Chapter 28- Akyat Bakod•

3038 Words

Dismayado si Cassie, nang pumunta kasi siya sa banyo para maligo ay nakita niyang may patak ng dugo ang suot niyang panty. Kaya naman pala kagabi pa masakit ang mga binti niya, balakang at puson ay dahil rereglahin pala siya. Ibig sabihin lang nito ay hindi nagbunga ang isang gabi na may nangyari sa kanila ng estrangherong lalaki. Naiyak siya sa sobrang dismaya. Ibinigay niya ang sarili niya sa taong hindi niya kilala at umaasang ang binhing ipupunla nito sa kaniya ay magbubunga ngunit hindi naman nangyari. Maghapon tuloy siyang matamlay. "Ano bang problema mo at kanina ka pa walang imik d'yan?" tanong ni Salve kay Cassie. Panay kasi ang buntong hininga nito. "Wala, Ate Salve, may iniisip lang ako," sagot niya. "Iniisip mo ba ang mga magulang mo?" Nagtatanong ang mukha na tiningnan n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD