Chapter 16 Chosen One ZIE "A-ang galing mo talaga Zie kahapon! A-alam mo ba 'yung nangyari? H-habang naglalakbay ka sa espirituwal na mundo naglalabas ng isang bluish white at pinkish white na aura! N-ngayon lang ako nakakita ng isang mahika na may dalawang correspondent na kulay!" nauutal at nahihiya ngunit masayang saad ni Grace habang sabay kaming naglalakad sa hallaway papunta sa aming classroom. Tumawa ako ng mahina "Hindi ko rin inaasahan na ganun ang magiging resulta ng paglalakbay ko. Hindi ko rin sinasadya na masira ang karamihan sa gamit ng training room dahil sa paggising ng mahika ko. Baka mamaya may magsimula na akong mag-train ng mahika ko." pa-inosenteng sagot ko habang kinakamot ang aking ulo. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang katawan ko sa nangyari. Malinaw na mal

