Nananatili pa ring nakatitig sina Samantha at Alex sa isa't isa na ani mo'y nahihiwagaan sa mga nangyayari nang bigla na lamang may malamig na hangin ang dumaan sa pagitan nilang dalawa,nagulat sila nang biglang bumukas ng malakas ang pinto sa likurang bahagi ni Samantha na naging dahilan upang mapayakap si Samantha kay Alex dahil sa naramdaman nitong takot. "Alex! Natatakot ako,umalis na tayo dito!"wika ni Samantha na halos manginig sa takot. "huwag kang mag-alala Sam, hindi kita papabayaan" tugon ni Alex at lalo pang lumakas ang hangin sa paligid nila na tila galit na galit. Unti-unti nilang tinungo ang elevator at pinindot ang buton nito para magbukas at sa pagbukas nito naaninag nilang dalawa ang nakalutang na multo ng bata na galit na galit at nakatingin sa kanila na parang gustong

