[CHAPTER 37] ◌●◌ BANTAY-SARADO ni Pink ang heartbeat ng mga kapatid nang araw na iyon. Sa ganoong paraan niya lang malalaman kung nasa maayos na kalagayan ang mga ate niya at ang asawa ng mga ito. Walang connection sa loob ng Fortress. Tanging maliit na wavelength lamang ang kayang sagapin ng radar. Patago pa nilang inilagay iyon sa kaila-ilaliman ng bahay sa loob ng Fortress. Bawal iyon, ngunit malaking tulong sa mga kagipitang sitwasyon katulad na lang ngayon. Kasama ni Pink sina Ace, Brent, Diezel, at ang mga bata. Hindi makakapasok ang tatlo sa pagtitipon ng iba't ibang clan sapagkat hindi pa binibigay sa tatlong binata ang simbolo ng pamilya. Kapag nakalabas na ng Fortress, hindi na muling pwedeng pumasok ang walang tattoo sa loob. Ayaw pang bumalik ni Ace at Brent sa sariling a

