Special Chapter 1 Nag-aayos si Matilda ng lamesa. Halos limang taon na ang nakalipas pero parang kahapon lang ang lahat ng nangyari sa kanya. Simula noon, tuluyan na siyang namuhay nang tahimik sa hacienda ni Zero. Marami siyang naging pagsisisi, pero hindi naman na niya maibabalik pa ang nakaraan. Ang magagawa na lamang niya ay matuto sa mga naging karanasan at mga napiling maling desisyon noon. "Mama, si Mac-mac hindi na naman ako pinapahiram no'ng laruan niya. Hinampas pa sa akin," sumbong pa ni Macoy. "Anak, maliit pa 'yang si Mac-mac. Hayaan mo na. Paglaki mo, turuan mo siya, ha?" paliwanag din naman ni Matilda sa panganay niya. Si Mario Coby o Macoy kung tawagin ang panganay na anak nila Matilda at Zero. Si Marco o Mac-mac naman ang bunso nila. Yes, she had another child with Ze

