Naalala ni Janzen ang mga ikinwento sa kanya ng kanyang kuya Paolo bago ito ikasal...
"Ano ba talang nangyari Chastine Mae?" Paulit-ulit na tanong sa kanya ng kanyang tiya Bebang. "Sino ang ama ng dinadala mo?"
Paulit-ulit lang din ang pagwalang imik niya. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang kwento. Kababalik niya lang. Kalahating araw na silang nag-iiyakan na magtiyahin pero wala naman itong mahita sa kanya. Puro lang ito ang nagsasalaysay. Ang masakit pa ay si Paolo ang laging paksa ng mga istorya nito. Kung paano ito tinulungan ni Paolo, kung gaano kabait si Paolo. Lagi nalang si Paolo. Bawat Paolo ay katumbas ng isang punyal na tumatarak sa kanyang dibdib. Buhay pa siya'y pinapatay na siya ng pangalan ng lalaking pinakamamahal.
Sabay silang napatayo ng tiyahin ng padabog na bumukas ang pinto. Hindi nila iyon nakandado. Si Paolo mismo niluwa non. He looked like a mess magulo ang buhok nito at nagsisimula ng lumuha.
"Why Chas? Why?!" Sinigawan siya nito ng harap-harapan. "Bakit hindi mo sinabing... pinagsamantalahan ka nila? Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo? Sana kahit patay na sila ay pinatay ko pa ulit!"
"K-kanino mo nalaman?" Nauutal niyang tugon. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ng lalaki.
"Sa akin Chas." Ang lumuluhang si Dhazle naman ang sumunod na pumasok.
"Bakit Dhazle?" Tanong niya sa kaibigan.
"Kasi nahihirapan ka pa rin. Pinagbigyan kita sa loob ng limang buwan Chas. Sabi mo after non magiging okay na kapag napalayo mo na sayo si Paolo. Pero hindi eh. Nasasaktan ka lang. Pinapasakitan mo lang ang mga sarili niyo. Ibig sabihin mali. Mali yung desisyon mo friend." Mahinahong tugon ni Dhazle habang halos lumuhod na ito sa kanya.
Tinalikuran ni Chastine silang lahat. "So ikaw na dapat ang magdesisyon sa akin? Ganon naman talaga eh. Sa una masakit ang mga bagay-bagay pero masasanay din kami. Umalis ka na Paolo. Umalis ka na rin Dhazle."
"Lumabas na muna kayo Dhazle ni tiya Bebang. Hayaan niyo kaming mag-usap ni Chas." Narinig niyang utos ni Paolo. Hinarap niyang muli ang mga 'to upang pigilan ang dikta ni Paolo pero ang lalaki mismo ang humarang sa kanyang daraanan.
"Padaan. Umalis ka sa harap ko." Ngunit huli na ang lahat. Nakalabas na sina tiya Bebang at Dhazle.
"Chas bakit? Bakit?..." tanong nito. Hind siya kumurap dahil baka namamalik-mata lang siya. Ang isang Paolo Maria Punzalan ay umiiyak. Para itong bata na nakayukot ang mukha.
"Pao... madumi na ako. Binaboy na nila ako. Magkakaanak pa nga ako sa kanila oh. May ibang babae don na mas malinis at mas karapatan sa pagmamahal mo. Hanapin mo lang siya. Palayain mo lang yang nararamdaman mo para sa akin." At lumabas na ang mga bagay na ayaw niya sanang sabihin dito. Ang tunay na dahilan kung bakit niya ito tinataboy sa kanyang buhay. Napakalapit nila sa isa't-isa. Halatang nais siya nitong hawakan pero nagdadalawang isip ito sa pwede niyang maging reaksyon.
"That must be the reason why you are hiding from me. I may not know how painful it was but I also felt a pain. Different kind of pain from your perspective. Pain ng isang lalaking nagmamahal. Kung padumihan lang din naman Chas, madumi rin ako. Bago ikaw ay kung sinu-sino rin namang mga babae ang dumaan sa akin. Pero sige iba yung pinagdaanan mo. Mahirap. Siguro wala ka ng mukhang maiharap sa akin. Tapos hindi ka rin naman sure kung na-r**e ka nga. Though I know na kahit hindi man ay traumatic experience pa rin 'yon." Tumigil ito. Lalo naman siyang naluha dahil tagos yon sa kanya.
"Pero Chas may dahilan para hindi ka lumayo at magtago sa akin. Mahal kita. I will never leave you. Sasamahan kita hanggang sa bumalik ang kumpyansa mo sa iyong sarili. Hanggang sa tingin mo malinis ka na ulit. Kaya kong iwan lahat wag lang yung forever na pinangarap ko kasama ka."
Hindi na siya nakatiis pa. Niyakap niya si Paolo at isang mahigpit na ganti ang binigay nito sa kanya. Sa loob ng bisig nito ay mas naramdaman niyang totoo ang nga sinabi nito. Guminhawa ang sakit. Gumaang ang dating mabigat. Anong meron si Paolo at ganito ang epekto sa kanya?
Gayunman ay hindi pa rin nito kaagad nabago ang kanyang isipan. May butil ng pangamba pa rin sa kanyang dibdib na dahil alam na nito ang totoo ay darating ang isang araw na hindi na ito magpapakita. Mapagtatantong marumi siya at hindi sila para sa isa't-isa.
Humingi na naman ng tawad sa kanya ang kanyang tiya Bebang dahil sa nagawa ni Hadz. Sinabi na niya ang lahat dito. Ngunit wala na ang kanyang pinsan. Marahil nakuha na nito ang karampatang parusa. Nagpatuloy ang chemo session ng kanyang tiya hanggang sa halos wala na ang cancer cells nito.
Pinatawad na rin niya si Dhazle. Wala na siyang magagawa. Alam niyang mahal din siya ng kanyang kaibigan.
Hinayaan na niyang dumalaw si Paolo sa kanila. Masugid itong nagdadala ng mga pagkain at pilit siyang pinapasaya. Hanggang sa sumapit ang araw na isinilang niya ang sanggol.
Dinig niya ang panaghoy ng sanggol matapos niya itong mailuwal sa kanyang sinapupunan. Ilang saglit pa at inaabot na ito sa kanya ng komadrona.
"Ilayo niyo po siya sa akin." Utos niya.
"Ano ho?" Nagtatakang tanong ng komadrona.
"Akin na ho si baby. Pagpahingahin niyo na muna si Chas." Si Paolo ang kumuha sa bata at napakalawak ng ngiti nito habang pinagmamasdan ang sanggol. Ang batang halos kamuhian niya ay inaalagaan ng lalaking pinakamamahal niya. Pumatak ang luha sa kanyang mga mata habang pinapanuod ang tagpong iyon.
Makalipas ang ilang araw ay nakalabas na siya ng ospital. Sa kanila na natutulog si Paolo. May yaya at nars naman ang sanggol pero walang pagod pa rin itong nagbabantay at tumutulong para maalagaan ang bata.
"Kamukhang-kamukha niyo po siya Sir." Dinig niyang komento ng nars habang kausap si Paolo.
"Oo naman! Gwapo din no?"
"Nurse at yaya, iwan niyo muna kami ni Paolo." Pakiusap niya sa mga ito. Sumunod naman sila.
Pinagmasdan niya si Paolo habang hinehele sa balikat ang bata. Sumagi sa kanyang isipan na magkaroon ng mas malaking pamilya at ang ama ay walang iba kundi si Paolo. Magiging siyang mabuting asawa rito at ina sa kanyang mga anak. Hindi sila masisira tulad ng nangyari sa kanilang mga pamilya. Iyon ang dahilan sa muling pagpatak ng kanyang luha.
"Alam mo akala ko susuko ka rin. After ng ilang buwan kapag nakita mong lalong lumalaki yung tiyan ko ay bigla ka nalang mawawala. Ayoko ng magtanong ng bakit dahil ang isasagot mo ay dahil mahal mo ako. Ang itatanong ko nalang sayo ay paano? Paano ka na? Paano na tayo Paolo?"
"Tuluyan na akong nagretiro sa football. Marami naman akong mahal eh. Mahirap but I need to chase you and prove that I love you no matter what." Napangiti siya aa narinig kahit na may halong panghihinayang para sa karera nito sa football. "I love software programming and you know that. Yun talaga ang first love ko. Kaya naman pamamahalaan ko na ang ilan sa negosyo namin dito sa Pilipinas. I want to spend it on provinces. Uunahin ko sa Bataan. Pwedeng doon na rin tayo tumira. Simpleng buhay malayo sa ingay ng lungsod."
Tila magmula ng hindi na sumali sa football si Paolo ay nilubayan na rin ito ng press. Bagay na pinili nito para aa kanya. Para silang dating mga bituin na nawalan ng ningning. Nakalimutan man ng iba ang kanilang pagmamahalan pero hindi sila. Nanatiling makinang at nag-aalab ang kanilang mga damdamin kahit na ilan nalang silang nakakaalam at nakakakita. Simple lang pero masaya.
Handa na si Chastine sa isang tunay na bagong simula. "Nakakapagtampo naman. Sila lang ang mahal mo? Football at software lang?"
"Ah pati si baby. Mahal na mahal ko rin siya." Saka nito hinalikan ang sanggol sa pisngi.
"Gusto kong hawakan ang anak ko." Nilahad niya ang kanyang mga braso. Pilit siyang nagpigil ng luha pero walang epekto. Inabot naman sa kanya ni Paolo ang sanggol. May kakaibang gaang sa pakiramdam ang naghari sa kanya. "Patawarin mo ako anak. Kung si Paolo nabigyan ka ng pagkakataon. Ako pa kayang nagdala sayo sa loob ng siyam na buwan. Ako pa kaya na nanay mo. Wala kang kasalanan."
"Wala talaga siyang kasalanan. Paolo Maria Punzalan Jr ang ipapangalan natin sa kanya."
Nabigla siya rito. Labis-labis na pagtanggap na ang binigay nito sa kanyang anak.
"Pao..."
"Anak natin siya Chas."
"Oo naman..."
"Totoo. Anak natin siya." Saka ito may kinuhang papel aa nakalagay na envelope sa ibabaw ng maliit na mesa sa gitna ng sala. "Agad akong nagpa-run ng DNA test para sa amin. Malakas ang lukso ng dugo ko sa bata. Instead na magalit at tuwang-tuwa ako ng makita siya. Kamukhang-kamukha ko siya. I remember when we were in Bataan ng may nangyari sa atin. I intentionally c*m inside you. Bahala na sabi mo. Positive Chas. Ako ang ama ng bata. Anak natin si Pao-pao Jr."
Lumapit ito sa kanilang mag-ina. "Hindi lang 'yon Chas. Hindi ka na-r**e. Ang trauma mo ay dahil sa attempted r**e at sa sama ng mga nangyari sayo non. You thought you were r***d dahil sa nabugbog ka rin. Based sa timeline ng mga pulis at sa oras ng pagkakatulog mo at sa yong salaysay ay marahil pumasok na agad si Hadz sa warehouse para patayin ang mga kasama ni Mark. Iyon ang moment na nawalan ka na ng malay. Pinabalikan ko kasi ito sa mga investigator ng kaso nang matanggap ko 'tong DNA result. Tapos baka raw hinabol ni Mark si Hadz palabas. Sinubukang mag-usap sa loob ng kotse pero pinatay din ni Hadz ang nobyo niya. Hinintay kang magising ng pinsan mo bago naman niya before she pulled the trigger to kill herself."
Kapag hayok tayo sa pleasure ng mga bagay sa ating paligid ay madalas tayong makalimot na hindi laging sarap ang buhay. Ang buhay may sariling game. Mapaglaro ito. Susubukin tayo. Pero hangga't may pusong nagmamahal lahat ng pagsubok ay malalampasan.
Walang mapagsidalan ng tuwa si Chastine sa bagong rebelasyon na kanyang nalaman. Kaya pala siya kumapit. Kaya rin pala hindi bumitaw si Paolo. Lahat yon ay para sa kanilang anak. Para sa isang bagong buhay. Para sa kanilang pamilya.
Agad siyang sumailalim sa isang therapy para madaan sa tamang paraan ng pantanggal ng trauma at takot na nasa loob niya mula sa kanyang mapait na naranasan. Hindi umalis si Paolo sa kanyang tabi. Iginalang siya nito hanggang sa muli siyang naging handa.
"Ready?"
"Hindi ko alam kung magiging ready pa ako. Iniisip ko palang parang alam ko ng bumalik ako sa pagkabirhen." Tugon niya rito.
"I'll make you feel like one. Don't you worry sweetie pie." She felt the soothing warmth from his breath as it touches her neck. He seductively caressed her shoulder upto her neck. Then he kissed him like no one else's does best. Passionate. Erotic. Full of love. No barriers. Just the two of them sharing one bed.
"Pao..." she moaned his name as he owned her breast and he went down to her v****a.
That feeling was missed for such a long time. The way he ate her was superb. Papayag ba siyang ito lang ang makatikim ng hapunan. She gave him one great job like never done before.
Saka na nito nagsimulang ipasok ang kahandaan sa kanyang p********e. Hindi nga sila nagkamali. Nanibago na naman siya. Birhen na naman ang feeling niya.
"Chas... so tight again." He moaned habang bakas sa mukha nito ang labis na ligaya. They waited for this moment. Ganon kamahal ni Paolo.
Nagpakasasa sila sa bawat yugyog at indayog. Muling nilasap ang bawat isa hanggang sa sabay na marating ang tugatog ng ligaya.
Wala ng mahihiling pa si Chastine. Siguro ang maging pormal nalang ang lahat para sa kanila ni Paolo. Ang basbas ng simbahan.
Papunta sila sa Bataan para simulan na ang mga business plans ni Paolo. Doon na sila titira kasama ang kanilang anak at ang cancer free na si tiya Bebang. Si Dhazle ang sobra niyang mami-miss. Nais niyang kuhanin ito sa kumpanya ni Paolo sa kalaunan.
Nasa Taguig palang sila. Nadaanan nila ang Pleasure Club.
"Ang lugar kung saan tayo muling nagkita at nagsimulang paglaruan ng tadhana." Sambit ni Paolo pagtapat nila sa club. Napasinghap lang siya. "Balita ko may kaso na yang club ngayon eh. May isang mayaman daw na nagsumbong sa nga ilegal na gawain ng club."
Nilagay niya ang kamay sa hita ng nagmamanehong kasintahan. "In some way thankful ako sa Pleasure Club at sa game of pleasure kasi naging instrumento yon para magkita tayo ulit. May mga nagagalit siguro dyan pero di ba some people find love in a hopeless place. Sa tingin ko hindi lang pleasure and pain ang nabigay ng club. Nagbigay din to ng forever sa iba."
Isang mabilis na halik ang ibinigay nito sa kanya. Ang forever at pangarap ni Chastine ay dinatnan nila sa Bataan. Nagkakatipon ang mga tao. Mayaman at mahirap sa bahay doon nila Paolo. Si Dhazle nga naandon eh at ilang mga naging kapitbahay sa Taguig. Nakaabang sa gitna sina tita Mary, Topher pati na rin ang ama ni Paolo.
"A-ano to Pao?" Tanong niya habang nakahawak sa kanyang dibdib pagkababa niya ng sasakyan.
Nasa tabi niya lang si tiya Bebang na matamis na nakangiti karga si Pao-pao Jr.
Lumuhod si Paolo. Nilabas nito ang isang diamond studded ring. "Will you marry me my sweetie pie?"
Nakagawian na niyang luha ang unang isagot. "Ofcourse I will marry you Pao-pao siopao..."
Love comes with pleasure and pain. It's how you play the love game to keep it safe and sound and to have that most-awaited... forever.