Kabanata 7

1114 Words
Eloisa "Uy! Ang ganda naman ng bago mong succulent!" bati ni ate Carmen. Isa sa pinakamatandang empleyado sa DCN. Ngumiti ako. "Thank you po. Si Noa po ang pumili. Mahilig kasi ako sa ganito—" Nabahing ako kaya hiyang-hiya na dinampot ang tissue. "Sorry, ate Carmen. Ang init kasi sa labas tapos ang lamig dito sa office. Pang-karne sa supermart ang temperatura palagi." Natawa siya nang mahina. "Naku, inuman mo na kasi ng gamot at mahirap na. Bawal magkasakit sa panahon ngayon." Saktong sinasabi iyon ni ate Carmen nang pumasok ng opisina ko si Kahel kaya kaagad na nagpaalam si ate Carmen na babalik na sa finance department. "Iwan ko na itong report, Eloisa. Sige, Sir. Balik na ako sa trabaho." Tumango lamang si Kahel saka na ibinaling ang tingin sa akin. Nang makitang namumula ang ilong ko ay nalukot ang noo niya. "You don't look well," sita niya. Naupo ako sa swivel chair ko at dinampot ang file na iniwan ni ate Carmen na kailangan kong i-review bago ko papirmahan kay Kahel. "Ayos lang ako. Sipon lang 'to at masyadong malamig ang AC." He sighed. Maya-maya ay napahinto na lamang ako nang hubarin niya ang suot niyang coat. He handed it to me with a cold expression written on his face. "Wear it," utos niya. Napalunok ako nang bahagyang nakaramdam ng pag-init ng pisngi. "Ayos lang—" He put it on my desk then grabbed the landline. "What's the number for the maintenance department?" I blinked. "Uh, six. Bakit—" He dialed the number then leaned on my desk. Nang mai-dial ay inipit niya ang telepono sa kanyang balikat nang maitiklop niya ang manggas ng polo niya. I stood up and walked towards him. Tinitigan niya ako nang paluin ko nang mahina ang kamay niya upang hayaan niya akong itiklop ang manggas niya. "This is Kahel," I heard him say while keeping his gaze on me as I folded his sleeves. "Increase the temperature. Sinisipon na si Isa." Napaangat ako ng tingin sa kanya. Did he just call me by my nickname? Our eyes met. Hindi ko alam kung bakit parang biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang magtama ang tingin namin. Maybe because I could see the concern in his eyes despite him keeping his cold expression? Ewan. Baka nag-iilusyon lang naman ako. Dala yata ng sipon ito o kaya baka nasobrahan na naman ako sa kape. "Thanks. Maintain that temperature from now on." Ibinaba na niya ang telepono. "Do you need to take the day off?" Umiling ako. "Hindi na, Boss." Marahan siyang tumango. Maya-maya ay nahagip niya ng tingin ang succulent plant ko. He smirked. "You like tiny plants, huh?" "Well, tiny man sila, they can endure extreme weather. Saka kahit hindi masyadong alagaan, they will survive." I saw how his smirk turned into a small smile. "You like them not because of how they look but how they resonate with you, hmm?" He lifted my chin with his fingers. "Why? What kind of weather were you forced to endure?" I pursed my lips and looked away. Hindi ako handang pag-usapan ang mga ganoong bagay. Kumportable man ako sa tao o hindi, I'm not emotionally prepared to unpack everything that's giving me constant pain. He lifted the small potted plant and studied it. "Succulents are symbols of resilience and strength. They said people are attracted to the things that represent what they feel or what they're going through. Aware man sila o hindi. I'd say it's kind'a true." He looked at me with his wild obsidian eyes. "You like this one because it symbolizes your strength as a single mother." Napatitig ako sa kanya. "You're being weird right now, Boss." Hindi ako sanay na ganito siya magsalita! He scoffed. "Blame my hangover." Humikab siya. "I'm craving for some strawberry silken tofu." Nalukot nang husto ang aking noo. "A what?" "Strawberry taho. Gusto ko ng strawberry taho." Hinimas niya ang tiyan niya. "Take some meds and rest. Weekend bukas. Let's go to Baguio." "Walang magbabantay sa anak ko." Bakit kasi bara-bara magdesisyon? Gusto lang ng taho sa Baguio pa talaga kakain! "Then bring your little demon with you so I can annoy him. Hindi pa ako nakakabawi sa rami ng puntos ng bubwit na 'yon." Tinapik niya ako sa balikat. "Ako na bahala sa duct tape at tali." Napaawang na lamang ang aking mga labi nang lumabas na siya ng opisina ko. What did he just say? Duct tape at tali? Gagawin niya namang kidnapping victim ang anak namin! "Siraulo talaga." I sighed. Naupo akong muli sa swivel chair ko. Sinubukan ko munang ipikit ang mga mata ko nang ma-relax ang katawan ko, ngunit habang tumatagal na nakasara ang aking mga mata, nagkakaroon ako ng realizations. Kanoa's name symbolizes freedom. That's the reason I chose that name for him. Kasi deep down inside, naghahanap ako ng kalayaan mula kina Daddy. Si Kahel, hilig niya ang art. Art is supposed to offer freedom as well. It gives the artist the freedom to express how they feel. It doesn't have any rules or restrictions, maybe that's why Kahel seems like a free soul who can do everything he wants without anything limiting him. Dahil trained na ang isipan niya ng art. I pursed my lips. Funny how our son's name represents the thing I used to crave, and the thing his dad has been enjoying all his life. My phone rang. Dinampot ko iyon at sinagot. "Kahel Ducani-Herrera's office. This is Eloisa. How may I help?" "Hi. This is Dr. Panfilo's assistant. Si Miss Eloisa Leondez po ba ito?" "Ako nga po." "Magandang umaga, Miss Leondez. Hindi ko ma-contact ang personal number ni Mr. Ducani-Herrera. Nandiyan po ba siya ngayon sa opisina?" "Yes, nandito. May I know the reason for your call before I transfer you to him?" "Tungkol po sa naging errors sa huling medical tests niya. I'm afraid I cannot disclose all the details to you since Mr. Ducani-Herrera said all of the results should solely be discussed with him." Napakunot ako ng noo. "Kahit kina Ma'am Khalila?" "Kahit po sa family members niya." "Pero paano kung emergency? I'm sure he had listed one of his family members as his person to contact to in case of emergency, right?" I asked. "Miss Leondez, ikaw po ang tinawagan ko dahil ikaw po ang inilagay ni Mr. Ducani-Herrera as person to contact to in case of emergency." Napakurap ako. "W-What?" "Kayo po ang immediate family member na inilagay ng pasyente, Miss. Kabilin-bilinan din po niyang walang ibang tatawagan kun'di kayo lamang . . ." Tuluyang napaawang ang aking mga labi dahil sa kumpirmasyong narinig. Bakit . . . ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD