Chapter 30
Dahil sa sobrang sama ng loob na kanyang naramdaman ng mga sandaling iyon, mas pinili nalamang ni Jillian ang mapag isa. Nagpaalam siya sa kanyang boss na uuwi ng maaga dahil biglang sumama ang kanyang pakiramdam, mabuti nalang at agad naman siya nitong pinayagan. Ngunit sa halip na umuwi ng bahay ay mas pinili nalamang niyang uminom sa labas at magpakalango sa alak. She was so desperate, she feel so miserable. Masakit yong nangyari noon, pero pakiramdam niya mas doble doble pa ang sakit na nararamdaman niya ngayon.
"Oh diba sabi ko sayo masasaktan kalang eh, ang tigas tigas kasi niyang ulo mo!" aniya sa sarili sabay pukpuk ng kanyang ulo.
"Pare pareho lang kayong mga lalaki, ang sasama ninyong lahat! Wala na kayong ibang ginawa kundi saktan kaming mga babae at paasahin!!! Mga bwesit kayu!!!"
Sobrang sakit. Iyon na yata ang pinaka makapag di describe ng kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Ang mas mahirap pa ay wala manlang siyang makausap o pwedeng masabihan ng kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Kailangan niyang harapin ang lahat ng mag isa kagaya noong nakaraang kabiguan niya kay Steven. Sobrang hirap noon para sa kanya ilang taon din niyang iginugol ang kanyang panahon at atensyon sa isang taong akala niya ay mamahalin din sya pagdating ng tamang panahon.
Pero nauwi lang ang lahat sa kabiguan ng madiskubre niyang mayroon na pala itong minamahal. At ngayon naman bigo parin siya kay Lhexis. Ang lalaking akala niyay pahahalagahan ang kanyang damdamin. Kahit paman sabihing hindi niya buong ibinigay ang kanyang tiwala sa binata ay ipinaubaya rin naman niya ang kanyang sarili rito. At kahit papaano alam naman niya sa kanyang sarili na nagkakaroon na ito ng malaking puwang sa kanyang puso.
" Ganon nalang ba talaga Jillian, lagi kanalang magmamahal, magbibigay at pagkatapos ay masasaktan!" hagulhol niya.
Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay parang papel na unti unti napupunit ang kanyang puso. Kahit gaano pa niyang lasingin ang sarili sa alak, hindi kayang ibsan ang sobrang sakit na kanyang nararamdaman. Lasing na lasing na sya pero nandoon parin ang sakit, sariwa parin sa alaala niya ang lahat ng kanyang narinig kanina. At ang masakit pa, ilang oras na ang dumaan, ngunit iyon at iyon parin ang pabalik pabalik na tumatakbo sa kanyang isipan. Ayaw mawala, ayaw matanggal idagdag pa ang bigat ng dibdib na kanyang nararamdaman.
" Lhexis hayop ka niloko moko!...pagbabayaran mo ang sakit na nararamdaman ko! Pagbabayaran mo ang lahat ng ito!" patuloy niyang hagulhol.
*********************
Kinabukasan, hindi na niya nagawa pang makapok ng opisina. Magkahalong pagod, sakit ng ulo at katawan ang kanyang nararamdaman. Ni hindi narin niya nagawa pang umuwi ng kanyang bahay sa sobrang kalasingan noong gabing iyon. Ni hindi nanga rin niya maalala kung ilang shots ng matatapang na alak ba ang kanyang naubos ng mga sandaling yon. Mabuti nalamang at nagawa pa niyang makapag check in sa pinakamalapit na hotel sa lugar na iyon.
Watching herself in the mirror makes her realize how she broke herself in just one night. And now she can't help but let her tears fell for her pain. Tanging luha lamang niya ang makakapagsabi kung gaano kasakit ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling yon. Hindi sya makapaniwala sa sobrang pagbabagong nakikita niya sa sarili. Mugto ang kanyang mga mata sa sobrang pag iyak, at sobrang haggard niyang tingnan sa salamin. Kahapon pa siya hindi kumakain pero ni hindi manlang niya maramdaman ang gutom hanggang sa mga oras na yon, ni ayaw niyang maligo.
Ang tanging gusto lamang niyang gawin ay humiga sa kama at umiyak ng umiyak at hayaan ang paulit ulit na pagdaloy ng kanyang mga Luha, hanggang sa maubos ang mga ito at kusang mapagod ang kanyang mga mata sa pag iyak. Tanging ito lang ang kanyang naisip na paraan upang kahit papano ay maibsan manlang kahit konti ang sakit at puot sa kanyang puso. Tatlong araw siyang nag stay sa hotel na iyon. Hindi niya na alintana ang laki ng gastos niya sa pananatili roon. Sa isip niya kung iyon ang makakatulong para mailayo muna sya sa mundong nakasanayan niya na magpapa alala sa binata ay gagawin niya. Hindi pa siya handang makita ito kaya naman humingi siya kay Steven ng isang Linggong leave na sa tanang buhay niya sa kompanya ay ngayon lamang niya ginawa.
Gusto niyang mag survive kahit sa papaanong paraan. Ayaw niyang maging pabigat kahit kanino kaya wala siyang sinomang pinagsabihan ng kalagayan niya. Kagaya ng dati sosolohin niya ang lahat at saka na siya babalik pag kaya niya na silang harapin. Naipangako niya sa kanyang sarili na hindi makikita ninoman ang sakit at sobrang pgkalugmok na pinagdadaanan niya ngayon. Ibabangon niya ang sarili ngunit sa pagkakataong ito hindi na niya hahayaang may kung sino man ang makakapanakit sa kanya. Isasarado na niya ng tuluyan ang kanyang puso at hindi na pagbubuksan ang sino man magpakailanman.Magsisimula siyang muli!
*******************
Mag iisang Linggo na pala ang dumaan. Isang linggo na nagmistulang isang buwan para kay Lhexis. Mis na mis na nito ang dalaga. Araw araw niya itong pinupuntahan sa kanyang apartment upang bisitahin at kumustahin. Sobrang pag aalala na ang kanyang naramdaman ng unang araw palamang na nalaman niyang maaga itong umuwi dahil sumama ang pakiramdam nito ayon kay Steven.Subalit bigo siyang makita ito ng araw na iyon, magpahanggang sa mga sandaling ito. Samut saring mga bagay na nag gumugulo sa kanyang isipan. At hindi narin sya matahimik sa kakaisip ng kung anu ano tungkol sa maaring nangyari sa dalaga. Ni hindi na sya makapagtrabaho ng maayos sa sobrang pag iisip. Maging si Steven ay napupuna narin ang mga kakaibang ikinikilos ng kanyang pinsan.
" Ahhhh......!" maakas na sigaw ni Lhexis sabay hagis ng kanyang wine glass. Eksaktong siya namang pagdating ni Steven at inabutan pa nito ang ganoong eksena.
" Is everything ok?" Ilang araw na niyang napapansin ang kakaibang ikinikilos ng kanyang pinsan, maging ang pagkawala nito sa sarili at ang pagdalas ng pag inom nito ng alak. Kaya naman hindi niya mapigilan ang sariling wag mag alala para rito.
" Lhexis, ilang araw na kitang napapansin na ganyan. May problema ba?" mahinahong sabi ni Steven
" Para na akong masisiraan ng ulo, I can't stand this." sagot ni Lhexis
" Ok, do you wanna talk about it?" ani Steven
" I wanna see her! Gusto kong malaman kung nasan sya, I want her infront of me right now! " Gusto kong malaman kung kumusta siya..I miss her so much.." maluha luha nitong saad sa kanyang pinsan
" Wait what do you mean?...sinong----?" naguguluhang tanong ni Steven kay Lhexis
" Si Jillian! Gusto kong malaman kung nasan siya kung anong nangyari! You told me she filed a leave because she's sick pero bakit hanggang ngayon hindi ko sya mahanap!" matigas nitong sabi
" Hey relax bro, ano kaba...come down ok baka naman---?"
" Relax! Come down!...shes gone without a traced 'till now. Tell me how could I make myself calm!" putol nito kay Steven
" We...wait, stop worrying too much ok, Jillian is in good hands and I know that. Sinabi niya sakin masama lang daw ang pakiramdam niya but not really that worst. And when she calls me she assured me that she's ok, that there's nothing to worry about." paliwanag ni Steven
" Para na akong masisiraan ng bait sa sobrang pag aalala sa kanya ni hindi manlang ba niya naisip kung gaano niya ako pinag aalala. She has my number but she didn't even bother to text or call me kung ok lang ba siya, o kung nasan siya. Mabuti kapa pala naalala niyang tawagan." may bahid pagtatampo nitong sabi
" Woow...where is that coming from? Hindi ko alam kung iisipin kobang nag aalala kalang sa kanya as his boss or what. Daig mo pa ang nagtatampong boyfriend kung umasta...teka let me rephrase it, your acting like a jealous boyfriend." sinabayan pa ni Steven ng tawa at iling.
Pagka rinig nooy biglang natahimik si Lhexis at mariing napatitig kay Steven. Agad namang natahimik si Steven ng magsalubong ng kanilang mga mata ng kanyang pinsan. Tila nahulaan nito ang ibig nitong ipahiwatig sa kanya.
" Wait...are you---?"
" I love her." walang ka gatul gatol na putol ni Lhexis sa sasabihin pa sana ni Steven. He look into his eyes like he want him to realize how he mean every single words he said.
Natulala si Steven sa sinabi ng pinsan. Sandali syang napaisip at napapatitig sa kawalan. Inisip niyang baka may mali lang sa kanyang narinig o baka nagbibiro lamang ito sa kanyang mga sinabi, ngunit ng muli niya itong tingnan ay mariin parin itong nakakatitig sa kanya at ni hindi manlang ito kumukurap habang sinasalubong ang kanyang mga tingin.
" You heard it right...I love her" muli nitong sabi.
Lalong napagtibay nito ang katotohan sa kanyang binatawang salita. He knows him well, when it comes to things like this. Lhexis is not always vocal with his feelings. Ni minsan hindi niya ito narinig na nagsabi sa kanya ng ganitong bagay. Pero ngayon walang pag aalinlangan nito iyong sinasabi sa kanya. At alam niyang hindi ito nagbibiro sa pagkakataong ito.
" I can't stand not seeing her everyday, She's all that matters to me right now. She completes me and gave me so much happiness. Hindi na ako makatulog sa sobrang pag alala sa kanya this past few days. I can't even think well and work well. I'm so worried about her. I even want to just leave everything and go find her anywhere...wala akong pakialam kahit saan pa ako makarating." malungkot nitong sabi
Steven saw Lhexis pain. Alam niya kung gaano ka bigat ang nararamdaman nito ng mga sandaling iyon. Ramdam niya ang hirap na dindala nito.
" Well then I guess you're undeniably inlove with her. At mukhang hindi kalang basta inlove mukhang tinamaan ka talaga ng husto ng lintik na pag ibig na yan." seryosong tugon ni Steven sabay ngiti sa pinsan at tapik sa balikat nito
" And its driving me crazy." hilaw ngiting dugtong ni Lhexis sa tinuran ng kanyang pinsan.
" All mylife akala ko, walang bababeng magpapatino sakin. Walang magpaparamdam sakin ng ganitong sakit. I thought I'm already fine with everything I have. Playing things my way, magpalit ng magpalit ng babae anytime I want. Mag travel kahit saan ko gusto without thinking of anything. Magpaiyak ng babae. I don't even have a plan for my future..But when Jillian came, all these things just change. Nagising nalang ako isang araw, gusto konang baguhin ang sarili ko. I want her to see the best of me.The different side of me. I decided to change everything for her." malungkot nitong sabi.
" Tingnan monga naman, ang tagal kang naging sakit ng ulo ni tito Marcus nasa opisina kolang pala ang magpapabago sayo" pabirong sabi ni Steven sa pinsan.
Hilaw na napatawa si Lhexis sa sinabi ni Steven.
" And she's also the reason why I decided to finally take the opportunity at The Dezeños." ani Lhexis
" What do you mean?" nagugulumihanang tanong ni Steven kay Lhexis
" Its a long story but we already know each other before I decide to be at The Dezeños."
" Kung ganon matagal na kayong magkakilala?"
" Nope, mga ilang buwan palang. We've met at the bar. That was the first and the last time we see each other. Halos isang buwan ko syang hinanap, I even hired a private investigator just to find her. When I knew that she was at The Dezeños, hindi na ako nag aksaya pa ng panahon, ni hindi narin ako ng isip. I was so excited to see her again."
" Now I know, kaya pala iba ang pakiramdam ko sa inyong dalawa. Akala ko I'm just being advance that you two have something pero totoo pala."
" But why didn't you tell me earlier?"
" I know she's not yet ready to tell anyone. I remember the first day we see each other again at your office daig pa niya ang nakakita ng multo when saw me there. She even tried to avoid me. Kung alam nya lang kung gaano ko pinigilan ang sarili ko ng mga sandaling yon. I wanna grab her and hug her infront of you. Mabuti nalang nakapagpigil pa ako" nangingiti nitong sabi sabay laguk ng kanyang alak
" Don't worry too much about her. Babalik din yun. Baka may importante lang inaasikaso. At saka ang paalam niya sakin isang Linggo lang naman eh, kaya babalik yun ok?" pagpapakalma ni Steven sa pinsan
" Ang hindi kolang maintindihan ay kung bakit wala siya sa kanila? Bakit siya umalis sa apartment niya? At bakit biglaan?"
" Well, no one holds all the reason but her, kaya maghintay nalang tayo sa pagbabalik niya. I'm pretty sure she has all the answers for all your questions. " ani Steven
Malalim na ang gabi pero ayaw paring dalawin ng antok si Lhexis. He can't help himself from thinking too much about her. Hindi mawala sa isip niya ang dalaga.