Chapter 2: Back from the Start, Mr. Good Boy

1283 Words
Welcome to another pleasurable reading experience. Hot and Steamy. Read at your own risk. Addiction is not a crime here. This is... Chapter 2: Back from the Start, Mr. Good Boy 2014 Eighteen years old at kaga-graduate lang ni Janzen Punzalan ng Senior High sa West End Secondary School sa New York. Doon sila nanirahang mag-ina magmula noong elementarya siya. Kahilingan iyon ng kanyang amang si Arthur Punzalan. Retired US Navy at businessman ang kanyang ama. Nabuntis lang nito ang kanyang inang si Janice nang mamalagi sa Subic sa Pinas noong ipadala ang mga sundalong Amerikano roon. May mas nakatatanda siyang kapatid, ang sikat na football player na si Paolo Maria. Hindi rin kasal ang ina nito sa kanilang ama. Kahit na magkaiba ang ina at wala man lang naikasal sa kanilang ama ay maayos ang relasyon nila Janzen at Paolo. Madalang na nga lang silang magkita dahil madalas na itong mamalagi sa Pilipinas. "Lucas bro!" Bungad ni Janzen sa kaibigang si Lucas nang makarating siya sa comvenience store sa labas ng kanilang street sa residential area ng New York. Winter break pero graduate na rin naman siya kaya naman nag-eenjoy pa siya sa pagtambay. Fil-Am din si Lucas na kanyang guy best friend. Ang kanyang girl best friend na Fil-Am din ay nasa Los Angeles nakatira, si Dorothy. Doon kasi nakatira ang kanyang ama. Twice a month every weekend kung dumalaw siya rito noong nag-aaral pa siya. "Why did you call me? It's freaking cold outside!" Napatingin ito sa labas kung saan pumapatak ang snow. Makapal na rin ang nyebe sa lupa. Bigla nalang ito umiyak. "Aaaaah bro Janzen!" Bulalas nito. "The f**k bro! Cry baby? Bakit ka umiiyak?" Marunong siyang mag-Tagalog dahil sa kanyang ina. "Nakipag-break na sa akin 'yung chicks ko bro. Remember the brunette girl. The junior goddess. Bro nakipag-break na siya sa akin! Huhuhu!" Sanay din itong mag-Tagalog. Bunso kasi si Lucas. Matagal na nanirahan sa Pilipinas ang pamilya nito. Kahit nga ang Black American dad nito ay bihasa na sa pagsasalita ng Tagalog. Nagpigil siya ng tawa pero hindi niya rin napigilan ang sarili. Napahagalpak siya. "Hahahaha! The f**k bro! Buti nga sayo!" Matino naman si Janzen. Medyo pilyo at pasaway lang talaga. "What's funny bro? Konting support naman dyan! Anong klaseng kaibigan ka?" Napadukdok na sa mesa ng convenience store si Lucas. "Bro remember what I told you? Ako 'yung gusto ng brunette chicks na 'yun. Pumayag lang 'yun na maging boyfriend ka dahil alam niya na best friend mo ako. Di ba nga muntik na akong pikutin 'nun? You're so gullible. See? Dahil hindi ka napakinabangan dahil wala pa rin akong paki sa kanya ayun iniwan ka na." Kahit na magandang lalaki. Matangkad. Toned ang katawan. Mixed American and Asian hotty ang looks niya. At talaga namang habulin ng mga babae mula pa noong kabataan niya ay wala pang nagiging girlfriend si Janzen. Hopeless romantic siya. Epekto marahil ng impluwensya ng ina sa Filipino culture. Ayaw din niyang matulad sa kanilang pamilya na okay naman pero dalawa at walang basbas ng kasal. Isa pang naka-impluwensya sa kanya ay ang mga romantic comedy films. Tulad sa ina ay nahilig siyang manuod ng mga ganoong klaseng pelikula bilang sobrang sikat ng mga 'yun sa US. Ilan sa kanyang mga paborito ay Pretty Woman, Breakfast at Tiffany's, Notting Hill at 50 First Dates. Sikreto niya lang 'yun. Very feminine kasi sa lalaki ang panunuod ng romcom. Baka mapagkamalan pa siyang bading. Grabe pa man din ang mga bully sa kanila lalo pa't naging varsity basketball player siya. "Don't rub salt into the wound bro!" Tumingala ito habang nagtulo na ang sipon sa ilong. "f**k bro magpunas ka nga ng sipon mo! I'll buy the beer. Pwede naman na tayong uminom." Biglang umaliwalas ang mukha nito. "Really?" "Mukha ka talagang beer! Gusto mo lang magpalibre eh!" "Thanks bro!" Matapos nilang makatig-dalawang beer ay umuwi na sila. Hindi naman sila nalasing sa dalawang bote. Napansin niyang may usok na lumabas sa kanilang chimney. Kadalasan ay naka-heater lang sila kapag winter. Isa lang ang ibig sabihin kapag nagpaapoy sa chimney ang kanyang mama. Naroon ang kanyang papa. Excited siyang pumasok sa loob ng bahay. Tila seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa. Nagbago lang ang mood ng mga ito nang makita siya. "Pa!" Sigaw niya saka yumakap sa ama. "Janz! I miss you son! Congrats on your recent graduation! I'm so proud of you!" Gumanti naman ito ng mahigpit na pagyapos. "Pa you're always congratulating me whenever you're calling and messaging me." "That's how proud I am to you my son. And I wasn't able to go to your graduation day because of an urgent concern in my business." "Pa you're not on the ceremony but you did all you can to be there. Right after the ceremony you made it. Kuya Paolo was also there. I'm very happy during that day. I'm actually very excited to go to college and take Communication course. Plus I'll also play on a basketball team. I'll make you even prouder." Nagkatinginan ang kanyang mga magulang sa huli niyang sinabi tungkol sa kolehiyo. Sandaling katahimikan. "Is there any problem?" Tanong niya sa mga 'to. "Nagluto ako ng masarap na hapunan. Tara kumain na tayo." Biglang anyaya ng kanyang ina. Tinabihan niya ito saka bumulong. "Ma tell me, is there any problem?" "Kain muna tayo nak. Mamaya na tayo mag-usap. Lalamig ang pagkain." Tugon nito. Matapos nilang maghapunan ay saka siya kinausap ng dalawa. Balak nang bumalik ng Pilipinas ng kanyang ina. Senior citizen na kasi ang kanyang grand parents at wala na raw mag-aalaga. Doon na rin siya pag-aaralin ng kolehiyo. Nakakaintindi na siya sa ganyang edad pero masakit pa rin sa kanyang iwan ang Amerika. Ang kanyang ama. Ang mga kaibigan lalo na sina Lucas at Dorothy. Napaluha nalang siya. Mahigpit siyang niyakap ng ama. "I will miss you Janz. Don't worry. Everyday I will always call you. Every quarter I will visit you in the Philippines. You'll be fine there. You're a good boy and very intelligent. And you're mother will take care of you. For sure your grand parents will be very happy." Hindi na siya nakatugon pa sa ama dahil walang tigil siya sa pagluha. Bago ang flight nila ng kanyang mama papuntang Pinas ay naging madamdamin din ang pamamaalam niya kina Lucas at Dorothy. Nanibago si Janzen pagdating sa Pilipinas. Sa Quezon City sila nanirahan kasama ang kanyang lolo at lola. Masaya siyang makita ang mga ito. Ngunit miss na talaga niya ang ama at mga kaibigan. Nagkausap na rin sila ng kuyang si Paolo na magkikita. Nanibago rin siya sa klima. Pebrero na iyon pero mainit na ang panahon. Pero ang sabi ng kanyang lola at malamig pa nga raw iyon. Bago rin sa kanya ang traffic. Nagsimula na kasi siya kaagad na pumasok ng kolehiyo. Humabol siya sa semester na iyon sa University of Santo Tomas sa Maynila. BA in Communication nga ang kanyang kinuha. Wala siyang gana. Matamlay siya sa unang araw ng kanyang pagpasok. Gayunpaman ay pansin niyang agaw atensyon siya kahit sa Pilipinas. The looks. The height. The body. Mukhang siya na naman ang pagkakaguluhan ng mga kababaihan. Ngunit noon na rin pala niya makikilala ang babaeng babago sa kanyang buhay. Habang naglalakad siya ay mayroon siyang nakabungguang nagmamadaling babae. "Sorry." Tinulungan niyang kunin ang nahulog nitong mga libro. "Sa susunod tumingin ka sa dinaraanan mo huh?" Supladang saad ng babae habang tila nagmamadali. "Ang laki mong tao haharang-harang ka sa daan!" "Wow!" Ang kanyang naging reaksyon nang makaalis na ito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay may babaeng nainis sa kanya at hindi nagpakita ng interes. "I think I found my reason to be happy here in Manila."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD