Chapter 32 Sa lahat ng pagkakataong nakasama ko siya iyon na yata ang masasabi kong pinaka masayang bonding namin. Noong mga nakaraan parang medyo ilang pa ako sa kanya pero ngayon, masasabi kong talagang naenjoy ko ang presence nito. Tuloy pareho naming hindi namalayan ang pagpatak ng oras. And worse, inabot pa kami ng pagsasara ng bar. Kahit papaano nawala sa isip ko yong bigat ng problemang dinadala ko. Ang saya nitong kasama, at ewan koba nagagawa nitong mapangiti ako. Sa kanya malaya akong ilabas ang topak ko. Pakiramdam ko biglang gumaan ang lahat. Sayang ngalang at uuwi na kami. " Malalim na ang gabi,este mag uumaga na pala. Hahaha akalain mo inabot na tayo ng umaga dito sa labas.." sabi ko rito ng makalabas na kami ng bar " Oo nga eh, and its my first time to be with a girl hang

