Matapos namin kumain ay naisipan naming mag-ikot-ikot muna sa loob ng mall. Hanggang sa mapunta kami sa playstation. Sandali kaming naglaro ni Bes ng isang games pero nang makita ko siyang nakaangil na naman kay Dale ay kaagad kong hinila si Harry papunta sa kabilang side para makapag-solo sila at syempre kami rin ni Harry my loves ko. Hinding-hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito upang masolo siya. This is it pansit na talaga! Oras na para landiin ang Harry my loves ko nang sa gano'n ay mapansin niya ang beauty ko. Magiging akin ang Harry my loves ko! "Harry, ikuha mo naman ako niyon?" lambing kong utos sa kanya sabay hila ng kanyang braso upang lumapit siya sa akin. Napansin ko ang pagkagulat niya pero nagkunwari ako para hindi halata. Ramdam kong hindi siya gumalaw kaya tumingin

