TEMPTING

2156 Words
Chapter 21 Halos manginig ang buong katawan ko ng marinig ang mga salitang iyon mula sa kanya. Ewan ko ba pero iba talaga ang dating sakin non, napaka lakas ng impact. Nawawala ako sa katinuan. Para iyong mga magnet na pilit dumidikit sa utak ko, paulit ulit na nag e echo. " Bakit ba kasi ang galing magpakilig ng lalaking 'to!" Minsan parang gusto konang madala at maniwala pero hanggat maari pinipilit kong pigilan ang sarili mahirap na. Hapon na pero hindi parin siya umaalis sa apartment ko. Hindi rin naman ako magkaroon ng lakas ng loob na kausapin siya at baka saan na naman mapunta ang usapan namin. Gusto ko sana siyang tanungin kung anong oras ito uuwi, pero parang ang awkward naman baka isipin pa niyang pinapalayas ko na siya. Tahimik lang ako at nakikiramdam habang pilit nagbibusyhan. Kahit hindi ko siya tingnan alam kong mariin parin siyang nakatitig sakin. Kaya sinikap ko nalang idivert ang atensyon ko sa mga hinihiwa kung sangkap para sa lulutuin ko mamayang hapunan. " Grabe, ano bang problema niya? Kung natutunaw lang ako sa titig, kanina pa ako tuluyang nalusaw!" " Aray!" daing ko ng aksidenteng mahiwa ang kamay ko ng kutsilyo. Mabilis itong lumapit sakin at hinawakan ang kamay kong may sugat. Bakas sa mukha nito ang sobrang pag aalala at pagkataranta. " s**t! f**k!" mura nito ng makita ang pag agos ng dugo mula sa daliri ko. " Let's go to the hospital right now!" " Ospital agad? ang oa mo naman, eh ang layu layo nito sa bituka " sabi ko habang nangingiti. Hindi ko mapigilan ang sariling matawa sa inaasal niya. He's over reacting para namang ikakamatay ko itong masugatan lang ng kaunti sa kamay. " There's nothing funny here, pupunta tayo ng ospital ngayon din, and you will not argue with me on this!" matigas nitong sabi. " Ayoko nga, kaya ko namang linisin at gamutin to ng hindi na kailangan pumunta ng ospital noh." " No! we're going to the hospital, wether you like it or not!" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na niya akong binuhat palabas. " Lhexis put me down, ano ba!" pero sadyang ayaw nitong makinig. Binuhat niya ako hanggang sa maipasok na niya ako sa loob ng kotse niya. " Ano bang problema mo! band aid lang naman at betadine ang katapat nito ok na to!" " No! will go to the hospital and have it checked and cleaned there...no more buts!" nanahimik na lamang ako dahil mukha namang wala narin naman akong laban sa kanya. Mukha talagang seryoso siya. Dinala niya pa talaga ako sa isang private hospital kahit napakaliit lang ng sugat ko sa kamay kung tutuusin. Pero ano pang magagawa ko, ayaw niya talagang papigil. Daig ko pa talaga ang nasaksak ng todo kung makaarte siya. But after all, there's something inside me that screams for happiness. Kahit mukha siyang paranoid sa ginawa niya, it can't hide the fact that he cares for me, and its a big thing for me. Pagkatapos malinisan ng ang sugat ko ay ipina test pa niya ako ng kung anu ano. Kulang nalang ipa general check up na niya ako para sa kakarampot kung sugat. " Minsan nakakataba din pala ng puso ang kabaliwan ng lalaking 'to." I secretly smile. " Why are you smiling like that?" nagulat ako ng bigla itong magsalita. " Wala. may naisip lang ako. Bakit bawal na ba ngayong ngumiti?" I sarcastically say Agad nitong inihinto ang kanyang sasakyan. At kunot noo akong tinitigan. I tried to read his mind pero wala akong mabasa. Ano nanaman ba ang problema ng lalaking 'to! Suddenly he grab my hand. Nagulat pa ako ng maramdaman ang mga labi niya sa kamay ko. " Lhexis, ano kaba may dugo pa yan oh," saway ko sa kanya " And I don't care." napalunok ako ng muli nitong halikan ang kamay kong may sugat. " You made me so worried about you and I can't forgive you on that." seryoso nitong sabi. " Ano? ako pa ngayon, eh ikaw tong paranoid dyan! Diba sabi ko naman sayo kaunting sugat lang yan at saka malayo yan sa bituka. Ikaw lang naman tong napaka oa kung maka react dyan!" " What did you just say?" " Wala sabi ko ang oa mo. Gumastos kapa ng malaki para ipa ospital ako para sa walang kwentang sugat na to, tignan mo nga yan ang liit liit niyan o." diko pa napigilan matawa habang nagsasalita. He pull me closer to him na kulang nalang ay magtama na ang mga labi namin sa isat isa. Mabilis na napalis ang ngiti ko sa labi ng ilapit nito ng husto ang kanyang mukha sa akin. Agad dinagundong ng kaba ang dibdib ko. Nagpapalit palit ako ng tingin sa mga mata at mga labing niyang mas lalo pa niyang inilalapit sakin. Napaurong bigla ang dila ko sa sobrang kabang nararamdaman ko. " What is it again, hindi ko narinig eh." sabi nito habang nakatitig sa mga mata ko pababa sa mga labi ko, at tila ba binabantayan ang mga kilos ko. " Wala." nauutal kong sabi " You made so worried about you and now you'll just laughed at me! " naiinis nitong sabi " Ok, sorry hindi ko na uulitin." " Its not a joke. Pano pag nainfect ang sugat mo If I let you clean all by yourself? And you know what, your not supposed to be doing that kung hindi mo naman pala kayang ingatan yang sarili mo. Hindi kana hahawak ng kutsilyo ok?" " Ha, eh pano ako magluluto at kakain niyan? Anong gagamitin kong panghiwa bibig ko?" " Will eat together outside kapag nagugutom ka." " Ano, so hihintayin pa talaga kita para makakain ako?" " Why not?" " Hahaha...seryoso kaba. Pakiramdam mo yata nasa iisang bahay lang tayo eh," " Is that what you want?" " Ha? Hindi ah. Kung anu ano yang iniisip mo umuwi na ngalang tayo at gabi narin." sabi ko pa. Ilang sandali din niya akong tinitigan bago siya tumalima. He grinned at me before he starts the engine, ewan ko kung anong nasa isip niya hindi ko nalang pinansin ang mga pilyo niyang pag ngiti ngiti. Maya maya lay huminto siya sa tapat ng isang restaurant. " Let's go?" " Sa bahay na ako kakain." " Para ano, para magluto kapa tapos mabasa pa yang sugat mo at ma infect? Dito tayo kakain at huwag ng matigas ang ulo ok?" His bossing again! Hay kota na talaga ako sa pagiging bossy niya ngayong araw na'to! Pagkalabas namin ng restaurant, hindi paman kami nangangalahati sa binabagtas naming daan patungo sa parking lot ay agad kaming sinalubong ng napakalas na ulan. Patakbo kaming tumungo sa kinaroroonan ng kotse niya. Ilang segundo lang pareho na kaming basang basa sa sobrang lakas ng buhos ng ulan. Hindi paman kami nakakaalis at agad ng bumaha sa paligid kaya nagmamadali na niyang pinaandar ang kanyang sasakyan. " s**t! f**k! " he cursed Ramdam ko ang sobrang lamig kaya hindi na ako nakaimik. " Ok kalang? nag aalala nitong sabi. " Yup." Pinatay na nito ang aircon sa loob pero ramdam ko parin ang sobrang lamig. Sa sobrang lakas ng buhos ng ulan halos di kona maaninag ang tanawin sa labas. " Wear this para mabawasan lamig." Iniabot nito sakin ang extrang t-shirt niya para ipasuot sa akin. " No, pano ka baka siponin ka, ok lang ako wag mokong alalahanin." tanggi ko " Jillian please 'wag ng matigas ang ulo mo. Just wear it." maawtoridad nitong sabi " Hindi sayo na yan, mas kailangan mo yan. Ok lang talaga ako. pagmamatigas ko Hindi naman talaga sa ayaw ko pero paano ko naman yon isusuot eh hindi naman ako pwedeng maghubad ng damit sa harap niya noh, kaya mas titiisin ko nalamang ang lamig, kaysa ang iladlad ko ang katawan ko sa harap niya. " Magpapalit kaba o ako ang maghuhubad niyan para makapagpalit ka?" " A--ano?" " Mamili ka, ako o ikaw ang maghuhubad niyan?" " No, hindi mo gagawin yan!" " Ok try me." Agad nitong pinahinto ang kotse at hinawakan ang manggas ng damit ko. " Ok, fine magpapalit na." pagsuko ko " Good." " Pwede bang patayin mo muna yong ilaw." He smirked then he shook his head while staring at me. " Lhexis!" " Ok, fine!" Pilyo itong ngumiti bago tuluyang pinatay ang ilaw sa loob ng kanyang kotse. " Why are you still keeping those to me, nakita kona naman lahat yan..." bulong nito " Ano?" sabi ko " Nothing. Are you done?" " Malapit na konti nalang." Tanging ang panlabas ko lang na mga damit ang tinanggal ko. Hindi ko na isinama pa ang mga panloob ko, kahit naman papaanoy naiibsan na naman ang lamig kompara kanina. " Ok na, tapos na akong magbihis." sabi ko Pagka bukas niya ng ilaw ay agad kong tinakpan ang nakalantad kong mga binti at dibdib. Puti iyong t- shirt niya di masyadong maluwang sakin kaya bakat ng kaunti yong hubog ng katawan ko. " Anong tinitingin tingin mo dyan?" " It looks perfect on you. I like it." hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Bigla tuloy akong na conscious. " Pwede ba magdrive kanalang para makauwi na tayo." kunwariy pagsusungit ko. Ang totooy nag iinit ang mukha ko paraan ng pagtitig niya sa akin. I'm really flattered. Ilang sandali pay bumaha na ng husto sa kalsadang dinadaanan namin kaya napilitan kaming humanap ng ibang daraann. " s**t! Damn it!" " Bakit anong nangyari?" nag aalala kong sabi. " Were almost stuck, we can't continue to your house right now. Kailangan muna nating maghintay bago bumaba ang tubig at tumila ang ulan." " Anong gagawin natin ngayon?" " We need to go back." Mayamaya lang ay nakita ko ang isang pamilyar na gusali na sa tingin ko ay nakita ko na dati. Ilang sandali lamang ay ipinasok na nito ang kanyang kotse sa parking lot ng gusaling iyon. Pilit kong hinahalukay sa utak ko kung saan ko ngaba unang nakita ang lugar na ito. Hanggang sa naramdaman ko nalang ang kamay ni Lhexis na hatak ako sa loob pagkatapos ay sumakay kami ng elevator. Nasa malalim akong pag iisip ng biglang bumukas ang lift at bumungad sa akin ang magandang tanawin sa loob ng building. Agad nag flashback sa utak ko ang una at huling beses kong pagtapak sa lugar na kinaroroonan ko ngayon. It was his condo unit! s**t bakit dito? "Let's go?" Hinila niya ako sa loob at para akong batang paslit na walang nagawa kundi ang sumunod lamang sa direksyong tinatahak niya, habang hawak hawak nito ang isang kamay ko. The memories I been avoiding suddenly strikes me. Halos walang nagbago sa paligid. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. " Are you ok nilalamig kaba? You want coffee or anything to drink? Nagugutom ka ba o may gusto kang kainin? You want me to---" " Bakit dito moko dinala?" " Why what's wrong? " " Gusto konang umuwi." putol ko sa kanya " But the rain is so hard outside, hindi pa tayo pwedeng lumabas. Look, we have to stay here for awhile but I promise, I'll bring you home later pag pwede na, ok?" Tama nga naman ito dahil kung mananatili rin naman kami sa loob ng kotse niya ay baka matuyuan lang din siya ng damit sa loob kakahintay sa pagtila ng ulan. Ayaw ko namang iyon pa ang maging dahilan para magkasakit ito. Kanina pa basa ang damit nito at kahit di nito sabihin, alam ko namang kanina pa nito iniinda ang sobrang lamig. " Magbihis kana baka matuyuan kana niyan." mahinahon kung sabi " Ok... I'll just take a shower, o baka gusto mo ikaw na muna ang mauna." " Ha? hindi na sa bahay nalang ako wala rin naman akong damit dito.." " No problem, you can wear my clothes." " Hindi na ok lang ako." " But you need to take that off para mapatuyo natin yan." tukoy nito sa bra at panty ko. Agad akong pinamulahan ng mukha ng mapagtanto ang tinutukoy nito. " Maligo kana nga don, wag monang pakialaman 'to ako ng bahala dito." naiinis kong sabi " Ok, ok. Fine, Miss sungit! but I'll get you another clothes para makapagbihis ka ok?..." Nagtatalo ang isip ko kung huhubarin ko ba talaga ang panloob ko o hindi. Sobrang lamig pa ng aircon dito sa loob. Kaya sa huli nagbihis nalang talaga ako mas mabuti narin to, at least hindi kagaya kanina na hapit talaga sa katawan ko. I'm wearing his black boxer and grey sweater. Tiningnan kong maigi ang sarili sa salamin, kahit papaano hindi na bakas ang katawan ko, lalo na ang dibdib ko. Wala panaman akong suot na bra dahil basang basa talaga ito." s**t, wala rin pala akong panloob sa ibaba! " " It fits you well, bagay sayo..." nagulat ako ng marinig ko itong biglang nagsalita sa likuran ko. Awtomatiko akong napalingon sa kanya. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang makita siyang halos hubot hubad. Napalunok ako ng maraming beses habang hinahagod ng tingin ang lantad nitong katawan na halos tuwalya lang ang nakatakip sa kanyang ibaba. Broad chest and shoulders, well define abs, and flat abdomen, so damn perfect! Para tuloy akong asong kalyeng naglalaway sa isang masarap na pagkain. "Hey what? Nonono! s**t this head! Erase that damn thoughts!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD