Chapter 18

2324 Words

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses niya. Imposibleng magkamali ako ng hinala. Hindi ko magawang lumingon dahil alam kong si Inigo ang nakahawak ngayon sa braso ako. Anong gagawin ko? “Alam mo bang delikado yang ginagawa mo? Naglalakad ka sa gilid ng kalsada ng mag-isa? Nasaan na ang tiyahin mo? Nasa loob ba? Pwes ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo!” Hindi pa nagpoproseso sa utak ko ang mga nangyayari ay naisakay na niya ako sa kanyang kotse. Malakas niyang sinara ang pinto na ikinagulat ko. Saka ko pa lamang nakita ang mukha niya nang dumaan siya sa harapan ng kotse upang umikot sa kabila. Nagulat ako at nanlaki ang mga ko. Totoo bang siya ang Inigo na nakilala ko? Hindi ko inasahan na ganun pala ang kanyang itsura.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD