Chapter 2

2334 Words
NAPANGITI ako sa harap ng laptop. Finally, nai-launch na ng Quattro ang ebooks nila! I was so excited! Sa tuwing nababasa ko kasi ang mga kuwento nila, na-i-inspire talaga akong magsulat. So may mga independent stories sila na available sa ngayon. Isa-isa kong pinasadahan ng tingin ang title ng mga libro pero napakunot ang noo ko nang makita ang isang kuwento na diumano ay bestseller. I decided to read it first. Hindi ko napigilang mamangha sa tema ng kuwento. The title of the said ebook is Walang Hanggang Pag-ibig and it was written by Ms. Sophia Anika Milson. Curiousity mode. Ano kaya ang mangyayari oras na malaman ng bidang babae na patay na pala ‘yung prince charming niya? Hindi ko maiwasan ang mapailing. The story is really interesting. I immediately clicked the order form button to order the said story but I was redirected to a website with a color pink theme. The website’s name is Dreame. So I have to buy the chapters to be able to read. Napaisip ako. Ito na siguro ‘yung sinasabi ni Shenina. Napangiti ako at bumili ng coins para mabasa ang buong libro. Nakangiting binalikan ko ang ginagawa ko kanina at feeling ko ay dumoble ang inspirasyon at sipag kong magsulat. Ilang saglit pa ay busy na ako sa pagtipa kaya napaigtad pa ako nang tumunog ang door bell. Napaisip ako kung sino iyon. Wala si Shen at kate-text lang na hindi uuwi sa oras. May lakad ito with her co-models and manager. Wala rin naman akong ini-expect na bisita. Then who the hell is that person? Inis akong tumayo. Isa ito sa ipinag-iinit ng ulo ko. Kapag ganitong super dukdok ang drama ko sa laptop, ayokong-ayokong maiistobro. At ito ngayon ang ginagawa ng kung sino mang nasa doorstep namin. Hinawi ko ang kurtina at isang lalaki ang nakita ko sa labas ng pinto. Napakunot ang noo ko. Sino naman ang kumag na ito? Mula sa kinatatayuan ay nakikita ko ang tindig ng lalaki. Six footer, maybe. Maputi ito at nakasuot ng puting polo at maong na pantalon. Agad na pumitik ang isang ideya sa isip ko. Tumakbo ako at bumalik sa kinaroroonan ng laptop. I typed the words that flooded my mind. Tipa…tipa…tipa…pero ang buwisit na doorbell ay ayaw tumigil. Chime…chime…chime… Asar na muli akong tumayo at tinungo na ang pinto. Malakas ko iyong binuksan, iyong tipong babalibag sa lakas. “Bakit ba!” nabigla kong bulyaw sa kanya. And it worked out. Nakita ko kung paanong nagulat ang lalaking kaharap ko. But there’s a bigger problem dahil mas nagulat ako sa kanya. His face suddently turned red, dahil sa pinaghalong asar at gulat siguro. Ano ba naman ang gagawin ko e talagang nagsusulat ang lola. Isa pa, hindi ko naman siya bisita dahil hindi ko siya kilala. Ang kaso nga, hindi ko magawang panindigan ang asar ko dahil sa hitsura ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Isang bagay lang ang pumasok sa isip ko nang matitigan ko siya. Enrique Gil. Sexy ‘di ba. Enrique Gil na three inches taller. Goodness. Daig ko pa ang sapilitang isinakay sa elevator at saka itinaas-baba hanggang mahilo. Totoo, sobrang guwapo…. My knees began to melt. Sino ba ang hindi sa ganitong klaseng tagpo? Nagsusulat ka ng isang kuwento, pilit mong iniisip kung paano magpapakilig ng readers, tapos ay biglang may nilalang na bubuglaw sa harapan mo at talaga namang nakakakilig! Wala sa loob na napahawak ako sa door knob. Late na rin nang maisip kong inipit ko pala ang buhok ko sa kanang tenga ko as initial reaction. Pa-cute lang ang peg??? “Ano’ng kailangan mo?” Teka, mahina yata ang boses ko. Dapat ay inis ako kaya inulit ko iyon in masungit mode. “Ano’ng kailangan mo???” mabilis kong ulit nang nakapameywang. “Good afternoon. Nandiyan ba si Shen?” Bumagsak ang balikat ko nang marinig ko ang pangalan ng bestfriend ko. Agad akong kinutuban pero hindi nagpahalata. “Ikaw si…ikaw si Sultan?” Nang ngumiti siya ay nakompirma ko ang aking hinala. Juice ko day…bakit naman siya pa? Bakit siya pa si Sultan? FYI, si Sultan ay minsan nang naikuwento sa akin ni Shen. Her old friend who used to stalk her. Iba rin ang trip ng lalaking ito. Determinado talaga dahil sa maraming bagay na ginawa para paamuin ang bestfriend ko. But Shen doesn’t like him. Medyo matigas rin kasi ang ulo ng kaibigan kong ito at na-realize ko sa sarili ko kung bakit ayaw ng loka sa kanya. He was not a boy next door type at ang mga ganoon ang type na type ni Shen. Si Leonardo di Caprio nga ang crush ng babaeng iyon at ang Sultan na ito sa harap ko ay malayung-malayo sa tipo ng lalaking madalas niyang ikuwento sa akin. He’s more or less six feet tall. Or maybe, an inch taller. Gupit pa lang, rugged na. Mahaba ang patilya at nai-imagine kong mahaba ring tiyak sa gawing batok ang dulo niyon. Ang polo niya, rugged type lalo na ang maong pants. Nakasuot pa ng accesory necklace na parang sungay ng kalabaw. Ang sapin sa paa, sandalyas na bagaman magandang tingnan ay rugged pa rin. In short, ruggedly handsome ang peg ng Sultan stalker ni Shen! “Ikaw si Ada, right?” aniyang nakangiti pa rin. Siguro’y nabanggit na ako ni Shen sa kanya kaya kilala niyo ako. I didn’t bother to ask. “Wala siya rito. Ano’ng kailangan mo?” pa-intimidate kong tanong. Nabigla ako nang marahan siyang humakbang palapit at napaatras ako. Umawang ang mga labi ko sa pagkabigla. Nang humakbang ulit siya ng isa pa ay dinalawang steps ko naman ang pag-atras. Hanggang tuluyan na siyang pumasok at nilagpasan ako. Dumiretso siya sa mga display figurines namin ni Shen. “Sino ka ba at bakit bigla ka na lang papasok dito?” Alam kong kulang sa emosyon ang inis ko but I couldn’t help it. He’s so gorgeous. Nang makita ko ang mahaba niyang buhok sa gawing batok ay pinigilan kong mapa-I knew it. “Hindi man lang idinisplay ni Shen ang gift ko sa kanya.” Napataas ang kilay ko. Gift? Display? So ang lalaking ito ay nagbibigay ng something na puwedeng pan-display? Unbelievable! Sa isip ay hinulaan ko kung ano ang bigay niya. Ashtray? Paper weight? Caricature? “I gave her a castle figurine last year. I told her to keep that as a sign of our friendship.” Friendship? How corny…and weird… “B-bakit naman figurine?” “Dahil mahilig siya doon. For sure, kanya lahat ang mga figurines na ito at sa’yo naman ang mga libro.” Tinapunan nito ng tingin ang shelf sa isang sulok. “Nah. Hati kami sa mga iyan ganoon din sa mga books. We both enjoy displaying anything like caricatures and figurines. We both love to read books.” Teka, bakit ba ako nakikipag-usap sa lalaking ito? “Bakit pala castle?” “Architect kasi ako at ang pangarap ko para sa babaeng pakakasalan ko, isang mala-kastilyong bahay.” Napatango ako nang alanganin. So he’s not weird; just crazy. Mantakin mong magtatayo raw ng kastilyo para kay Shen. Wait, did he mention Shen’s name? “So nasaan siya?” “May lakad.” “Alam niyang darating ako kagabi pa.” “Ah, kaya pala nakipag-date sa mga friends niya,” sa loob-loob ko. “If you want, you can wait for her.” “Kung wala siya rito at hind ko na ma-contact ang cellphone niya, baka totoo ang nasa isip kong iniiwasan niya ako.” “Hindi mo siya ma-contact?” ulit ko as I grabbed my phone from the top of the center table. Idinial ko agad ang number ni Shenina. Ringing. Napailing ako. Nagtatago nga si Shen sa Sultan na ito kung ganoon. “Can you please try to contact her again?” He did. At simangot ang itinugon nito nang ibaba ang cellphone na hawak. Umiling ito. “Negative.” “Baka naman nagtatago sa’yo,” diretso ko na namang sabi. Well, that’s me. Kung may gugustuhin mang bagay o aayawan sa akin, iyan ay ang pagiging prangka kong tao. Ayoko ng plastikan at kung anu-anong palabok. Ang gusto ko ay goal agad, kumbaga sa soccer. “You think so?” Kibit-balikat lang ako. “Ang nice naman ng name mo…Sultan…” Pinigil ko ang sarili kong matawa. “Thanks but don’t flirt with me, Adelaida. You see, I’m already taken.” Nagulat ako at nagpanting ang tenga ko sa aking narinig. Agad na namula ang mukha ko, base na rin sa pakiramdam kong nangangapal iyon sa kahihiyan. “What…what did you just say?” maang kong tanong. Hindi ko talaga inaasahan ang sinabi niyang iyon. “What?” “You just said I’m flirting with you? I heard that’s what you said.” “Did I?” “Yes.” “So okay. Yes.” Naggiritan ang mga ngipin ko sa matinding inis. “How dare you! Ang kapal naman ng mukha mo para magparatang ng ganyan sa isang babaeng ngayon mo lang nakilala?” “Wait, I’m sorry if you’re offended but—” “So you think I’m offended?” “E—” “I’m asking…you think I’m offended?” Saglit itong natigilan at natulala sa akin dahil sa lakas siguro ng boses ko. Ilang saglit rin ang pinalipas nito bago sumagot. “Yes?” “Goodness, galit ako, estupido!” “Hey, hey, hey! Don’t shout. I didn’t come over just to—” “Wala akong pakialam kung ano ang ipinunta mo rito! Hindi ka rin pala taong kausap kaya lumayas ka sa pamamahay namin!” “—namin, right! So kay Shen din ang bahay na ito kaya hindi mo ako basta puwedeng paalisin. I am her boyfriend.” “Hah! In your dreams and FYI, may boyfriend na po si Shen!” Halatang natigilan si Sultan. Hindi marahil niya inaasahan ang sinabi ko. “May…may boyfriend na si Shen?” “Unli? Kasasabi ko lang ‘di ba!” asik ko sa kanya. Ang lahat ng paghangang nabuo sa akin kanina ay kagyat na naglaho. Kung kanina ay si Enrique Gil ang kamukha ni Sultan sa paningin ko, ngayon ay si Kapitan Awesome na! Kahit hindi ko nakikita ang sarili ko ay alam kong pulang-pula ang mga pisngi ko sa inis. “Okay, I’m sorry,” kabig niya pero sa halip na pansinin ko iyon ay inis ko lang siyang hinarap. “Sige na, makakaalis ka na.” “I need to talk to Shen.” “She’s not going home, marami siyang importanteng lakad today.” “I already said I’m sorry, okay. Pasensiya ka na kung na-offend kita. Medjo bad trip lang ako dahil sa pagtatago ni Shen sa akin.” Nagbuntong-hininga ito. “It’s been days, you know.” “Sana lang ay marunong kang umintindi. Wala nga si Shen dito at hindi ko alam kung anong oras uuwi. Do you plan to stay here for say, three to five hours just to see her?” Kumibot-kibot ang mga labi nito na tila may ibig sabihin pero matagal bago nasagot ang tanong ko. “Kung babalik na lang ako bukas, do you think she’ll stay for me?” “May klase siya.” “After classes, five o’clock?” “I’m not sure about her schedule but you may ask her if you want.” “Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.” “Nagtatago nga kasi. Bakit ba ang manhid mo???” “Baka naman hindi pa siya ready na makausap ka? I heard, nagkagalit kayo last time na magkita kayo ‘di ba.” “Nagalit lang siya sa’kin. Paano ko namang magagawang magalit sa kanya e mahal na mahal ko iyon.” “Ganoon?” Hindi ko napigilan ang mapaingos. “Weird naman palang magmahal ang lalaking ito,” bulong ko sa sarili. “Sino ang weird?” “Weird?” ulit ko. “Sino nga ang weird?” “Sabi mo…” Napailing ito bago naglakad patungo sa pinto. “Sige, babalik na lang ako.” Hindi ako kumibo at hinintay na buksan niya ang pinto. May tatlong baitang na hagdan siyang bababain bago iyon marating. Nang mabuksan ang pinto ay sumunod ako sa kanya para isara ulit iyon. Ang akala ko ay tuluy-tuloy na siyang lalabas kaya nagulat pa ako nang bigla siyang humarap. Na-off balance ako nang akalain kong magkakauntugan kami. Nagpantay ang height namin dahil nasa ibaba na siya at nasa baitang palang ako. On instinct ay napapikit ako at hinintay na lang ang susunod na mangyayari but nothing happened to my surprise. Nang nagmulat ako ng mga mata ay saka ko na-realize na nasa harap ko pa rin siya na bagaman may normal na kaming distansiya ay malapit pa rin kami sa isa’t-isa. Nakakunot ang noo niya at kilay, para bang nagulat pa sa reaction ko. Doon ako nainis. “Ano ba!” bulyaw ko sabay tulak sa dibdib niya. Bahagya siyang napaatras dahil sa impact. Ako naman ay umatras ng isang hakbang para mas ideal ang space namin. Ilang na ilang kasi ang pakiramdam ko. “What?” “Lalabas ka na hindi ba, ano’ng ginagawa mo diyan?” “Bakit ba ang sungit mo? Ganyan ka ba sa mga bisita mo?” Hindi ko agad nagawang kumibo. E bakit nga ba ang sungit ko? Ganoon nga ba ako sa mga bisita ko? “Sige na, marami pa ‘kong gagawin,” pagtataboy ko kay Sultan. “Alam mo, give yourself some time to breathe. Hindi iyong lagi ka dito sa bahay niyo. Sulat ka nang sulat, ikaw naman ang walang lovelife. Try to mingle and you won’t be forever single.” Akma akong sasagot pero mabilis niya akong kinindatan at kung bakit ako natulala ay hindi ko alam. Nakalabas na siya ng bahay nang magawa kong mag-react at huli na nang mag-stabilize ang sistema ko. Tuluyan nang nakalayo at hindi ko na inabutan ang antipatikong si Sultan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD