Dumalaw ulit ang binata kinabukasan, halatang kakatapos lang ng shift nito dahil nakabihis na ito ng damit na pang labas. Kapag naglalaro nga naman ang tadhana lahat ng mga day off nagtutugma. Well, Tabitha was on leave dahil gusto niyang siya mismo ang mag-alaga sa anak niya. And of course, Andrea was there to support her step daughter. Pero inaasahan na niyang masusundan pa ang pagbibisita ng binata sa kanila sa ospital. At dahil nga bed time na ng kaniyang apo ay kailangan na nitong dumede sa kaniyang ina. She was so proud of Tabitha's decision to breastfeed her son. Tatlong taon na ito pero he never really wanted to wean from breastfeeding. Tabitha wanted Kristoff to self wean, at sa tingin niya, it's not likely for him to want that anytime soon. "Halika dito Tristan, hayaan mo muna a

