KABANATA 1

836 Words
KABANATA 1 Alas-dose na ng gabi ng makauwi ako galing studio. I work as an artist and I have my own studio where I work and most of my paintings ay deretsong napupunta sa museum for exhibit.  Tinanggal ko ang aking heels at nilagay ito sa shoe rack. Madilim na ang paligid ng bahay at tanging sa kusina na lamang ang bukas ang ilaw. Pagod kong hinilot ang aking balikat habang naglalakad patungong kusina. Mukhang narito na si Zacharaya at nalimutan pang patayin ang ilaw. Akala ay walang tao akong madadatnan doon pero ganon na lang ang gulat ko ng makitang naroroon si Zacharaya at nakasandal sa may counter habang marahang umiinom sa basong may lamang alak. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti na ginantihan naman niya ng simpleng tango. Umalis siya sa pagkakasandal sa counter at lumapit sa akin.  "Bakit gising ka pa? Akala ko tulog ka na. Anong oras na rin."  "I was waiting for you." Sagot niya sa akin. "Hindi mo na dapat ako hinintay, mukhang pagod ka pa naman." Bumakas ang pag-aalala sa akin. Bumaba ang aking tingin sa kanyang kasuotan. Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Oh? Kararating mo lang din ba? Hindi ka pa bihis." Napatingin din siya sa kanyang suot. "No. Maagang natapos ang trabaho ko pero dumaan pa ako kila mama Bet kaya natagalan ako doon at ngayon lang nakauwi." "Huh? Kila mommy? Why so suddenly?" Tanong ko.  Bago sumagot ay inubos niya muna ang laman ng baso bago ito nilapag sa sink. Sabay kaming naglakad paakyat patungong kuwarto. "Actually your father called me kaya napapunta ako doon." Kwento niya habang naglalakad. "Why? Is there a problem?"  Bihira lamang namin nakakasama ang magulang namin. Mostly kapag bumibisita kami ay kapag may okasyon lang or kung may problema. Abala rin kasi kami at walang oras para magbakasyon sa kanila. Since malayo-layo rin ang byahe papunta doon. Pero mukhang its about work kaya si Zacharaya lang ang pinatawag. "Its nothing." Simpleng sagot niya. Pumasok kami sa aming kuwarto. Sumunod ako sa kanya habang abala siya ng paghuhubad ng kanyang kasuotan para makapagpalit. "Anong its nothing. I know there's a problem. Hindi ka naman papapuntahin doon ni dad kung hindi importante or kung may problema man so common say it." "Its nothing really." Tanggi pa niya. Napabuga tuloy ako ng hangin. "Why don't you just say it. Alam mong hindi ako titigil sa kakatanong sayo hanggat hindi mo sa akin sinasabi kung ano ang pinag-usapan niyo." Hinintay ko siyang matapos sa pagbibihis. Nagtungo siyang closet para kumuha ng damit na pantulog. Naupo ako sa may kama at sumadal sa may headboard. Nang matapos magbihis ay lumapit siya sa akin at tumabi sa akin. Tumingin ako sa kanya at inudyok na sabihin ang problema. Napahinga tuloy siya ng malalim at walang nagawa kung hindi ang sumagot. "He talked to me." "Yeah of course, he talked to you and?" Umiwas siya ng tingin sa akin. Kaya nangunot ang aking noo.  "He asked when we'll we have a child."  Nagulat ako sa kanyang sinabi. "What? Pinapunta ka niya doon para lang itanong yan?" Seriously? Akala ko pa naman ay may problema kaya kinailangan magpunta doon. What's their problem? Bakit pa kailangan nilang papuntahin doon si Zacharaya kung iyan lang naman para ang tatanungin. But I was curious, what did he answe? Lakas loob ko siyang tinanong. "Anong sinabi mo?" Tumingin siyang muli sa akin. "We're still not ready." "Thats it?" Tumango siya sa akin. I sighed. Its been a year since we got married and aside from being a wife and a husband in paper we only stay as best friends. We don't actually treated each other as a couple since we only stay as bestfriends. Natahimik kami ng ilang saglit. "Zacharaya why don't we just have a child?" Marahas siyang napabaling sa akin. "What? Don't joke around Carlotta. Its not a good joke." "What if I am not?" Seryosong sabi ko. Tinignan niya ako na kung seryoso ba ako at alam kong sa isip niya, iniisip niya kung nababaliw na ba ako. "Look. We are married Zacharaya and we'll stay wed hanggang sa mamatay na tayo. Una pa lang pinilit na kita na hindi mo ako kailangang pakasalan porket may nangyari sa atin." Paliwanag ko. "Because that's how the man should take responsibility." Depensa pa niya. "Yeah and you told that to our parents that's why we ended up like this, you're not planning naman na tumandang walang anak right?" "Of course meron pero hindi pa ngayon. I am still not ready and I am still adjusting, you know that right?"  Natigilan ako at napatungo. Yeah, I knew his reasons. "Yeah. I understand."Tumayo ako mula sa higaan at naglakad patungong closet para magpalit na rin. Nang matapos maglinis ng katawan at makapagpalit ay hindi ko na binuksan pa ang usapan at hindi nag-abal pang tanungin siya. Nahiga na lamang ako sa kama at hinayaang dalawin ako ng antok. Wala na rin naman siyang sinabi kaya hinayaan ko na hanggang sa makatulog na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD