Chapter 34 Invoke List ZIE Bago pa ako makasagot ay kakaibang ingay ang narinig ko mula sa aking likod. Isang ingay na bihira kong marinig sa buong buhay ko kaya nang nilingon ko ito ay halos malaglag ang aking panga sa lupa. Ang lagaslas ng alon ng dagat ang naririnig ko kaya pakiramdam ko ay luluwa ang mga mata ko sa nakita namin. Isang napakalaking alon na parang isang tsunami ang papalapit sa amin. Gusto ko nang tumalikod ngunit hindi ko man lang maigalaw ang mga paa ko dahil sa sobrang gulat. Mariin akong napalunok habang pinagmamasdan ang isang lalaking estudyante nasa ibabaw ng napakalaking alon. Nakangisi itong tumingin sa akin. "Kaming mga Class 1-B ang unang makakarating sa camp site. Lulumpuhin namin kayong mga Class-A! Humanda kayo! Tidecaller Magic: Tidal Wave!" Mabilis

