Airah POV Napasinghap ako nang bigla-biglang bumukas ang pinto ng opisina ko saka ako napapikit at napatampal sa sarili kong noo. "Reen pwede mo naman sa'kin sabihin kung may client ng hindi pumunta rito at hindi 'yung basta-basta kang papasok ng hindi kumakatok." Narinig ko lang ang mahina nitong tawa. "Hmmp alam mo kasi naeexcite ako, akalain mo naman 'yung sinabi mong client na dapat I-reject ay nag-offer ng mas malaking halaga! Gosh girl ngayon lang ata ako makakahawak ng ganon kalaking pera kung sakali na tatanggapin mo, oo sabihin na natin nakahawak kana ng ganon pero ako shet girl suntok sa buwan na makahawak ako ng limang million!" Muntik na akong mabilaukan sa sinabi nito at agad na napabaling ang tingin ko rito, habang ito naman ay nagniningning ang mga mata at tila excited na

