CH: 8

1734 Words

[CHAPTER 8] ◌●◌   HINANAP NI Francine si Diezel sa dagat ng taong walang bukas kung makipagsayawan. Mayroon pang naghahalikan sa kung saan-saan na ikinakibit-balikat niya lang. Napakalakas ng tugtog. Nakakabingi iyon sa taynga. Idagdag pa ang hiyawan ng mga taong nasa iba’t ibang bahagi ng lugar. Patay-sindi pa ang ilaw. Nahirapan tuloy siyang hanapin si Diezel. Inayos niyang muli ang suot na itim na sumbrero ngunit hindi nakatulong iyon upang hindi maalis ang tingin sa kanya ng ibang tao sa loob ng bar. Siya lang yata kase ang babaeng nakasuot ng black overall na tinernuhan ng itim na combat shoes sa loob ng bar. Karamihan kase ng babaeng naroon ay naka-dress o ‘di naman kaya ay damit na halos lumuwa na ang dibdib. Pero para sa kanya, walang mali sa kahit na anong suotin ng isang bab

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD