Maaga ako nagising kinabukasan. Nagdasal muna ako bago tumayo sa higaan at syempre niligpit ko nadin ang aking higaan. Nagmumog muna ako bago dumirecho sa kusina para mag timpla ng kape at tinapay.
Ng matapos syempre nag workout muna ako ng konti. Sayang naman pagiging sexy ko kung pababayaan ko diba. After kong pagpawisan ay dumirecho nako sa cr.
Suot ko iyong sando na semi croptop na lampas pusod ko tapos pinatungan ko ng long sleeve na kulay maroon tas skinny jeans at rubber shoes.
Ayan nakaligo kana naman arney. Gumanda ka naman ng isang araw. So dapat araw araw akong gaganda para hindi naman ako matalbugan ng kagandahan ng mga pinsan ko. Haha ganon talaga kami ayaw namin natatalbugan kagandahan namin at kasexyhan.
Well alam ko na ang way papunt sa university. Anong silbi ng google map. Hindi ako nag taxi. Jeep jeep lang keri ko naman. Pero dahil goodvibes lang ako at gusto ko stay fresh ang peg ko ayoko ma stress sa traffic kaya dedma lang sa traffic hindi naman ako nagmamadali eh.
At ng marating ko na nga ang CIU ayy grabelicious napaka laki pala ng university na ito.
Pag pasok ko. Ang dami ngang magaganda at pogi. Fashion school ba ito? Halos lahat naka porma eh. Tinignan ko tuloy sarili ko.
Duhhh. Maganda padin ako. Syempre hindi ako papahuli noh. Agad ako nagtanong kay kuya guard tinuronnaman nya sakin kung nasan ang helping desk.
At nag tungo agad ako. Wala na akong sinayang na oras. Naaliw akonsa mga tao dito dahil talagang effort yung outfitan te.
So ayun madalinlang naman pala mag enrol. Dahil scholar ako ni madam CRUISE wala ng mading proseso pa ang pinigawa sakin. At tapos na nga ako, tatalikod na ako ng may bumangga sa aking balikat.
Ano ba? Wag ka ngang tatanga tanga! Tumingen ka sa dinadaanan mo!
Ha? Ate ako ba kausap mo?
Anong ate? Kapatod ba kita? At sino pba kakausapin ko? Eh ikaw lang naman tong tatanga tanga
Aba aba aba! Sigaw ng isip ko
Hoy miss dahan dahan ka ng pananalita mo ha. Dahil hindi ako ang bumangga sayo. Ikaw ang nakabangga sakin. Okay? Kaya ikaw yung tanga!
Mabilis pa kay the flash na nasampal ako mg babae. Nagulat man ako sorry siya dahil hindi ako papatalo.
Nag ala sonic the hedgehog naman ang kamay ko at sinampal ko din siya.
Nagulat ang babae at mga kasama nito. Madami nadin ang mga taong nanunuod sa amin pero hindi ako mag papaapi dahil alam kong nasa tama ako.
What the f**k? Are you crazy? Do you even know me? Oh you're new right? Where the hell you came from?
Sa dami ng tanong nya. I DONT CARE!! yun lang ang malakas kong sagot sakanya. Ayoko na pahabain pa pakikipag talo sa babaeng pilipit ang dila.
Tatalikod na sana ako ng pigilan pa nya ang braso ko.
We're not done yet. I'll make sure to make your life here a living hell. You b**ch!!
Di ko na sya pinansin. Wala tlaga akong paki.
Uuwi nako dahil tapos na amg business ko dito sa university chaka sinira na ng babaeng clown sa kapal ng makeup yung mood ko.
Shane POV
Shane!
Oh sis! What happened to your face?
Some stupid bitc* slapped me. Ang kapal ng mukha ng babaeng yun
What??? Gulat na gulat naman si shane. At sino naman maglalakas loob na kalabanin si tine eh sikat ito at halos iniidolo sila dito sa campus.
I dont know here. Bago lamg siya dito for sure kaya hindi nya ako kilala. Ewan kung san palneta nang galing yung girl n yun. Pero one thing is for sure. She will suffer. I will make her suffer here.
Buti nalang may ilang araw pa bago ang pasukan. Nakuha ko na din ang schedule ko. Wala naamn akong magawa kaya heto nag aadvance reading ako ng mga subjects ko. Kinalimutan ko na yung engkwentro ko dun sa babaeng coloring book yung peslak.
Haha natatawa ako kapag naalala ko yung mga sinabi ng mga pinsan ko sa babaeng yun. Agad agad ko kasing ikinuwento yung pangyayaring yun sa mga magaganda at gago kong pinsan. Ayun nabawasan yung inis ko at nangibabaw yung kalokohan. Subukan nyang galawin ako hindi ako aatras palabarn to ha.
Sophisticated nga sya eh ano maganda at sexy ako tapos. Haha
Hindi ako lumalabas sa loob ng ilang araw kong pananatili dito sa loob ng unit eh pumuputi na ako.Magiging mestisa nako. Sa probinsya kasi namin ang hirap magpaputi kasi tabing dagat kami doon. Chaka iba yung tutuk ng araw dun nakakasunog ng sobra Haha mukang effective yung kojic at rejuvenating set na inutang ko kay chel.
Nagluluto ako ng pagkain tas yung tira ilalagay ko sa ref. Iinitin ko nalang. Kapag nagsawa nako dahil hindi koaubus ubus ang niluluto ko. Nagluluto ako ng bago tas itatambak ko ule sa ref. Iinitin ko yung g**g sa maubus. Ganon ako kapractical hindi uso sakin ang luho at arte sa pagkain. Buti nalang hindi pa nauubos yung mga chocolates ko dito. Kaya hayahay ang life.
Nasa kondisyon ang katawan at isip ko kaya for sure bukas sa firstday ng pasukan ay sure na goodvibes ang dala.
Kinaumagahan nga, after ngvmorning routine ko gumayak nako papasok sa eskwelahan na papasukan ko. Firstday of school namin ngayon, medyo mahaba pa naman ang oras ko kaya tinawagan ko muna mga pinsan kong magaganda para ipaalam saknila ang mga ganap sa buhay ko hahaha
Lumabas nako ng condo. Nagbabakasali na makita ko si Mark pero nakalabas nako ng building ni anino nya hindi ko namataan.
Dalawang sakay lang ng jeep ay narating ko na ang eskwelahan. Ako lang ata nag jejeep dito ah. Masyadong mahaba pa kasi lalakarin papasik sa loob ng university. Okay lang pagpawisan ako basta maganda at sexy padin ako.
Natagpuan ko ang room ko dahil sa pagtatanong tanong. Yung iba masyadong snob kala mo magaganda. Duhhhhh damit lang naman maganda saknila bukod dun wala na.
Paki ko sakanila ayoko ma stress kaya dedma lang.
Pagpasok ko sa room naupo agad ako sa dulo dahil maaga pa naman hinawakan ko ang libro ko at nagsimula ng magbasa.
Nagsimula ng umupo ang mga classmate ko indikasyon na paparating na ang prof namin umayos lang ako ng upo at iniligpit ang librong hawak ko hindi ko na tinignan ang mga classmate ko wala akong paki saknila hindi ko sila feel puro pasosyalan lang naman ang usapan nila.
Natapos ang klase ko ng dalawang subject. Its lunch time na. May baon naman ako kasi nag luto ako bago umalis sa bahay. Chaka sanay ang mag baon ng pagkain.
Nagtungo ako sa canteen. Ay shala mga teh yung canteen ala foodcourt tapos may mga caffeé coffeeshop ganern. Nakakita ako ng bakanteng lamesa mukang maganda yung pwesto kase mejo dulo, inilabas ko na ang aking baonan pagkaupong pagkaupo ko palang. Eh ano kung may baon ako wala akong paki sa paligid ko. Naamoy ko kaagad yung adobong may itlog na luto ko nagutom akong lalo. Susubo na sana ako ng
Hey, stupid ! Dahil nakayuko ako dedma lang hindi naman ako sure kung ako talaga yun. Ng may tumamang kung ano sa ulo ko napalingon ako at tumambad sakin ang apat na babae.
Nagkagulan pa kami nung babaeng nakaengkwentro ko sa registrar nung nkaraan.
Ikaw??? Sabay sabay naming tatlo na mukang gulat na gulat.
Oo tatlo. Dahil andito si shane yung nililigawan ni vince. Kasama itong babaeng coloring book ang peslak
Magkakilala kayo?? Magkapanabay pang tanong ni christine at shane.
Aya yung babaeng kinuwento ko sayo! Sabay ulit nilang sabi
Nanlalaki ang mga mata nila na tumingen sakin. At tinignan nila ang pagkain ko.
Hampaslupa!! Sabi ni christine.
Tinignan ko lang sya. At itinuloy ang pagsubo ko ng maramdaman ko ang malamig na tubig sa ulo ko
Shocks! Binuhos sakin ni shane yung hawak niyang mineral water. Umilaw agad ang angry button sa utak ko at agad akong tumayo humarap sakanya at ibinuga ko saknya ang pagkain na isinubo ko.
Gasp. Nag hiyawan sa paligid.
Whooooooooaaaaa
Natigilan naman si shane at tila diring diri haha nag toothbrush ako tatlong beses noh arte nito.
Agad naman hinila ni christine ang buhok ko. Somosobra kana! Wala kang manners bakit ba nandito ka sa CIU? MUKA KA NAMANG PULUBI. BABAENG WALANG DELEKADESA. HINDI KA NABABAGAY DITO.
At syempre gumanti ako noh. Kayo nagsimula tingen mo magpapa api ako. Di mo naman pag aari ito. Tumulong nadin yung dalawa pang babaeng kasama nila.
Kahit mag isa lang ako at tatlo pa silang nag tutulong tulong hindi ako papatalo. Natitigilan padin si shane aa sulok
What is happening here?? Malakas na boses na nagpatigol samin.
This crazy b***h. Turo nilang lahat sakin. Pag angat ko ng tingen sila vince. Agad agad itong nag tungo kay shane at pinunasan ang muka nito.
Binugahan nya ako ng pagkain sa mukha. Nakakadiri! Napaka walang manners. Tumingen naman sakin si vince tila namukhaan naman ako nito.
You! What are you doing here?
Obvious ba? Sabi ko naka i.d ako ibig sabihin estudyante ako dito. Madiin din na sabi ko
Why did you do that? Tukoy nito sa muka ni shane.
Sila na kaya? Bakit parang ang sweet at alagang alaga siya ni vince?
Tahimik akong kumakain dito nang buhusan nya ako ng tubig sa ulo ano sa tingen mo gagawin ko? Magpapasalamat?? Sarkastiko kong sabi
It's because that our place. Turo nito sa lamesa na inupuan ko.
Bakit? May pangalan ba? Asan ang shane jan?? Painosente kong tanong.
You bit**! Umalis kana nga lang umiikot ang matang sabi ni tine
Okay. Sabi ko para matapos nato. Syempre binalikan ko yung pagkain ko. Tinakpan kong maigi at ibinalik sa lalagyanan saka ko isinilid muli sa bag ko. Tumalikod nako walang lingon likod.
Hindi ko na narinig pa ang mga sinasabi nila naiirita lang ako. Kung maari ayoko ng g**o gusto ko makapag aral ng matiwasay. Naghanap ako ng pwede ko g pagkainan tutal may oras pako. Paikot ikot ako dito sa malawak na campus pero naisipan kong sa park nalang kumain.
May iilan ilan lang naman na nakaupo sa mga bench doon.
Agad agad akong umupo sa bench na bakante. Nilabas ko kagad ang baonan ko at nagsimula agad kumain. Wala talaga akong paki sa paligid ko kaya kain lang ako ng kain. Masyadong inubos ng mga baabeng yun ang lakad ko. Nasayang pa yung oras ko sa pakikipag away sakanila. Ni hindi ko na nga inayos yung buhok kong g**o g**o dahil ssa pagkakasabunot ng christine na yun! Pang anghel ang pangalan pero asal dimonyo! Pistiiii.
Lingid sa kaalaman nya ay may lihim na nagmamasid sakanya.