[Bryan Marasigan]
"Take a seat." I mentioned Akina to sit in front of my desk.
Inilapag ko ang mga dala kong textbooks sa ibabaw ng desk ko at saka umupo sa swivel chair. Tahimik lang si Akina nang umupo siya sa harap ko, nakataas pa ang mga kilay na parang mangangagat. Akala niya siguro ay pinapunta ko siya rito para pagalitan.
Rinig na rinig ko kanina na ako ang pinag-uusapan nilang magkakaibigan pero hindi naman big deal 'yon sa akin. Hindi ako pumapatol sa mga bata.
"Anyway, I have something to tell you. But before that, can you please…stop glaring at me? You're looking at me like I did something wrong to you."
"Wala nga ba?" balik niya sabay halukipkip. Kulang na lang ay may laser na lumabas mula sa mga mata niya.
Imbes na mainis ay napailing na lang ako sa inasta niya. Hindi na bago sa akin ang maka-encounter ng mga estudyanteng katulad niya kaya hindi na ako apektado. Iniisip ko rin na anak siya ni Sir Juancho, na naging professor ko noong college.
I squinted my eyes a little before putting my elbows over the table, clasping my fingers. "May I ask you?"
"What?" Her brows arched again.
"What did I do to you? Hindi ka dapat ganyan makipag-usap sa professor mo."
"How should I treat you? Do you want me to treat you like my dad?" She surveyed my half-body with judgment.
"Bata pa ako para tawaging 'dad' ng katulad mo, Miss Archangel."
"You're old."
I let out an amused laugh. "I'm just 30 years old. Naniwala ka naman sa sinabi ko sa 'yo na 'I'm half your age'."
She scoffed. "Nakikipagbiruan ba ako sa 'yo? Pinapunta mo ba ako rito para biruin? Well, guess what? Hindi ako natutuwa sa presence mo. Kahit nga makita ka ayoko, eh."
"I'm giving you my last warning, Miss Archangel. Treat me as your professor or else—"
"Or else what?" She leaned over the table, arching her brows to me. "Are you threatening me? Gusto mong isumbong kita kay Dad?"
"My friendship with your dad doesn't change the fact that you're my student and I am your Theater Professor. Huwag mong isipin na papaboran kita porque anak ka ng kaibigan ko."
Natahimik siya at padaskol na sumandig sa upuan, magkadikit nang mariin ang mga labi. I had to bite my bottom lip to stifle my laugh. Baka mas lalo lang siyang mainis sa akin kapag tumawa ako. She really looked like someone I know when she's upset.
"Anyway, since nandito ka na…I want to ask you about last night at your party." Naging seryoso ang boses ko nang sabihin ko 'yon at mukhang nakuha ko ang interes niya dahil napaayos siya ng upo at umawang nang kaunti ang bibig.
"W-What happened last night?" she asked.
"You can't remember?" My forehead creased when I saw her reaction. Bakit parang wala siyang maalala sa mga nangyari kagabi?
Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako. "You became strange pagkatapos mong muntikan na matumba kagabi. Iyon ang dahilan kung bakit gusto kitang makausap ngayon. You told me to stay away from you, takot na takot ka."
Kumunot ang noo niya. "But I don't remember na sinabi ko 'yan sa 'yo!"
Sasagot sana ako pero naramdaman ko ang matinding kirot sa bandang dibdib ko. Hindi ito ang unang beses na naramdaman ko ito. It started last night…when I met Akina for the first time.
"Oh, are you okay?!" Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ko at nahawakan ko si Akina nang muntik na siyang matumba.
I was dancing with her and she asked about my connection to her father and then she acted weirdly out of the sudden.
"B-Bryan…" she muttered as her eyes started to water. Para nag-iba ang katauhan niya. Sa isang iglap ay may nakita akong emosyon sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag.
Bumuka ang bibig ko para magsalita pero nag-announce na ang emcee ng pangalan na kasunod niyang isasayaw. Maingat ko siyang binitawan at ngumiti bago ako naglakad pabalik sa pwesto ko kanina.
Habang pabalik, naramdaman ko ang p*******t ng dibdib ko na para bang may bumaon doon. Nawala rin kaagad 'yon kaya hindi ko na lang pinansin.
"Is she okay?" tanong ni Sir Juancho, ang daddy ni Akina. Nakita niya siguro 'yong nangyari kanina.
"She's okay. Nadulas lang," pagsisinungaling ko. Tumingin ako pabalik kay Akina at parang wala na siya sa sarili ngayon habang nakikipagsayaw sa isang lalake.
"Hey, thank you for coming to my daughter's party." Sir Juancho tapped my shoulder. He was holding a glass of champagne. "Alam mo naman na matagal kang nag-stay sa US after your graduation kaya gusto ko ring ipakilala sa 'yo ang anak ko."
"No problem, Sir." I smiled at him.
Si Sir Juancho ang tumulong sa akin noon na makapag-aral ng college. Nalaman niya kasi na ulila na ako noon at nakita niya na masipag akong mag-aral. Kung hindi dahil sa kaniya ay baka wala ako ngayon sa posisyon ko.
"Oh, by the way. Have you seen my wife? Do you still remember Akira? It's been ten years since the both of you saw each other."
I was stunned for a moment when I heard her name. Akira…Sir Juancho's wife and mother of the woman I danced with a few minutes ago.
Natawa ako sa sarili ko. Ginusto ko na pumunta rito para kay Sir Juancho at alam ko rin na makikita ko siya pero kabado pa rin ako.
Come on, man. It's been ten years.
"Oh, there she is! Akira, come here!"
Napalingon ako sa likod ko at nakita ko siya na naglalakad palapit sa direksyon namin. Dahan-dahan akong napangiti nang magtama ang mga mata naming dalawa. Katulad ko ay napangiti rin siya nang makita ako.
She looked elegant while wearing a black, fitted dress. Her wavy hair made her look younger than her age. She was holding a glass of champagne.
"Hi, Bryan." She let out a sweet smile when she stopped in front of me. Sir Juancho stood beside her, wrapping his arms around her waist. Akira seemed uncomfortable but her smile didn't fade.
"You know what? Nagpagawa ako ng art gallery sa mansion para doon ilagay ang mga paintings na ginawa niya. She hasn't changed at all. Mahilig pa rin siyang maglabas ng emotion through art."
"It's nice to hear," I told her. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Passionate pa rin siya sa mga bagay na gusto niya.
"You can come to our house to check her gallery," Sir Juancho invited but I immediately shook my head.
It's not a good idea.
"I-I don't know. Alam mo naman na magiging busy na ako starting tomorrow dahil natanggap ako sa university bilang Theater Professor."
"I'm sure you'll find a way," Sir Juancho insisted. "Oh, maiwan ko muna kayo rito. I had to check my friend out there." He let go of Akira's waist and he tapped my shoulder before he left.
"You look different," Akira said, staring at my eyes intently. "But in a good way."
"Thank you. Marami nang ring nagbago."
"Nasa sa 'yo pa rin ba 'yong painting?"
"Of course I kept it. It was from a friend so…" I shrugged my shoulder. "Thank you for giving me a piece of your works."
Hindi siya sumagot at nanatiling tumitig sa mga mata ko. Marami akong nakitang emosyon sa mga mata niya at alam ko ang ibig sabihin ng mga 'yon. Umiwas ako ng tingin at pumeke ng ubo.
"I'm happy to see you again, Akira—"
"I want to hug you but I'm scared," she cut off. "I'm afraid everything would be in mess. I think we should never meet again, Bryan."
Ngumiti ako at dahan-dahang tumango. "Siguro nga dapat hindi na tayo nagkita ulit…Akira…"
She looked down, avoiding my gaze. The glass of champagne she was holding was shaking a bit.
"Akira…"
"Mukhang madadagdagan ng collection ang art gallery ko simula ngayong gabi…"
My lips parted. I know her very well. Kapag nagpi-paint siya ay dalawa lang ang dahilan: masaya siya…o malungkot. The painting she gave to me ten years ago was full of colors…she was happy.
"Nalulungkot ako…ngayong nakita kita ulit. You reminded me of the past that I've been trying to forget all this time. Pero masaya rin ako na okay ka na ngayon…"
The next thing I knew, Akira was already out of my sight. I tried roaming my eyes around but she's gone already. I took a deep breath and let out a small smile.
The party went well and I decided to go home but Sir Juancho wanted me to attend the after-party. Hindi ako masyadong uminom dahil may pasok pa ako bukas. Pinakilala ako ni Sir Juancho sa mga kaibigan at business partners niya at hindi ko na ulit nakita si Akira—pero sa halip ay si Akina ang nakita ko.
"I was looking for you," she said the moment she saw me in the pool area.
She was wearing a gold dress with crystals all over it. Her hair was in half-ponytail with flower hair ornaments on it. She really looked like her mom.
Dahil natulala ako sa kaniya ay hindi ko namalayan na dinala niya na pala ako sa gilid, sa may smoking area. Walang tao roon at kaming dalawa lang pero rinig na rinig ang malakas na tugtugan sa may pool area.
"Wait, are you drunk?" tanong ko. Bukod sa amoy alak siya ay sumusuray ang tayo niya at namumula ang mga mata.
Nagulat ako nang hawakan niya ang sleeve ng suot kong coat at tumingala siya sa akin. Inaantok ang mga mata niya pero kitang-kita roon ang matinding lungkot at pangungulila. Parang hindi na siya ang Akina na nakilala ko kanina.
"It seems like a mistake to meet you again…but can I hug you?" she uttered drunkly. "S-Sobra kitang na-miss…alam mo ba 'yon?"
"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko. "Nagkakamali ka yata. Hindi pa tayo nagkikita at mukhang ibang lalake ang tinutukoy mo—"
I stopped talking when she suddenly buried her face on my chest, sobbing loudly. Her grip on my sleeve tightened.
Napatingin ako sa paligid, kabado na baka may makakita sa amin. Baka akalain ng iba na nagti-take advantage ako sa kaniya.
"Akina—" Again, I was stopped from talking when she suddenly cupped my face. Sa gulat ko ay namalayan ko na lang na magkadikit na ang mga labi namin.
It was mere touching of our lips but I felt my chest throbbing so hard.
Siya ang kusang kumalas at wala akong ibang nagawa kundi tingnan siya habang nanlalaki ang mga mata ko.
"You should stay away from me," she whispered.
"W-What do you mean?" I asked her with my brows furrowed. "Alam mo, mabuti pa ihahatid na kita sa daddy mo. Lasing na lasing ka na—"
"You should stay away from me or else mamamatay ka!"
That moment, I felt shivers down my spine.