Chapter 37 Nasa malalim akong pag iisip. Nagtatalo ang puso at utak. Hindi ko alam kung anong gagawin, anong sasabihin. Tama bang sa akin manggaling ang katotohanan o hihintayin kung magkusa siyang sabihin sa akin ang totoo. Gusto kung sa kanya mismo manggaling ang tungkol sa totoong estado ng puso niya. Gusto ko syang bigyan ng pagkakataong sabihin sa akin ang tungkol sa andrea na yon. Hindi ako ang dapat magpaliwag kundi sya. Kahit masakit tatanggapin ko naman basta magpakatotoo lang siya sakin. ( Jillian ) Pagkatapos ng tagpong iyon ay nagdecide na si Lhexis na iuwi nalamang si Jillian at ihatid ito sa kanyang bahay. Habang binabagtas nila ang daan pauwi di maiwasan ni Lhexis ang mapanakaw ng tingin sa dalaga. Halos kalahating oras na niya itong kasama sa loob ng sasakyan ngunit ni ay

