Third person’s POV Lumapag ang helicopter nila sa airport kung saan nag-iintay naman ang isang van patungo sa pantalan. Pagkarating nila sa pantalan ay kaagad na natanaw ni Inigo ang malaking yate ni Xandro. Nakangiti siyang lumapit sa kaibigan niya habang hawak sa isang kamay si Rylee. “Kaya naman pala iba na ang aura mo ngayon hindi ka na mukhang chick boy!” Salubong sa kanila ni Xandro. Na sinamaan naman ng tingin ni Inigo. Inaalala niya kasing baka maniwala si Rylee sa narinig niya mula sa kaibigan. “Hi, ako nga pala si Xandro.” Pakilala niya sa sarili at inilahad pa ang kanyang kamay dito. “Ako po si Rylee.” Nahihiyang naglahad si Rylee ng kamay. Imbis na abutin yun ni Xandro dahil alam niyang hindi ito nakakakita ay si Inigo na mismo ang humawak noon. At nginisihan lang si Xandro

