CHAPTER 10 - THOSE NIGHT

1274 Words
Napasunod ang mata ni Hudson sa dalaga at sandaling napakunot ng noo. Paano nito nito nalaman ang pasilyong papunta sa restroom ng kaniyang opisina? Malaki ang pribadong opisina niya at mistulang bahay ang loob kung tutuusin. May silid sa kabilang pintuan kung kailangan niyang hindi na umuwi, sa kanan bahagi ay may maliit na kusina at coffeemaker at katabi ay ang restroom. May kutob siya pero nanatili siyang tahimik. When he first saw her, his heart jump out of his ribcage. She looks exactly like Abhaya. The posture, the face and everything. Isa lang ang hindi, ang pagiging magaling nito sa martial arts especially sa judo. He amazed that she able to drop him off on his knee, when the truth was no one could ever do that to him. Nag-sparring na sila ni Azael at Cuhen before pero natalo niya ang dalawa at kailanman hindi siya napapaluhod ng kalaban kaya alam niyang magaling ang babae. Pasado na ito. Funny to say, sumangayon agad siya dahil siguro kamukha ito ng babaeng hanggang ngayon ay hinahanap niya sa pamamagitan ng computer at nang kaniyang AI robot, kaya oo ang naging sagot niya. He had this feeling na kung hindi ito ang babaeng hinahanap niya, marahil kapatid o kambal nito. Siya na bahalang tuklasin pagkatao ni Kianna Trunt. She seems so mysterious and the way how her eyes look at him, may nakatagong poot at galit ang nababasa niya. Dapat niyang kompromahin kung ang babaeng si Abhaya at si Kianna ba ay iisa. Nasa kaniyang table na siya at nagbasa ng mga dokumento nang lumabas ang dalaga. Naka-pony tail na ang mahabang kulay dark brown na buhok nito. She look more fiercer. Napatitig siya sa babae at ang nakikita niya ay ang babaeng nagngangalang Abhaya na matagal ng umalis at nawalang parang bula. "Abhaya... " out of instance, nasambit niya iyon. Wala siyang nakitang emosyon sa mata ng dalaga o kahit anuman pagkagulat na kaniyang inaasahan. Nanatili lang itong kalma ang aura hanggang sa maupo ulit ito sa couch. "Your woman?" walang gatol na sambit nito at sandaling sinulyapan ang kamay na binalot na nito ng bondage. Hindi siya sumagot. Binalik niya ang mata sa ginagawa pero mas lalong hindi siya mapakali sa kinauupuan dahil sa daming mga tanong na pumasok sa magulo niyang utak. Then he found himself opened his laptop and hacking someone background. Let's see what he got there. Bagot na bagot si Abhaya na nakaupo sa single couch at gusto niya na talagang lumabas sa silid na iyon pero pinipigilan niya ang sarili nang pumasok si Jackylyn matapos nitong kumatok. Confident itong naglalakad papunta sa lalaki kaya napaikot siya ng mata. Ginagamit na naman ng kaniyang kaibigan ang karisma nitong taglay. "Si Mrs. Hayes po ang nagpadala sa'kin dito bilang bagong secretary niyo Doc. I'm terribly sorry if I'm late for two hours, I met an accident along the way." Lihim na natawa si Abhaya sa sinabi ng kaibigan. Ano ba naman alibi 'yan? Gusto niyang batukan ito. Matinong employee ba na pumasok nang alas dyes ng umaga? Hindi sumagot ang binata. Hindi rin ito nagtaas ng tingin para tingnan kung sino ang pumasok.Tinuro lang nito ang upuan sa unahan at deritso naman do'n si Jacky. Napasulyap siya sa lalaki, mukhang busy ito sa ginagawa. Hindi ba nito alam kung gaano ang kaganda ang magiging sekretarya nito? Dapat niya sigurong paalalahanan ang kaibigan na hindi tao kaharap nila kundi demonyong nag-anyong tao na my malakas na karisma at daan daang babae ang pinaiyak at pinaluha. Baka kasi mahulog ito rito, ayaw niyang dumaan ito sa pinagdaanan niya. Seryusong-seryuso ang mukha ni Hudson na nakaharap sa laptop nito. Hindi nito pansin na tinitigan niya na ito ngayon at binabasa ang utak ng binata pero tulad nang una, hindi niya kayang pasukin iyon. Parang may importanteng bagay itong binabasa at hinahanap at panay kalikot ang daliri nito sa laptop. Nag-decide siyang pumikit sandali ng mata at ipahinga ang sarili. Masyado siyang na-stress ngayon araw simula pa kanina nang makilala niya ulit ang binata. Nakakabaliw. Gustong-gusto niya ng umuwi at magpahinga pero nakapag-oo na siya at dapat gampanan niya ang kaniyang trabaho. Aaminin niyang subrang liksi ng galaw nito at hindi basta-basta mapapatumba kaya nagtataka pa rin siya kung bakit ini-hired siya nito bilang bodyguard kung napakagaling naman pala nito. Nung naging baliw pa siya rito dati, hindi niya alam na may nakatagong skills at talento ito sa cyber world. Kung sabagay, hindi na nakakapagtaka ang bagay na iyon. Isa itong taong may 190 IQ level kaya hindi siguro nakakapagtaka kung bakit lagi itong nangunguna sa lahat.  Pero sa pagpikit niya ng mata, hindi niya namalayan na nakatulog siya sa subrang bagot. Hindi siya sanay umupo sa buong oras kaya hindi niya alam kung ilan oras o minuto siyang tulog sa couch plus napagod siya sa sparring nilang dalawa... At muli siyang dinalaw ng nakaraan na ayaw niyang maulit pa. She doesn't know how she dragged herself home after she experienced the most embarrassing moment she ever had with Doc. Hayes. May mali ba kung virgin siya? s**t! Dapat magpasalamat ito pero bakit parang sinabugan ito ng bomba? Weeks passed. Buti na lang at hindi niya na nakita ang binata at simula rin sa araw na iyon ay sinumpa niya ng pumunta ng alin man sa mga bar. Nakaka-trauma sa tulad niyang maganda. Tinigilan na muna niya ang mga kalandian niya sa phone dahil masyadong okupado ang kaniyang isip sa gabing iyon. Paulit-ulit na nag-replay iyon sa utak niyang may sira yata dahil kahit anong pilit niyang limot sa lalaki ay mas lalong naaalala niya ang buong pangyayari. Pasado alas dyes ng gabi nang nagmamadali siyang tumakbo sa elevator pababa. Gutom na gutom na siya at handa na siyang lalapa ng tao isali pa na subrang pagod siya ng buong araw. Nag-overtime siya dahil sa subrang dami ng kaniyang reports plus absent ang kaniyang kaibigan dahil kung andito lang sana ito, tutulungan siya nitong matapos. Sa kaniyang pagmamadali at gustong makauwi, sa pribadong elevator na naman siya pumasok. Siya lang mag-isa sa loob at sandali siyang pumikit habang nakasandig sa glass na dingding. Bumukas ito, hindi siya nag-abala ng oras na tingnan iyon basta lang siyang nakapikit at nagdasal na sana paglabas niya ng elevator ay kwarto niya na. Nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam na parang may nakatitig sa kaniya, awtomatikong pagbukas niya ng mata ay ang mukha ng lalaking nagpapahirap sa kaniyang magandang tulog bawat gabi. Napanganga siya. Lahat ng pagod at gutom niya ay biglang naglaho nang makita ang napakagwapo nitong mukha pero nang maalala ang nangyari sa kanila sa bar, biglang namula ang kaniyang mukha at napaayos siya ng tayo. Nag-iwas siya ng mata at nagyuko ng tingin. Sana hindi siya nito makilala. Ang ginawa niya ay bigla niyang pinisil ang numero na hindi niya pa sana babaan para lang makaiwas sa presinsya nitong nakakapanghina ng tuhod. Eksaktong pagbukas ng elevator nagmamadali siyang humakbang para lumabas nang maramdaman niyang may humila sa kaniyang braso pabalik. Awtomatikong nanlaki ang kaniyang mata nang magdaop ang labi nila ni Doc. Hayes. He kissed her! Tinulak niya ito pero nakapulupot ang kamay nito sa kaniyang beywang at ang isang kamay ay nakasuporta sa kaniyang ulo para hindi siya makagalaw. Merde! Ayaw niya nang mapahiya ulit. Virgin pa siya! But Holy Mary! His luscious sinful lips is tempting her to kiss him back and so she did. Nakalimutan na naman niya ang lahat. Napayakap siya sa batok ng binata at ang halik na pinagsaluhan nila ay may hatid na panganib at kakaibang mensahe. Idiniin siya nito sa dingding at itinaas ang kaniyang kamay at kinuyumos siya lalo ng halik. Parang hayuk na hayuk ito sa kaniyang katawan at tila gutom na gutom na lobo na walang sino man makakapigil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD