Chapter 34 Maagang nagising si Jillian kaya naman nagluto na agad siya ng almusal. Nang silipin niya si Hazel sa kwarto nito ay mahimbing parin itong natutulog kaya nag leave nalang sya ng note dito na nagsasaad ng pasasalamat at pagpapaalam sa maaga niyang pag alis sa bahay nito. Gusto niyang makapaghanda para sa muling pagpasok sa opisina kinabukasan kaya naman umuwi na sya ng maaga. Pagdating niya ng bahay ay agad siyang naligo at nag check ng kanyang emails. Kailangan niyang siguraduhin na walang makakaligtaang paperworks na hindi niya natatapos. Kahit paman ilang araw syang hindi pumapasok ay sinisiguro naman niyang hindi mahihirapan si Steven. Palagi syang nag uupdate dito through email. " Hay, back to work na ako bukas." napahinga sya ng malalim. "Kumusta na kaya yong taong iyon?

