[Akina Dein Archangel] "May relasyon po ba kayo ni Sir Bryan, Ma'am Akina?" Cecil asked me while I was cursing Sir Bryan in my mind. Kanina pa siya nakaalis pero inis na inis pa rin ako sa kaniya. Hindi ko tuloy makausap nang maayos si Mom. "Are you really asking me that? He's my professor kaya!" I couldn't help but yell at her. Inis na inis pa rin kasi ako! "Alam ko po," mahinhin na sagot niya. "Pero parang may nararamdaman ka po sa kaniya. Nakita ko 'yon habang kausap mo siya. Hindi rin po kaya ang unang nagyayaya sa isang lalake maliban kay Sir Miggy. At ngayong tinanggihan niya ang alok mo, sobrang apektado ka." "But it doesn't mean na gusto ko siya! My God, Cecil! Gusto mo bang mawalan siya ng license?" "Bakit naman po siya mawawalan ng lisensya? Dahil prof n'yo siya at estudyan

