Chapter 19
Umuwi si Lhexis ng kanyang bahay dala ang galit at puot sa kanyang dibdib. Masamang masama talaga ang kanyang loob sa tagpong kanyang nakita. Sa sobrang galit na kanyang nararamdaman ay nagawa nitong suntukin ang pader ng kanyang bahay ng ilang beses, na naging sanhi ng pagkasugat ng kanyang kamao. Ni hindi nito inalintana ang pag agos ng dugo mula sa kanyang sugat.
Labis labis ang kanyang pagdaramdam sa nangyari, kaya maging ang hapdi ng sugat sa kanyang kamay ay halos hindi niya maramdaman ng mga sandaling iyon. Mas nanaig parin ang sakit sa kanyang puso. Dahil sa nangyari, mas higit niyang napatunayan sa sarili kung gaano kahalaga sa kanya ang babae. Gagawa siya ng paraan upang tuluyan itong mapasakanya.Walang sino man ang pwedeng umagaw nito sa kanya!
**********
Tanghali na ng magising si Jillian mula sa mahimbing nitong pagkakatulog. Inaantok paman ay pinilit niya parin ang sariling bumangon upang makapagluto ng kanyang almusal. Kailangan niya rin kasing mamili ng mga kakailanganin niya para sa susunod pang mga araw.
" Pambihira naman oh, tinatamad nanaman ako. Kung mayaman lang sana ako at may katulong, disin sana ay pwede akong magpahinga pag ganitong pagod ako, pero wala eh, kaya bumangon kana Jillian...kailangan mo ng kumilos marami kapang gagawin." utos ko sa sarili
Pagkatapos niyang mag almusal ay naglista na agad siya ng kanyang mga kailangang bilhin sa super market. Tapos ay nilagyan niya narin ito ng karampatang presyo isa isa, upang malaman niya kung sasapat ba ang pera niya.
" Ok, mukha namang pasok sa budget ko. Kailangan konang umalis."
Binuksan niya ang kanyang closet at doon ay namili na siya ng kanyang damit na susuotin. Napili niyang magsuot lang ng puting T-shirt at jeans para maging komportable siya. Pagkatapos ay naglagay na siya ng kaunting lipstick at powder sa mukha.
" Ok na ' to." aniya sa sarili ng makita ang kanyang sarili sa salamin.
Pagkalabas niya ng kanyang bahay ay agad bumungad sa kanya ang isang pamilyar na pigura ng isang lalaki na siyang ikinagulat niya.
" Lhexis...anong ginagawa mo dito? " Sinalubong agad siya ng mapupungay nitong mga mata at matamis nitong mga ngiti, na agad namang nagpatunaw sa kanya.
" I just wanna see you." anito
" Bakit may kailangan ka?"
Kumunot ang noo nito bigla sa sinabi ko.
" I just miss you. Is that enough reason?"
Napaawang ang labi ko sa kanyang sinabi. Mukhang namula pa yata ako sa narinig kong iyon sa kanya." Napaka prangka naman nitong taong to."
" Aalis ka?"
" Ah...Oo kasi kailangan kung mag grocery eh."
" Can I go with you?"
" Ha? naku hindi na kaya konang mag isa." tanggi ko rito
Agad ako nitong hinawakan sa aking pulsuhan ng akma na sana akong aalis sa kanyang harapan. Agad akong nakaramdam ng kaba at agad dumaloy ang bulta bultaheng kuryente sa buo kong katawan. Pero ang higit na umagaw ng atensyon ko ay ang bendang may bakas pa ng dugo sa kanyang kanang kamay. Agad akong napatingin sa kanyang mga mata na animoy naghahanap ng sagot doon. Bigla akong nakaramdam ng kaba.
" Anong nangyari dito?" hawak ko ang kanyang kamay.
" Wala yan. Let's go?" nawalan na ako ng lakas na tumanggi pa kanya. Hindi ko maintindihan ang sarili, pero mas nanaig ngayon ang sobrang pagaalala sa kanya. Dinudumog ang utak ko ng maraming konklusyon tungkol sa maaaring nangyari sa kanya. Alam kong meron itong hindi sinasabi sakin at ano man iyon ay gusto kong malaman.
Kahit nasa loob na kami ng kotse ay hawak parin nito ang kamay ko. He even intertwined it. Gustuhin ko mang bawiin ang kamay koy ayaw ko namang masagi ang sugat niya kaya hinayaan ko nalamang ito.
" Lhexis...may nangyari ba?" nauutal kong tanong sa kanya
" It's nothing ok, you have nothing to worry about." nakangiti nitong sabi na animoy naglalambing
" May sugat ka, saan mo nakuha yan? May nanakit ba sayo? May nangyari bang---
" Hey, relax I said this is nothing ok." Hinawakan nito ang pisngi ko. Gustuhin ko mang huminahon ay hindi ko magawa. Ramdam kong may nililihim siya sakin kaya hindi ako mapakali.
Gusto ko pa sana itong kulitin ngunit hindi nalamang ako nagsalita pa. Saka ko nalamang ito kakausapin at tatanungin pag nagkaroon ulit ako ng pagkakataon. Hindi ko ito titigilan, hindi ako matatahimik hanggat hindi nito sinasabi sakin ang totoo.
Hanggang sa loob ng grocery store ay hindi parin nito binibitawan kamay ko. Kaya naman marami sa nakakasalubong namin ang napapatingin sa mga kamay naming hindi mapaghiwalay.
" Lhexis...hindi ba masakit yan? Baka kasi mas lalong magdugo yan pag nasagi ko" pasimple kong hirit baka matauhan ito.
Tiningnan lang niya ako at nginitian.
" I know what's running in your mind baby, pero hindi ko bibitawan yang kamay mo."
Ayan na naman siya sa pagtawag sakin ng "baby."Agad namula ang mukha ko sa kanyang sinabi. Nakaramdam ako ng kakaibang kiliti sa puso ko. Kinikilig ako pero hindi ko nalamang ipinahalata sa kanya.
" Ok na 'to. Let's go!" Yayah ko rito pagkatapos kong mareview ang listahan ng mga bibilhin ko
" This is it, eh konti palang to ah at saka puro can goods lang halos at instant noodles. Will you not even buy some meats and spices para naman hindi puro ready to instant foods itong kakainin mo?" reklamo nito
" Ok na 'to sanay nanaman ako sa ganyang pagkain at saka mag isa lang naman ako sa bahay kaya masisira lang din kapag nagluto ako ng marami."
" Teka, saan tayo pupunta?" tanong ko habang nakasunod lang sa kanya. Hawak hawak parin nito ang isang kamay ko kaya wala akong choice kundi ang sumunod nalang dito
" We're buying some meats here."
" Hindi na kailangan, mamalengke naman ako mamaya eh, mamaya nalang nalang.
" There you go. Miss, give me all of this, this one...also this one...this one...and that one...Pakidagdagan narin nito. And make sure to give me the fresh one ok?"
"Yes sir." Hindi magkada ugaga ang crew sa pagkuha at pagbalot ng mga karne at kung ano ano pang pinagdadampot nito. Habang ako naman ay walang magawa kundi sundan lang ng tingin ang kamay nitong panay turo ng maibigan niya. Halos mapuno nito ang malaking push cart na dala namin sa dami ng kinuha nito sa meat section. Napanganga ako sa dami. Lahat na yata ng lane na madaanan namin may kinukuha siya. " Ano ba yan, ang dami, saan ko ilalagay ang mga yan at paano ko babayaran yan?" sa isip ko
" Hey, stop it! Ang dami dami na nitong mga kinuha mo oh, tapos kukuha kapa. Ang liit liit ng fridge ko saan ko ilalagay yang mga yan? At saka alam mo namang mag isa lang ako sa bahay, pano ko uubusin yang mga yan?" awat ko rito
Gusto pa sana nitong humirit pero talagang hindi ko na ito hinayaan. Ayaw ko namang mag mukhang super market ang bahay ko noh. At ang mas kinababahala ko pa ay kung paano ko babayaran ang mga kinuha nito eh, kunti lang naman ang pera ko. Bago paman ako namimili ay nakabudget na ang perang gagastahin ko kaya tingin ko mapapalaban talaga ng husto itong bulsa ko sa dami ng kinuha nito.
Sa bawat pag swipe ng cashier sa mga pinamili namin ay napapaluwa ang mata ko sa nakakalulang presyo ng mga kinuha nito. Pumiwesto ako sa harapan ng kahera para ma monitor ko kung gaano na kalaki ang babayaran ko. Hindi paman kami nangangalahati sa mga pinamili namin ay agad ng pumatak ang halos sampung libo kaya napalunok ako ako. Pakiramdam ko para akong pinagpapawisan ng malamig. Habang siya ay nakangiti lang habang nakatingin sakin na parang normal lang ang lahat.
Napakalamig ng temperatura sa loob ng mall pero ramdam ko ang mumunting mga pawis sa aking noo habang tinitigan ko ang sumatutal ng mga pinamili namin. Sa tingin ko masisimot nito lahat ng nasa atm ko pag nagkataon. Napatingin ako kay Lhexis na tila kanina pa nakatingin sakin at binabasa ang kilos ko.
" Ah... Lhexis, pwede bang bang bumili ka muna ng pagkain don nagugutom na kasi ako eh." Kunwari kong sabi. Ang totooy gusto ko itong paalisin muna para maipa void ko yong ibang mga items na kinuha niya.
" I've already reserved our seats in a restaurant baby... kaya don nalang tayo kumain ok, tapusin nalang muna natin ' to tutal malapit narin naman tong matapos ok? malambing nitong sabi sabay ngiti sakin.
Agad akong namula. Lalo pa ng makita ko ang lihim pag ngiti ng kahera tanda ng kanyang pagka kilig samin. Sandaling nawala sa isip ko ang kanina ko pang ipinag aalalang babayaran ko.
" It's 25,988 and 89 cents Ma'am." sabi ng kahera na siyang halos ikawala ng malay tao ko." Ha, ganun kalaki!" Para akong mahihimatay sa laki ng babayaran ko.
" Ah...Miss pwede bang i void nalang yong ibang item?" bulong ko sa kahera
" Miss." tawag nito sa kahera sabay abot ng credit card nito.
" Ha? No! its all mine kaya akong magbabayad ok?" pigil ko sa kanya
" Miss take this." tawag nito sa babae sabay abot ng kanyang card. Agad namang itong inabot ng babae.
" Lhexis! Anong ba tingin mo ang ginagawa mo?"
Pinandilatan ko ito na animoy pinagbabantaan sa pamamagitan ng matalim kong mga titig, pero tiningnan lang ako nito at nginitian.
Pagkatapos namin sa grocery store ay agad na kaming dumiretso sa isang restaurant. Pagka upo na pagka upo namin ay agad ng isinerve ang pagkain namin. Nagulat pa ako dahil wala paman kaming inoorder ay may pagkain na agad sa harap namin.
" Did you not like it? Oorder tayo ng iba." anito
" Ha, eh ang dami nanga nito eh, hindi na."
" You sure?" paniniyak nito
" Yeah. Nagtataka lang ako kung bakit ang bilis nilang magserve dito eh kararating lang naman natin. Sigurado ba silang luto na ang mga ito?"
Natawa ito sa sinabi ko.
" I've ordered this while we were inside the supermarket. Kasi alam ko gutom kana."
" Here, try this masarap 'to." Inilagay nito sa plato ko ang isang hiwa ng karneng sa tantiya koy karne yata ng baka. At sinabi niya sakin kung anong putahe iyon pero hindi manlang pumasok sa utak ko ang nga pinagsasabi nito. I left eyes on him. Mas nakukuha ng atensyon ko ang ginagawa nitong pag aasikaso sa pagkain ko.
Nakakataba ng puso, all mylife wala pang gumagawa nito para sakin. Lahat ng kailangan ko ako lage ang gumagawa para sa sarili ko. Ako at ako lang ang nag aasikaso ng lahat para sakin. And now, this man is doing this simple thing I know I can do for myself. And I find it so sweet of him. Tila nakakaramdam ako ng pag aasikaso at pag aalaga mula sa kanya." Ang babaw ko naman."
"Don't look at me like that baka hindi na kita iuwi niyan" nakangiti nitong sabi
Hindi ko namamalayang matagal na pala akong nakatitig sa kanya.
" Oh, I'm sorry." natataranta kong sabi
" Hey, I'm just kidding. Kumain kana, diba sabi mo nagugutom kana?" malambing nitong sabi
I just don't understand myself, lalo na itong mga mata kong hindi mapigilan ang nakawan siya ng tingin. " Ang gwapo talaga nito lalo na pag naka smile. Mabuti nalang at matindi ang kapit ng panty ko, kung hindi ay baka kanina pa ito nalaglag." He's even so iresistable, yong tipong hindi ko kayang pigilan ang sariling hindi siya tititigan. Bawat galaw niya napapasunod ako ng tingin. Gosh! this is crazy, but this man is so damn hot. Everything about him screams for my attention. Samahan pa ng killer smile nito. Hindi ko na alam kong paano ko pa mapipigilan ang sariling huwag humanga rito. But for me, its should not exceed on that admiration. He's not the man for me. Everything we have is just temporary. His good enough to complete my obsession. Pero hanggang don nalang yon.
Ang mga lalaking kagaya niya ay hindi dapat hinahangad ng kagaya ko lang. Kung hindi, sasakit lang ng husto ang ulo ko. At kung mamalasin, baka mabaliw pa ako pag naulit pa yong sakit na naramdaman ko noon para kay Steven. Ang hirap panaman mag move on pag na broken hearted ka." Hay hindi na noh, this time iingatan ko na tong puso ko. At kung bubuksan ko man itong muli, siguro doon nalang sa taong malaki ang chance na maging kami talaga at hindi sa kagaya nitong imposible ang lahat."
" Are you ok?" nagulat ako sa bigla nitong
paghawak sa kamay ko.
" Oo naman. Bilisan na natin, kailangan nating makauwi agad baka bumaho yong mga karneng pinamili natin." saka dahan dahan kong hinugot ang kamay ko mula sa kanya.
Agad nagsalubong ang kilay nito sa ginawa ko pero nag patay malisya nalamang ako.