CLOSER

2308 Words
Chapter 8 Six Hours Later Gaya ng aking nakasanayan, nagising ako sa tamang oras at dahan dahang nagmulat ng nga mata. Medyo pupungay pungay pa ako at bahagya pang inaantok kaya hindi ko agad naidilat ang mga mata. Maya maya pay nakaramdam ako ng bigat sa bahagi ng aking beywang, nagitla ako ng maramdaman na may mga kamay na mahigpit na nakayakap sa akin, maging ang mga labi nitoy nakatutukok sa aking leeg. Kahit inaantok paman ay napilitan na akong tuluyang buksan ang aking mga talukap. "Oh s**t, nasaan ako?" nagtataka kong tanong sa sarili. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtantong nasa ibang silid ako at may katabing lalaki sa kama. "Oh my God, what have I done? no,no,no its not happening" Anong ginawa ko? At sino tong katabi ko,?" sunod sunod kong tanong sa sarili. Pilit kong binuhay sa alaala ang mga nangyari bago ako humantong sa kinaroroonan ko ngayon.Nakaramdam ako bigla ng takot at kaba ng maramdaman ang mahigpit na yakap sa akin ng katabi. Nanigas ang buong katawan ko ng mapagtantong kapwa kami hubad at ramdam na ramdam ko ang pagdikit ng balat ko sa mga balat nito. Yakap ako nito ng mahigpit na para bang takot na takot itong mawala ako sa kanyang tabi kaya mas lalo akong nakaramdam ng kaba. Kinakabahan man ay nagawa ko paring titigan ang maamong mukha nito habang mahimbing itong natutulog. I can't keep my eyes off to him. Kahit mahimbing itong natutulog ay nababanaag ko ang angking kakisigan at kagwapohan nito. "God who's this gorgeous man beside me?, I was so amazed by his hot and gorgeous look. I can't help my eyes from rubbing him with my gaze. I can't believe I've slept with him, that I been with his arms for a few hours. Just staring at him tempting me to touch him. I want to touch his face and run my fingers to his perfect shape of eye brows, nose, down to his kissable lips. " Damn it!" he's moist thin lips makes me want to kiss him. Maya maya pay bahagya itong gumalaw na naging dahilan upang mas ma expose sa aking mga mata ang hubad nitong katawan, napalunok ako at halos lumuwa ang aking mga mata sa aking nakikita kaya dahan dahan kong tinakpan ng kumot ang kahubdan nito." No Jillian wag monang dagdagan ang kasalan mo" saway ko sa sarili Kaunti nalang ay dadapo na sana ang mga kamay ko sa balat nito ngunit pinigilan ko ang sarili upang hindi ito magising. Kailangan na konang umalis habang may pagkakataon pa. Ayaw kong abutan ako nito. Ramdam ko ang sakit sa aking gitna maging ang pamamaga nito , ngunit kailangan ko itong tiisin, naglakad ako ng pailan ilang hakbang at dahan dahang pinulot ang mga damit upang makaalis kaagad. Saka ko nalang iisipin ang lahat ng nangyari kapag nakauwi na ako ng bahay. (Jillians Apartment) Halos thirty minutes lang ay narating na ni Jillian ang apartment, kaya pagdating na pagdating niya ay agad siyang pumasok sa banyo upang maligo. Habang nasa loob na siya, natagpuan na lamang niya ang sariling tulala at hindi alam kong anong gagawin. Napaupo siya sa sulok at hinahayaan lamang ang pagpatak ng tubig sa kanyang buong katawan. Pinilit niyang alalahanin ang mga nangyari hanggang sa kusang nagbalik sa kanyang alaala ang lahat. " God Jillian, anong ginawa mo? mas lalo mo lang pinalala ang lahat. He broke your heart, and now you broke yourself, You've lost your virginity at doon pa sa lalaking isang gabi mo palang nakikilala." Shit! I'm so stupid, ang tanga tanga mo talaga Jillian." sermon niya sa sarili. Magdamag siyang nagkulong sa kwarto, nag iisip at hindi maipahinga ang pagod na katawan at isipan. Halos maghapon na siyang hindi lumalabas ni ang kumain ay hindi niya magawa. Hindi siya makapaniwalang sa isang iglap ay basta nalang nawala sa kanya ang pinaka iingat ingatang bagay sa mahabang panahon. Pilit niyang iwinawaksi sa isipan ang mga nangyari at nagdadasal sa sanay isang panaginip lamang ang lahat, ngunit habang tumatagal lalo lamang siyang nagigising sa realidad sa tuwing kusang pumapasok sa isipan niya ang larawan ng lalaking nakita niya sa kanyang tabi. Halos buong araw na siyang nakahiga sa kanyang kama, ramdam niya ang pagod mentally and physically, pero hindi niya magawang ipikit ang kanyang mga mata, dahil sa tuwing ginagawa niya itoy tanging ang mukha lang ng lalaki ang tanging nakikita niya at naiinis siya sa ganoong isipin. She can even remember how he claimed her and how he gave her too much satisfaction and pleasures in his arms. "No! No! No! please get out in my mind!" " Parang awa mona, umalis kana sa isip ko"... naiinis niyang saway sa sarili (Lhexis Point of View) After a few seconds as Jillian left, ay siya namang pag mulat ng mga mata ni Lhexis. Mahimbing pa sana itong matutulog ngunit naalimpungatan ito ng hindi na maramdaman ang kanyang katabi, dali dali itong bumangon at nagbakasaling nasa paligid lamang ito. Hubad man, ay nagmadali itong libutin ang buong silid ngunit bigo itong makita ang babae. Maya maya pay naisip nitong buksan ang laptop upang i review ang kuha ng cctv sa kanyang unit at doon niya napagtantong tuluyan nanga itong naka alis. "Damn it! f**k!" wala sa sariling napamura siya sa sobrang inis dahil hindi manlang niya ito namalayang umalis sa kanyang tabi. " s**t! that woman, she just left me ng ganon ganon nalang..." Hindi niya maipaliwanag ang sobrang inis na nararamdaman sa ginawa ng babae. He's been with another woman before pero ni minsan hindi pa siya iniiwan ng kahit sino at sa lahat ng babaeng nakaniig niya ito lamang din ang dinala niya mismo sa private place niya. He hates when someone envades his privacy at yaw na ayaw din niyang binabalikan ang sino mang babaeng tapos niya ng makuha. He's always after for s*x and satisfaction of his lust and not for serious relationship. Never in his whole life na pinangarap niyang mag seryoso o matali sa kahit kanino mang babae at his age. For him, it will just make his life complicated. Not until this woman ruins his ego at mukhang apektado talaga siya sa ginawa nito sa kanya. Dati rati siya ang nag iiwan pero ngayon mukhang pakiramdam niyay sya ang naiwan at naisahan. *********** Makaraan ang tatlong araw na sick leave ay naisipan narin ni Jillian na pumasok sa trabaho. Gustuhin man niyang manatili pa sa kanyang apartment para makapag pahinga at makabawi ng lakas ay hindi rin naman niya magawa dahil talagang hindi mawala wala sa isip niya ang mga nangyari ng mga nagdaang araw. Kaya naman, nagdesisyon na lamang siyang magbalik sa trabaho at isubsub ang sarili pagtatrabaho baka sakaling makalimutan niya ang sinapit kaysa magkulong sa kwarto at paulit ulit na maalala ang lahat ng katangahang nagdala sa kanya sa sariling kapahamakan. " Good morning sir." bungad niya sa kanyang boss " Miss Castillo, thank God your already here, come in..." ngumiti ng malapad si Steven ng makita siya nito. " Ok naba ang pakiramdam mo?" nag aalala nitong tanong sabay dampi ng mga kamay nito sa kanyang leeg. " Ok na po ako sir." matipid kong sagot " Mabuti naman kung ganon, sorry to say this, but we have to rush to meet our deadlines for the presentations, kaya mo naba?" tanong nitong may halong pag aalala. " Yes sir, walang problema ako pa " sagot ko ng may kumpiyansa. " That's my girl, thank you talaga Jillian ha, maaasahan talaga kita." tinapik niya sa aking balikat. Nabigla ako at natulala sa ginawa niya, He calls me on my first name at tinapik pa niya ako sa balikat. Sobrang saya ang lumukob sa akin sa simpleng ngiti nito at pagtawag sa akin ng " My Girl" para akong idinuyan sa langit. " Miss Castillo, are you still with me?" Kumunot ang noo nito at nagtatakang tinitigan ako. Hindi ko manlang namalayang kanina pa pala itong nakikipag usap sakin at nagbibigay ng mga instructions pero hindi ko manlang narinig at napansin. He repeat what he said, at agad naman akong tumalima sa kanya. Buong araw kaming naging busy, kaya hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong isingit pa ang mga alalahaning nagpapagulo lang ng utak ko. I like the way it goes, ito naman talaga ang gusto ko, ang makalimot. Noong mga nakaraan, ramdam ko ang sobrang pagod sa trabaho kapag nag oovertime kami ni sir Steven pero ngayon para akong ginaganahan sa ginagawa, parang lahat ng oras ko gusto kung sulitin sa pagta trabaho. And like what I want, natapos ko ang maraming gawain at lumipas ang oras ng hindi ko namamalayan. Nang maayos kona ang aking table ay agad akong tumayo at inipit na sa mga folders ang kopyang hinihingi ni sir Steven sakin. Napahinto ako ng madatnan ko itong hilot hilot ang sariling ulo nito. Hindi ko malaman kung tutuloy ba ako sa paglapit rito o hihintayin ko nalamang itong kusang lumingon. Habang nakatayo ako sa likuran nito, ini imagine ko ang sariling gumagawa noon para sa kanya. How is wish, one day I could touch him with my bare hands ng hindi na humihingi ng kanyang permiso. Naiwan sa kawalan ang isip ko at naglakbay na naman ito sa lugar kung saan malaya ko itong mapag papantasyahan. " Miss Castillo, are you ok?" nakalapit na pala ito sakin ni hindi ko manlang napansin. " Ok kalang ba, kanina pa kita napapansing tulala ah,? " nag aalala nitong sabi. " Yes sir, pasensya na po ayaw ko lang kasi kayong maistorbo, mukha kasing hindi maganda ang pakiramdam niyo?" pagdadahilan ko. " Yeah, this damn head ache, masyado akong na frustrate sa dami ng trabaho natin." Hinilot nito ang kanyang noo . Ramdam ko sa expression ng mukha nito na hindi nito matiis ang nararamdaman kaya nilapitan ko ito at nilapag sa mesa ang mga dala dala kong mga papeles. "Sir kung ok lang po sa inyo, marunong po akong manghilot at magmasahe ng kaunti baka gusto niyo lang po." sabi ko " Ok lang ba?" ngumiti ito sakin ng matamis . Agad akong lumapit at dahan dahang nilapat ang aking mga kamay sa kanyang noo. " Wow, your hands really makes me feel better, thank you Jillian." Halos pabulong nitong sabi My heart almost jumped after he said those words, l was stunned for awhile. It really sounds special when his calling me on my first name lalo na kapag pinupuri ako nito. Parang nanuuot sa kalamanan ko ang bawat salitang binibitawan nito akin. His voice really sounds good in my ears. Lakas talaga maka tameme. " Right here," halos nanigas ang buong katawan ko ng hawakan nito ang aking mga kamay at guide ito sa parteng gusto nitong hilutin ko. Ramdam ko ang ilang bultahe ng kuryenteng dumaloy bigla sa aking buong katawan. " Alam mo maswerteng mapapangasawa mo." Nagpakawala ito ng malalim na buntong hinga at maya maya pay pumikit na ang mga mata nito.Malaya ko itong tinitigan habang natutulog. " Ang gwapo talaga ng prince charming ko, sana akin kanalang ...Promise hindi ako magsasawang alagaan ka." mahina kong sabi Umalis na ako sa tabi nito mahirap nat baka makalimot pa ako sa sarili at makagawa pa ako ng mapangahas na hakbang. Hindi ko kayang titigan ng matagal ang maganda nitong mukha at mga labing laging humahatak sakin na para bang gusto akong humalik sa mga ito. Pagkatapos kung linisin ang table nito ay nagpahinga ako sa isang couch malapit sa table nito. Malaya ko nanaman itong napagmasdan hanggang unti unti konang naipikit ang aking mga mata ng hindi ko namalalayan. Stevens Point View Nagising ako matapos ang ilang minutong pagkakaidlip at agad bumungad sakin ang maamong mukha ng isang babaeng mahimbing na natutulog sa couch malapit sa tabke ko. Wala sa sariling napangiti ako habang tinitigan ko ito. Nilapitan ko ito at dahan dahang hinawi ang mga mumunting hibla ng buhok na tumatakip sa mukha nito. Gusto ko pa sana itong titigan ng matagal ngunit nabigo ako ng dahan dahan itong gumalaw at nagmulat ng mga mata. " S---sir ! pasensya na po naka tulog po ako dito." nabigla ito at dali daling umayos ng upo. " Nonono, its ok?" sarap mo ngang tignan habang natutulog eh." " Po?" " I mean ang sarap ng kumain gutom na ko, tara, lets have dinner."mabuti nalang madali akong nakahanap ng sasabihin " Ah-- eh wag na po sir kayo nalang po sa bahay nalang ako". nahihiya pa nitong sabi. " Ok then lets have dinner in your house" nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko "Naku sir, hindi po pwede, hindi papo ako nag gro grocery eh." pagdadahilan nito. " Yun naman pala eh, then lets have dinner together, lets go." Sinubukan pa sana nitong tumanggi pero hindi ko ito hinayaan ,kaya wala narin itong nagawa kundi paunlakan ako. Nang makalabas kami ng building ay agad kaming nagtungo sa pinakamalapit na restaurant. At gaya ng dati ako ang nag order para samin dahil kahit di nito sabihin, ramdam kong nahihiya ito saken. " Hmmmp, lets eat gutom na talaga ako" I smile at her. tumalima naman ito at agad ng salin ng kaunting pagkain sa kanyang plato. " Yan lang ang kakainin mo," kumunot ang noo ko. " Hindi po, mamaya kukuha ulit ako" sabi pa nito. " Jillian, were not at the office anymore, theres no need for you to be that formal, kaya pwede ba Steven nalang?" " Pero sir kasi----" " Don't you like to make friends with me?" " Gusto po kaya lang---" "Then do what I say." " Ok sir" " Again?" " Opo." " No I want just my name, say it again" " S---Steven.." ngumiti ako dito at umiling. ” Its ok, masasanay karing tawagin ako ng ganyan, anyway we can have more dinners to have." Kita ko ang pagkabigla sa mukha nito kaya mas lalo akong na amazed at natuwa sa expression nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD