Prologue

458 Words
PROLOGUE   Walang nagdaraan sa kalye nang hapong iyon. Nagsasayawan ang puno sa paligid dala ng malakas na hangin. Madilim din ang kalangitan habang walang tigil sa pagbugso ng ulan. Basang-basa na rin ang daan kaya ganoon na lang ang pag-agos ng tubig patungo sa kung saan. Gano'n na lamang ang pagtataka niya nang makita ang dalagang naka-hospital gown. Naglalakad ito sa kawalan at tila walang patutunguhan. Habang patuloy ang pagbuhos ng ulan ay hindi rin siya tumigil sa pagsunod sa dalaga. Inihabilin ito ng kaibigan niya sa kanya. Hindi niya maaaring baliin ang pangakong binitawan niya. Nasa kaliwang bahagi siya ng kalye habang nasa kabila naman ang babae at patuloy sa paglalakad. “Umiiyak ka na naman ba?” hindi niya napigilang isatinig. Basang-basa na siya ngunit hindi niya iyon inalintana. Narito lamang ang atensyon niya. Hindi pinuputol iyon sa takot na mawala ang dalaga sa kanyang paningin. Huminto ito sa paglalakad. Ganoon din ang ginawa niya. Nakayuko ang dalaga. Umupo ito at tinakpan ang mukha ng mga braso. Yumuyugyog ang balikat, patunay na tama ang hinala niyang umiiyak nga ito. Mayamaya pa ay sinuntok ng dalaga ang dibdib. Tila hindi na nito kaya ang nararamdamang sakit sa pagkawala ng mga mahal sa buhay. Hindi niya alam ang pakiramdam nang mawalan ng ama sapagkat wala siyang magandang memorya dito. Pero ang mawalan ng kaibigan... hindi niya alam kung saan ihahalintulad ang sakit na nararamdaman. Tumawid siya sa kabilang bahagi ng kalye upang yayain itong umuwi. Tila nilalamukos ang dibdib niya habang papalapit dito. Dama niya ang sakit sa malakas nitong paghagulhol. “Iniwan mo na talaga ako... iniwan niyo na ako,” paulit-ulit nitong sambit. Nag-angat ng tingin ang dalaga nang makita nito ang pares ng sapatos niya. “Let’s go back to your room,” mahina niyang sambit sa dalaga. “Magkakasakit ka.” “Chaos...” gulat nitong tinawag ang pangalan niya. Ipinikit niya ang mga mata. Matagal niya ng hinihiling na sana’y maalala siya nito. Pero bakit ngayong tinawag nito ang pangalan niya ay tila ba napakasakit? “Chaos, iniwan niya na tayo...” nakangiti ito ngunit dama niya ang matinding sakit na gumuguhit sa mga mata nito.. You acting like this again. Like you didn’t know me... “Chaos, bakit siya pa?” Kung p’wede namang ako? Pagpapatuloy niya sa sinabi nito. “Kailangan ko siya, Chaos.” I need you too. I was here but you’re looking for another man. Nakatingin lamang siya sa dalaga. Hindi na siya nagsalita pa. Kahit ano pang sabihin niya, alam niyang hindi nito tatanggapin iyon. There’s no chance of winning at this kind of game. I love you but I can’t have you...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD