Mag-isang bumalik sa Villa Fajardo si Cassie, kahit na nagpilit pa si Luther ay hindi niya ito pinayagan na sumama sa kaniya. Ilang hakbang na lang at nasa gate na siya ng villa ng may mapansin siyang parang kakaiba sa bahay. May naririnig siyang ingay. Bigla siyang kinabahan, mabibilis ang hakbang na binuksan niya ang gate at pumasok sa loob. Nakabukas ang pinto kaya agad na siyang pumasok. Nagimbal siya ng makita ang eksenang iyon na sinasaktan ng kaniyang ama ang kaniyang Ate Salve. Kahit may pagkakataon pa siyang lumayo at tumakas dahil hindi naman siya napansin ng kaniyang Papa at ng mga bodyguard nito ay hindi pumasok sa isip niya ang mga bagay na iyon. Wala siyang ibang hangad kung hindi ang mailigtas si Salve. Sa pagkakataong iyon ay para bang nawala ang malaking takot niya sa ka

