Chapter 28 Dalawang araw pang muli ang lumipas. Hindi na nakakain at nakakatulog nang maayos si Matilda. Kapag sinusubukan niya kasing matulog ay tila binabangungot siya. Nakikita niya sa panaginip niya si Zero na duguan at wala nang buhay. Nagigising siya sa madaling araw na umiiyak at nanginginig sa takot. Para kasing totoo ang mga panaginip na 'yon. Parang nandoon siya mismo sa lugar kung nasaan si Zero. Madilim sa lugar at pilit niya ‘yong tinakasan, pero kahit ano pang pagtakbo ang gawin niya, hindi siya nakakalapit sa kung nasaan man si Zero. Ayaw na niyang managinip pa ng gano'n kaya hindi na siya nakakatulog. Gusto niyang hanapin ang nobyo, pero saan naman ba siya magsisimula? Ni hindi niya nga alam kung saan ba nagpunta ang mga ito? Ipinagdarasal ni Matilda na sana ay panagini

