo rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD