Sa takot na baka guluhing muli ng multo si Alex pinili na lamang niyang manatili sa bahay. Ang pag-aakalang niyang matatahimik siya sa oras na makauwi ng bahay ay mali pala, hindi kasi siya pinatulog ng katanungang bakit siya ang pinagbibitangan ng batang multo. Ngunit nabasag ang malalim nitong iniisip nang dumating si Samantha sa kanyang bahay. Agad niya itong pinapasok at umupo sa tabi niya, halata sa mukha ni Samantha ang pag-aalala dahil kahit siya ay napapaisip kung bakit ganoon na lamang ang pagpupumilit ng batang multo na si Alex ang pumatay sa kanya. "Kamusta ka na,siguro naman hindi ka na niya guguluhin dito?"tanong ni Samantha habang hawak ang supot ng pagkain na dala niya kay Alex. Hinawakan niya ang binata sa balikat at hinaplos ito. "Ok naman ako,sana nga Samantha. Gusto ko

