Rylee’s POV Mabilis na lumipas ang isang buwan na pagiging mag-asawa namin ni Inigo. At magdadalawang buwan na buntis na rin ako. Naging maalaga siya sa akin bilang isang asawa. Halos dito na rin siya nag-oopisina kaysa ang pumasok sa main office nila. Para akong baby at kulang na lamang ay subuan niya ako ng pagkain para makakain. Hindi naman ako gaanong nahirapan kaya lang sa morning sickness talaga ako nanghihina. Napakaselan ng pang-amoy ko. Yung mga pagkain na paborito ko dati ay ayaw ko ng maamoy. Mabilis din na mag-init ang ulo ko lalo na kapag dikit ng dikit si Inigo sa akin at kung hindi niya nabibili ang gusto ko kagaya noong isang araw nagpabali ako sa kanya ng siopao na hotdog ang palaman. Pero ang inorder niya ay bola-bola kaya nagkulong ako sa kwarto ng ilang oras. Nang hum

