Ilang sandali lang ay safe kaming nakarating sa harap ng bahay namin. Nag-joyride pa kasi kami kaya medyo natagalan. Inabot kami ng dalawang oras sa paglalaboy. Pero napatunayan ko na real gentlemen si Zion. Maaasahan talaga at mapagkakatiwalaan. Hindi gaya ni Linta na puro na lang yakap at paninipsip ang alam kapag nakapagso-solo kami. Pagkahinto ng motor ni Zion ay bumaba kaagad ako at humarap sa kanya. "Salamat, ha…" malambing kong wika sa kanya at saka ngumiti ng matamis. Kahit madilim, kitang-kita ko ang matamis niyang ngiting pabalik sa akin. "Nag-enjoy ka ba?" sa halip ay tanong niya. "Sobra…" "Next time?" alanganin niyang tanong. "Sure!" Walang pagdadalawang isip na sagot ko. "Okay, let's do it again…next time." natatawa niyang saad. "Salamat na agad." "Basta ikaw, Jo…" b

