Chapter 44 Mirrors' Deceit ZIE "Naks, buti pa itong kumpare ko! Palaging gawa na ang assignment! Kailan kaya ako mahahawaan ng kasipagan nito?" natatawang saad sa akin ni Nao habang binabasa at kinokopya ang mga laman ng notebook ko. Ngumiti naman ako bago siya batukan "Sa susunod kasi, huwag ka nang mag-adik adik dyan sa kaka-mobile legends saka kaka-league of legends mo. Lagi ka tuloy puyat, hindi ka tuloy nakakagawa ng mga assignments natin. Sa susunod, hindi na kita pakokopyahin niyan." Ngumisi naman siya habang kinakamot ang ulo niya "Grabe ka naman sa'kin, hayaan mo hindi naman na ako palaging nag lolol at naglalaro ng ml. Binawas-bawasan ko na. Oo na po, sa susunod gagawa na ako ng mga assignments natin." natatawa na lamang niyang sagot sa akin. Tumango na na lamang ako at ngu

