Chapter 34 Hindi naniwala si Matilda sa narinig at nakita niya sa balita. Nagtungo siya sa presinto at kinumpirma mismo kay Alfonso ang katotohanan. "I'm sorry, Matilda. That was really Zero's. They escaped using that chopper. Ginamit nila 'yon matapos nilang pasabugin ang headquarters ng mga kalaban nila na Black Snake gang. Condolence, Matilda," tugon ni Alfonso sa kanya. "Hindi ba kayo ang nagpasabog ng helicopter nila? Malamang nabunutan na kayo ng tinik sa dibdib ngayong patay na ang kriminal na gustung-gusto niyong mahuli," bingang ni Matilda. "Matilda, hindi gano'n. I wanted to capture Zero alive. Hindi ko gustong patayin siya, alam mo 'yan. I tried so hard, I gave him a lot of chance to turn himself in," paglinaw rin naman ni Alfonso sa kanya. "Tapos naman na, wala na siya. Yo

