Chapter 10- Ang Natatanging Pag-asa•

2306 Words

"Sir, nagkakagulo sa hacienda, kailangan po kayo roon," pagbabalita ng isa sa mga security ni Armando. "Ha! Bakit ano'ng nangyari?" agad na tanong nito. "Nasusunog po ang mga pananim na palay, ang mga magsasaka natin ay hindi alam ang gagawin, masyado na pong malaki ang apoy." "Anak nang... bakit hindi kayo tumawag ng bumbero?" inis na tanong ni Armando. "Tumawag na po, kaya lang matagal ang pagresponde, hanggang ngayon ay wala pa ring dumarating." Napahilamos sa sariling mukha si Armando dahil sa matinding pagkadismaya. Tumayo ito at handa na sanang sumama sa kaniyang mga tauhan ng maalala niya si Cassie na nasa kaniyang tabi. Binalingan niya ng tingin ang dalaga. Tiningala naman siya nito. Nagtatanong ang mga mata ng dalaga rito. Nag-isip munang maigi si Armando bago nagsalita. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD