[~CHAPTER 4~] (BACK THEN)
+ Zoey's POV.
*5 YEARS AGO
"papa san po pupunta? Kaarawan ko ngayon tapos aalis ka?" tanong ko kay papa habang nag hahanda siya
"may trabaho ako anak eh, pero hayaan mo, pag balik ko mamaya bibilhan kita ng pasalubog, pangako yan" naka ngiti niyang sambit, pero napa kunot lang ako ng nuo
"HAHAHA gaya ng mama mo matampuhin ka talaga kahit kailan, pero pangako yun, maaga akong uuwi mamaya"
"pangako yan ah, baka mamaya tumawag ka nanaman sakin tapos sabihin mong mag oover time ka" nag tatampo kong sambit
"syempre hindi... Kaarawan kaya ng prinsesa ko ngayon"
"aasahan ko po yan" naka ngiti kong sambit at nagpa alam na
Isa siyang guard sa isang sikat companya na pag mamay ari ni Manuel Charl Stellito, ang daddy ng lalaking crush ko huhuhuhu... Pero matagal tagal narin simula nung huli ko siyang makita... ano na kayang itsura niya.
------
--------
*10:00 PM
//10 na pero di parin dumarating si papa, nangako siyang maaga siyang dadating pero hanggang ngayon wala parin siya... Nag tatampo nako.. //
Dahil sa pagka inip ay tinawagan ko na siya kahit na nag tatampo, isa pa nag aalala narin ako
"hello? Anak? Pasensiya na kanina pa ako nag hihintay ng sasakyan dito pero wala namang pumapara"
"kanina pa po ako nag hihintay sa inyo... Mas mabuti pang sunduin ko nalang ako... Mas madaling maka sakay dito kaya ako na susundo sayo jan papa"
"oh cge mas mabuti panga, at dala ko na rin ang regalo ko para sayo" eccited niyang sambit
"hmm... Nag tatampo parin ako... Papunta nako jan"
Agad akong nag bihis at umalis na,
------
--------
Malapit na ako sa building na pinag tatrabahuan ni papa, nang biglang mapansin namin ng driver ang isang nag aapoy na kotseng naka taob sa gitna ng kalsada, agad na napa hinto ang driver at nag balak nalang na mag U turn pero agad kong napansin ang isang pamilyar na suot ng isang lalaki sa may tabi ng kotse kaya agad kong pinahinto ang driver
"nababaliw kaba Ms? Delekado baka mamaya sumabog pa ang kotse"
"ako na pong bahala sa sarili itong pasahe" agad akong bumaba ng taxi at tumakbo palapit hanggang sa mamukaan ko ang lalaking sugatang naka handusay sa gilid ng kotse
"PAPA!!!!!" sigaw ko na may pag luha
Agad ko siyang linapitan habang humahagulgol sa iyak
"z-zoey u-umalis k-kana d-dilikado d-dito"
"hindi kita iiwan dito papa" humahagolgol kong sigaw
"a-alis na"
"papa.... Sabi mo hindi mo din ako iiwan diba, wala na si mama, ikaw nalang natitira sakin, wag mo naman akong iwan"
"p-pasensiya n-na........ A-ANAK" tuluyang pumikit na ang mga mata niya matapos sambitin ang huling salita,
"PAPA!!!!!!" walang tigil na pag hagulgol ang tangi kong ginawa habang hawak hawak siya,
Nang hindi ko namamalayang may mge grupong ng lalaki ang papalapit samin, mga armadong lalaki,
"patay na ang target, at dalawa ang nadamay, may isang babae dito, mukhang buhay pa" rinig kong sambit ng isang lalaki
"patayin niyo ang babaeng yan" utos naman ng isang lalaki
Ramdam kong may isang lalaking palapit sakin, ilang sandali ay hinawakan niya ako sa mukha, ngunit dahil sa pagka bigla sa mga nangyari, ay wala akong ibang nagawa kungdi ang maging tulala at lumuha
"sir, hindi nag sasalita ang babaeng toh at tulala lang, mukhang nadamay lang ang lalaking hawak hawak niya"
Lumapit ang isa pa niyang kasama at tumingin sakin, kinaway kaway niya ang kamay niya sa harap ko at sandali akong tinitigan
"sir mukhang bulag ang babaeng toh, papatayin ba natin siya?" sambit nito
"sigurado akong nadamay lang siya dito, at mukhang wala siya sa tamang katinuan kaya wala tayong dapat ipag alala, hayaan niyo siyang mag luksa diyan at umalis na tayo bago may dumating pang mga pulis dito" sagot namang ng leader nila.
Ilang minuto akong natulala matapos maka alis ng mga armadong lalaki, napansin ko ang isang paper bag na nasa kamay ng papa ko... Malamng ito ang regalong binili niya sakin, pilit kong pinigilan ang mga luha ko sa pag patak nang mapagtanto ko ang dalawa pang taong naka handusay sa kalsada, agad kong namukaan ang isa sa kanila
"Mr. Stellito?" nang mabuhat ko silang dalawa sa gilid ng kalsa ay sinubukan kong balikan ang papa ko, nang biglang sumabog ang kotse, agad na nanlaki ang mga mata ko sa pag sabog kung saan ay nandoon pa ang papa ko,
"P-PAPAAAAAA!!!!!"