Chapter 31 Wala nang nagawa pa si Zero kundi sumunod na lang sa sinabi ni Matilda. Nang balikan nila si Alfonso ay namumutla na ito. Maraming dugo na ang umagos sa kamay nito. Akmang lalapit si Matilda kay Alfonso para umalalay, ngunit inunahan na siya ni Zero bago pa man maka-akbay si Alfonso sa nobya. Dumaan sila sa hagdanan sa gilid mismo ng gusali. Hirap pa ngang bumaba sina Alfonso at Zero dahil makipot ang daanan. Isinakay ni Zero si Alfonso sa likod ng kotse niya. Laking gulat niya nang doon din sa likod sumakay si Matilda. Nakita pa niyang inaalalayan nito si Alfonso para mapigilan ang pag-agos ng dugo nito. Napakapit na lamang nang mahigpit si Zero sa manibela ng kotse niya. Minadali niya ang pagmaneho para makarating na sila sa ospital. As soon as they get there, they left

