Chapter 11
Naging napakatagal ng pagtakbo ng mga oras ng araw na ito para sa akin. Hindi ko alam kung papaano mag focus sa trabaho at ikalma ang sarili, habang nasa iisang lugar lamang kami ng taong pilit kong kinakalimutan at iniiwasang makita. Kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan, at kung pwede ko lang itama ang mga nagawa kong pagkakamali ng gabing iyon, ngunit hindi kona maibabalik pa ang mga nangyari na.
Ang maaari ko nalamang gawin ngayon ay ayusin ang kasalukuyan. " Hay relax Jillian, hindi naman siguro siya naparito para ipagkalat lang yong nangyari. Nagkataon lang ang lahat, at saka mukha naman siyang desenteng tao kaya hindi niya naman siguro sasabihin sa iba yong nga nangyari samin lalo na kay sir Steven. " pagpapakalma ko sa sarili.
" Miss Castillo, I need you in my office." tawag ni Steven sa akin mula sa intercom.
Agad akong tumalima at pumasok na sa loob ng office nito.
" Yes sir, do you need anything?" agad kong bungad rito
" Yeah, do I have an appointment at 11 oclock? tanong nito
" I'll check it for awhile sir..."
" Sir, according to your list of schedules for today, you have an appointment with Mr. Valdez.
" Ok re schedule that one." utos nito
" Ok sir I will--- hindi ko na natapos pa ang sasabihin.
" Hey, you don't have to...I know you'll be discussing some important things with him. Don't mind me ok, I can handle myself. " ani Lhexis
" You sure?" ani Steven
" Of course! And besides Jillian is here, I'll just come to her if I'll be needing anything." nakangiting sabi ni Lhexis sa pinsan sabay tapik sa balikat nito.
My eyes almost popped out when he suggested those things to him. Isipin ko palang na maiiwan kaming dalawa sa office nito ng kami lang, para na akong hihimatayin sa kaba. I feel it so awkward.
" Ok then... " pagsang ayon nito.
" Ah Jillian, ikaw na munang bahala kay Lhexis ok? "And bro if you need anything just call her. bilin nito sa aming dalawa.
Gusto ko sanang tumutol pero walang ano mang salita ang lumabas sa aking bibig.
" I'll be right back as early as possible." pagpapaalam nito
" Don't worry just take your time ..." sabi pa ni Lhexis dito, bago ito tuluyang umalis.
Ayaw kong maiwan sa loob ng opisina ni sir Steven ng kaming dalawa lamang ni Lhexis. Kaya para iwas awkward moment, naisipan kong sumunod narin sa pag alis tutal naman ay mukhang ok lang naman itong maiwan sa loob.
"Where are you going?" he asked
Hahakbang na sana ako palabas ng bigla itong magsalita. Kumabog ng husto ang dibdib ko kaya hindi ko na nagawang humarap dito dahil ayaw kong makita nito ang ekspresyon ng mukha ko.
" Ah....aalis na po sir? Ah.... D--Do you need anything sir?" tanong ko dito ng hindi parin lumulingon.
" Yeah, I need you to stay here." he says it dominantly.
"Ah sir kasi meron pa po akong tatapusing----
" Seriously? You will just leave me again just the way you did that day?"
Ayaw ko pa sana itong harapin ngunit nagulat ako sa mga sinabi nito, kaya awtomatiko akong napalingon dito. He stare straight to my eyes and I meet those but didn't stand it.
" What do you mean sir?" pagmamaang maangan ko.
Ngumisi ito ng nakakaloko at lumapit sa kinaroroonan ko kaya napaatras ako hanggang sa bumangga ang likod ko sa pader, kaya mas lalong bumilis ang pag tambol ng kaba sa dibdib ko.
He look at me straight without even blingking at mas lalo pang inilapit ang sarili sa akin. Isang maling galaw ko lang siguradong mahahapit na ng labi ko ang labi nito kaya mas lalong nangatog ang tuhod ko.
" Hey relax, you seem so uneasy with me, binibiro lang kita. Mabuti pa siguro lumabas na muna tayo, I'm bored here samahan mo ko sa labas."
Sa wakas ay nakahinga ako ng maluwag ng kusa itong magbigay ng space sa aming pagitan. Kung hindi nito iyon ginawa baka hinimatay na talaga ako bigla sa harapan nito.
" Ah sir pasensya na po, pero hindi po ako pwedeng lumabas may trabaho pa po ako." saad ko.
" Leave it, just come with me. I'll take care of Steven." maawtoridad nitong sabi
" Pero sir kasi----
He clenched his jaw and his facial expression change in an instant. He's face darkened, I saw an anger and fire in his eyes, and I feel like his burning me alive with the way he stare at me. After a while, he took his phone out of his pocket without cutting his eyes on me, and then he dialled someone's number.
" Hey... Steven, I'm sorry if I may interrupted your business deal with Mr. Valdez. I just wanna ask if it's ok with you if I bring Jillian with me for a lunch."
" What is he doing?" Namilog ang mga mata ko sa narinig.
" No problem bro, go ahead. I'll just follow later."
He press the loudspeaker on his phone kaya maliwanag kong narinig ang sagot sa kanya ng nasa kabilang linya. Saka agad na ibinulsa ulit nito ang kanyang cellphone.
" So, let's go..?"
Naistatwa ako sa aking kinatatayuan, Hindi ako makapaniwalang ginawa niya yon na parang simpleng bagay lang ang kanyang hinihingi doon sa isa.
" Let's go I'm starving." he said with finality
Mabilis nitong nahugot ang aking pulsuhan at hinila ako palabas. Hindi na ako nakaangal pa. Paglabas namin ng opisina ni sir Steven, sumalubong agad sa paningin ko ang mga malisyosong tingin sa amin ng mga kapwa ko employee, habang hawak hawak nito ang kamay ko. Maging si May ay nagulat sa nakita, at awtomatikong napatingin sa mga kamay kung mahigpit nitong hawak.
Nahiya ako, kaya sinubukan kung bawiin ang mga kamay kong hawak parin nito, ngunit mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak nito doon, kaya wala na akong nagawa pa kundi sumunod nalamang sa direksyong tinatahak nito.
Nang makalabas kami ng building, tumungo kami sa parking lot at agad nito akong pinagbuksan ng pinto ng kanyang kotse sa may front passenger seat. Halos lumuwa ang mata sa kotseng nakikita ko sa aking harapan. Im not quite familiar with luxury cars but I know its one of them. Itsura palang nito, kahit langaw mahihiyang dumapo dito. " Does he really owned this?" di makapaniwalang tanong ko sa sarili.
" Get in." utos nito
Saka lang nito binitawan ang kamay ko, ng tuluyan na akong makasakay sa loob ng kotse nito.
Tahimik lang ako habang nasa biyahe, parang walang ano mang salita ang nais lumabas sa bibig ko. I been with him before but he seems to be a complete stranger to me right now. Parang iba ito kaysa noong una ko itong makilala, o baka hindi ko lang talaga ito kilala pa ng husto dahil ito palang ang pangalawang beses na nakasama ko ito.
But I think, he's not the type that I expected to be before. He's a big opposite to Steven. They seemed to be so close to each other but his more intimidating than him. At sa tingin ko nakakatakot itong galitin kaysa doon sa isa. And compare to Steven, his a bratt. Parang siya yong tipong gagawin ang ano mang naisin at laging gustong nakukuha ano mang naisin. At saka napakabilis nitong magpalit ng expression. Tingin ko, hindi ito marunong magtimpi.
" Are you done reading my personality?" bigla nitong sabi
Napahiya ako sa sinabi nito kaya napatuwid ako ng upo at umiwas ng tingin dito. " Bakit ba ang galing nitong bumasa ng kilos at isip ng tao?"
" I don't know what's running in your mind, but I think that's not a fair judgement." dagdag pa nito.
" s**t! how did he reads me." Naisaloob ko.
"Im sorry sir... " halos pabulong kong sabi.
" Sir..? seriously..? Don't you dare call me that way again." he smirked.
" Pero sir, pinsan po kayo ni sir Ste---
" And I'm not your boss Jillian. And you don't have that business with me the way you have with Steven." he sarcastically say
Tinitigan niya ako ng matalim na para bang gusto nitong iparamdam sakin na ayaw niya sa mga salitang binitiwan ko.
" Im sorry---
" I'd rather hear you call me Lhexis baby."
Nag init bigla ang magkabilang pisngi ko. Pakiramdam ko pulang pula na ang mukha ko kaya pinilit kong wag humarap at tingnan ito.
" Its ok baby, you'll get used to it." he give me that wide and very sexy smile while staring deeply in my eyes.
" Is he out of his mind? " naisaloob ko
Umiling iling na lamang ako at hindi na kumibo pa rito. Ayaw kong patulan ang kalukuhang hirit nito. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit wala manlang sa kanya ang sabihin sakin ang ganitong mga bagay. Marahil ay talagang sanay na sanay lang itong mambola ng babae.
" Did I say something wrong?" tanong nito.
" Nagtanong kapa." sagot ng isip ko. Umiling na lamang ako sa tanong niya at hindi ko na siya nagawang tingnan pa sa mga mata.
" Will you not say anything to me? Kanina kapa tahimik and I'm not used to it."
" Wala po akong sasabihin." matipid kong sabi dito habang nakatingin sa labas
" Did you not miss me?" walang ka gatul gatul nitong sabi.
Awtomatikong napatitig ako sa mga mata nito pagkatapos nito iyong sabihin. Pinilit kong salubungin ang mga mata nito upang balaan itong itigil na ang mga sinasabi. Ngunit parang ni hindi manlang ito natinag.
" Finally, I got your attention, " he grinned at me.
" Stop it sir please" sinadya kong diinin ang bawat kataga.
Hindi na ako nakatiis pa, tinitigan ko siya ng matalim. Nakakainis lang kasi parang napaka simple lang para sa kanya ang kumuha ng atensyon ng kahit sinong babae. At kahit diko aminin alam kong nagsisismula na akong maapektohan at madala sa kanya and it make me feel uncomfortable. "Ayaw kong kiligin sa kanya, no way!"
Bigla itong nanahimik kaya medyo nakonsensya ako.
" Im sorry--- I didn't mean to...Nabigla lang po ako..." bawi ko rito
" I like you Jillian...And I wanna know you more" he said it straight to my face.
Para akong sinampal ng mga salitang yon. Naistatwa ako sa kinaapuan ko dahil sa sobrang pagka bigla. I was stunned, I never say anything. I just choose to stare at his beautiful pair of eyes without even blinking.
We stare at each other's eyes deeply as if we're both reading each other's minds. After a while, hindi rin ako nakatiis, I get my eyes off to him. He remain staring at me and he never cut it, but I never have that courage to meet those eyes again. I gasped so deep and never say any word again.
Hindi ko alam kung anong intensyon nito para sabihin sa akin ang mga ganoong bagay. But one thing is for sure, ayaw kong seryosohin ng utak at puso ko ang kalokohang iyon. Alam kong ikakapahamak ko lang din ito pag nagkataon. Hindi bale, matatapos rin naman ang araw na ito.
After this day, hindi narin naman siguro ito magpapakita sa akin at hindi narin ako nito kukulitin pa, dahil wala narin namang dahilan pa. He's just maybe trying to pissed me off. Reading his personality, his not the type of a man that sticks to one woman, neither into a serious relationship. Kaya hindi ko papatulan ang trip nito.