Kuskus rito, kuskus doon. mahirap talagang maglaba ng maraming mantsa ang damit. isama pa ang butas-butas na panty ni patchoy. tss. nag-feeling reyna pero hindi man lang marunong bumili ng bagong panty. naku! panahon pa ata ito ni kopong-kopong. punit-punit na nga. sobrang itim pa ng singit!
Nakakainis! kung ako maging mayaman. who are you? kayo sa akin. kailan kaya mangyayari iyon? hindi na ako makapag-hintay!
"tapos kana ba diyan?! bilisan mo at nagugutom na ang aking mga alaga!" feeling matapobreng sabi nito.
Mga alaga'ng mga pangit kamo. umalis na ito sa aking harapan at nagtungo sa loob ng bahay. binilisan ko naman ang pag-laba ng matapos na at mapakain ko na aking mga alagang hayop.
Sinampay ko ito. habang nag-sasampay ay napansin ko sa kabilang bakuran si Mang ernesto. iyong matandang m******s sa bayan namin. pasimple itong tumi-tingin-tingin sa akin.
Akala niya hindi ko siya nakikita. matandang hukloban! parawang walang kapatid na babae! at ina! m******s!
Manyakis ka ha! tingnan natin kong hanggang kailan ang pagka-m******s mo. pasimple itong tumingin-tingin sa mga mangga sa bakuran nila. palusot mo lolo luma na iyan. habang pinagmamasdan nito ang mangga ay kumuha ako ng palda ni patchiy na naka-hanger sa gilid.
inilagay ko ito sa harap ng ulo ni tatang m******s. sinenyasan ko naman si bruno na lumapit. ang aking alagang aso na cute kaysa sa mga pangit na narito.
Nagtungo ako sa likod ng saya. para kapag humarap si tatang ay mabahong palda ni patchoy ang makita at maamoy niya.
Lumingon nga ito. kumunot ang noo pagkatapos ay tumakip ng ilong dahil naamoy ang palda ni patchoy. mabilis niyang inilahad ang palda ni patchoy kaya yumuko ako. patingin-tingin sa bakuran. ah! hinahanap mo ako ah!
Kaya ang ginawa ko ay lumabas ako sa pinagtataguan.
"manyak ka ah! ito ang pagmasdan mo!!" sigaw ko.
Ipinakita ko sa kaniya ang pwet ni bruno. boong lakas naman akong tumawa ng mahalikan niya ng hindi sinasdaya ang pwet ni bruno. yucky! hindi ko pa napapaliguan si bruno at katatapos palang mag-popo nito sa likod ng bahay ni aleng silya. tapos nahalikan na kaagad ni m******s na ernesto.
Bagay lang iyan sa'yo! ngiwi-ngiwi naman ang mukha nito.
"bagay lang yan sayo! m******s ka!"
kumaripas naman ito ng takbo. Boong lakas naman akong tumawa. halos ay nabitawan ko na si bruno sa katatawa ko. Napahawak ako sa tiyan dahil sa nangyari.
Ngayon ulitin mo pa iyon m******s. hindi lang pwet ng aso ang ipapa-halik ko sayo.
---
Masaya akong nag-luluto habang na-aalala ang nangyari kanina. hindi ko inaakalang gagawin sa akin ng m******s na matandang iyon ang pang-bubuso sa akin kanina. well, saplot na saplot naman ako kanina kaya kahit leeg ko ay hindi niya nakita.
Ginagawa niya iyon sa iba pang mga babae dito at ako pala ang susunod na target niya kanina. napailing ako. wala ng ginawang tama. may mga anak pa namang babae iyon.
Bumusangot ang mukha dahil nagsipasok ang mga aswang sa loob ng kusina. patawa-tawa ang dalawang bruha habang nag-uusap. ano kaya ang pinag-uusapan ng dalawang impakta?
Umupo sila sa upuan habang nasa harapan na nila ang pagkain ko mamaya. mabuti nalang nakatakip iyon ng pinggan kaya hindi nila makikita ang loob.
"alam mo ba? na ang gwapo-gwapo nong anak ng mayor kanina! naku! dapat sumama ka eh, hindi na kumekerengkeng ka sa iba" inis na kinikilig na sabi ni godzilla.grizelda
"talaga!? gwapo ba? malaki ba ang ―" hindi ko na pinakinggang huling sinabe. ang bastos talaga ng bunganga ni crocodile/cilia. ang sarap painumin ng maraming holy water.
Matapos mag-luto ay inihanda ko na ang mga pagkain ng mga aswang.
Inilapag ko ang mga pagkain sa mesa.
"heto na po ang almusal ninyo"
Mataray na tumingin sa akin ang dalawa. tusukin ko mga mata niyo eh!
"narito ka pala? alipin"
"kaya nga noh? kanina kapa rito?" saad ni godzilla.
Palihim kong inikot ang mga mata. naku! gigil na gigil na ako sa dalawang ito. pero kailangang maging mabait parin tayo dahil ako ang main character dito.
Yumuko ako at pinagmasdan ang sira-sira ko nang dollshoes. kailangan kong bumili ng bago. kapag magkapera ako sa pag-bebenta ng mga isda sa palengke ay makakabili na ako ng bago.
"kinakausap ka namin!"
"inutusan po ako ni tiya na mag-luto"
"dapat lang..." mataray na sabi ni crocodile. "pinapakain ka namin dito ng sapat...." wow! halos ubusin mo na nga pati ang pinggan mo dahil sa dami mong linalamon.
"...at binigyan ka pa namin ng magandang higaan..." higaan? saan? sa bodega kasama ko roon si ratatouille?
"...sayang ang ganda mo, zeneia, pang-katulong kalang. walang alam ang lahat na maganda ka dahil panghabang buhay kang mabubulok sa apat na sulok ng palasyo at sa bayang ito"
Pumalakpak naman si godzilla. "wow! ang galing mo roon sister!"
Yumuko ako. uminit ang sulok ng mga mata ko at nanlabo ang mga ito. ayokong umiyak dahil sa sinabe niya. iiyak ako dahil sa tama siya. kung hindi ako iniwan ng mga mahal ko sa buhay ay magiging masaya pa ba ako ngayon?
Mag-pe feeling prinsesa ba ako katulad nila crocodile at godzilla?
Makakakain ba ako ng sapat at makakahiga sa malaking kwarto'ng pang-prinsesa?
Ama at ina. galit ako, galit ako sa inyo. bakit? bakit niyo ako iniwan sa ganitong klaseng madilim na mundo.
Boong gabi ay hindi ako kumain. tiniis ko ang gutom at pang-aalipin nila sa akin. at isa pa paano naman ako kakain eh sa naubusan ako ng ulam.
Inubus kasi lahat ni patchoy at ang mga anak niyang mga biik. hindi naman ako maaring mag-luto dahil alam lahat ni patchoy ang mga grocery at pagkain sa ref. kapag mabawasan iyon na kahit kaunti ay ako at ako ang pag-bibintangan. kahit na si crocodile naman ang kumupit ng mga iyon.
Kapag kumuha naman ako ng itlog sa mga alaga naming hayop ay baka tukain ako ng mga ito. maging buhaghag pa ang buhok ko at pumangit pa ako sa kakatakbo.
Kumokulo na ang tiyan ko. lumabas ako ng bodega at napayakap sa aking sarili dahil sa lamig. nasa pang-apat na palapag lang naman ang bodega.
Alam ko. sinadya nilang ilagay ako rito para lamigin ako at magkasakit at mamatay. tss, eh kong mamamatay ako ay mumultohin ko ang mga pangit nilang mga mukha.
Nagtungo ako sa kusina para lumabas sa likod ng bahay. isa pa ay wala naman silang pake kong lumabas ako. mas masaya pa nga sila na lumayas ako dahil wala ng asungot.
Nais ko ng umalis sa lugar na ito at magsimula ng panibago ngunit saan naman ako pupunta. eh sa wala naman akong alam na kamag-anak ko. baka sa lansangan na mabaho ako pulutin.
Pagkalabas ko ay malamig na simoy ng hangin ang sumalobong sa akin. tahimik na ang lahat at alam kong tulog na ang mga impakta ngayon, tumutolo narin ang laway ni patchoy.
Pinagmasdan ko ang lugar na sobrang tahimik. nagiging tahimik at peaceful lang ang bayang ito kapag gabi pero kong sa umaga. wag nalang.
Narinig ko na tumahol si bruno sa di kalayuan. patakbo itong lumapit sa akin pagkatapos ay umupo sa tabi ko.
Ang totoo niyan ay hindi talaga alaga ng mga empaktang iyon si bruno. asong kalye lang siya at ako lang ang nag-alaga sa kaniya. kaya hanggang likod lang siya ng bahay dahil allergic ang godzillang iyon sa mga aso. baka kapag makita nila si bruno ay itaboy nila ito kaya hanggang palihim lang ang pagkikita namin. oh diba parang mag-jowa!
"kay ganda ng gabe, bruno. sana makatamasa rin ako ng ganitong klaseng tahimik na buhay. iyong hindi na ako mag-luluto at ako ang ipag-luluto, iyong hindi na ako mag-lalaba, iyong hindi na ako matutulog sa malamig na bodega at sa magandang kama na ako matutulog kasama ka"
"...alam kong ganoon rin ang hiling mo"
Sa tahimik na gabe ay masaya naming pinagmasdan ni bruno ang baryo magiliw.
---
Mundo ng Ostara.
"nais kong lumabas at makita ang bayan"
Nabigla ang lahat sa sinabe ng prinsesa. alam ng lahat na ayaw na ayaw nito ang maruming paligid at mabahong amoy ng palengke. kaya bakit ito nanaisin na magtungo sa bayan para lang pagmasdan ang ginagawa ng lahat?
"pero mahal na prinsesa-"
"sumasabat ka pa? ang nais ko ang masusunod! maliwanag?"
"opo, kamahalan" sabi ng lahat.
Nagsi-tigil ang mga taong nag-uusap sa gilid ng daan. mga batang nag-lalaro ay nagtakbuhan at nagtago. bumisita lang naman sa bayan ang kanilang kamahalan. alam na alam nila kung ano ang ugali nito. mas masahol sa dyablo.
"tano"
"kamahalan?"
"nais kong kumain sa bahay-kainan, nasaan iyon rito?"
"aahh, may alam akong kainan na masarap at maganda ang tanawin habang humihigop ng mainit na sabaw, dito po kamahalan"
Tinungo nga nila ang bahay-kainan kung nasaan man iyon ang sinasabe ni tano. nagsi-tigil ang lahat ng mga kumakain sa kanilang nakita. ang iba ay nanmilog ang mga mata.
"umalis kayo sa daan, daraan ang kamahalan!" singhal ni tano sa mga bata na naglalaro sa gitna.
Ngumiti si tano sa prinsesa. "ehh, dito kayo pumwesto kamahalan, maganda ang tanawin rito at presko ang hangin"
Walang salita na umupo naman ang reyna.
"nasaan ang tagapag-silbi? nais ng kamahalan na pumili ng pagkain!" sigaw ni tano.
Pinagmamasdan ng prinsesa ang magandang tanawin sa labas. tama nga ang sabi ni tano presko na presko dito ang hangin.
"ako ang taga-luto dito, ano ang nais ng kamahalan?" lumapit sa kanila ang matandang lalake.
Ngumiti si tano sa prinsesa. "kamahalan, ano ang nais ninyong kainin?"
"nais ko ang sabaw ng manok, pansit ng tagaka-bisera, at malamig na tubig na nanggaling pa sa malinis na talon"
"oh narinig mo?! hala! sige! magluto kana! malinis na tubig ang ibigay mo sa kamahalan ah?!" singhal ni tano sa matanda.
"masusunod po" magalang na saad nito.
Matapos kumain ang prinsesa ay nag-pahinga muna siya ng ilang minuto sa bahay-kainan. pagkatapos ay lumabas na siya kasama ang mga kawal.
Pagkalabas niya ay takot ang nakikita niya sa mga mukha ng lahat. palihim siyang ngumiti. masaya siya dahil takot ang mga ito sa kaniya.
Habang nag-lalakad ay napatigil sila ay meroong bata at matanda ang sumalubong sa kanila. basi sa mga ayos ng mga ito ay mga pulubi ang mga ito.
"ano ang ginagawa ninyo? umalis kayo sa harapan ng kamahalan?!" galit na saad ni tano.
Nakaka-awang mukha ang sumalubong sa kanila. "tulungan po ninyo kami, k-kailangan namin n-ng m-makakain gutom na po kami" sabi ng matanda.
"k-kahit i-isang p-peraso l-lang n-ng k-kanin, g-gutom na gutom na po a-ako" nagmama-kaawang saad ng bata
Umirap ang prinsesa. "alisin mo ang mga hampas lupang ito sa harapan ko! tano!"
"masuusnod po kamahalan"
Hinawakan ng mga kawal ang bata at matanda para paalisin sa harap. nagpumiglas ang mga ito. napahawak ang matanda sa damit prinsesa.
"k-kamahalan, m-maawa po k-kayo...."
Mahigpit na inaalis ang prinsesa ang pagkakahawak ng matnda sa lalayan ng damit niya.
"ano ba! umalis ka pulubi!!"
Pwersang inilayo ng prinsesa ang natnada sa pagkakahawak ng damit niya. napahiga ito sa sahig. napa-tili naman ang prinsesa dahil naounit ang kanyang damit.
"walangya ka! parurusuhan kita sa iyong ginawa!!!"
Lahat ay napa-iyak dahil may dadanak na pqnibagong dugo nanaman ngayong gabi.
✔︎ZN