Isang linggo ang lumipas mula ng ma-operahan si Luther, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nasisilayan ni Cassie ang kaniyang nobyo. Ang balita sa kaniya ni Darwin ay nagkamalay na raw ito. Isang beses na sinubukan niya itong puntahan ay hindi siya nagtagumpay. Mahigpit ang mga bantay kahit si Darwin ay walang nagawa para matulungan siyang makalapit sa binata. Talagang galit sa kaniya ang ina ni Luther kahit anong pakiusap niya ay hindi siya pinagbibigyan nito. Makalipas ang dalawang linggo ay dumalaw si Darwin sa tinitirahan nila Cassie. Nagulat pa ang dalaga ng pagbukas niya ng pinto ay ito ang mabungaran, hindi niya inaasahan na bibisita ito sa kanila. Lumabas si Salve dala ang isang pitsel nang malamig na orange juice at tinapay na mainit-init pa dahil katatapos lang niyang i-b

