KINABUKASAN, back to normal ulit ang lahat. Pagkatapos ng Nutrition Month minabuti ni Ashley na kalimutan na lang ang lahat ng nangyari at mga narinig niya. Dumistansya na lang din siya kay Jasper at kung maaari ay ayaw niya itong makita para mabilis siyang makapag move on. Namalagi muna siya sa Shed malapit sa Canteen. Kinuha niya ang salamin sa bag niya at tumingin doon.
“Move on na, okay? Nakakainis ka naman self eh, nagmomove on ka eh hindi naman naging kayo." at napasibangot siya habang nakatingin sa sarili niyang mukha gamit ang salamin. "Bakit kasi nagka-crush ka sa kanya? Ang rupok-rupok mo naman kasi eh. Masyado kang mabilis ma-fall 'yan tulog nasasaktan ka." pagsesermon niya sa sarili niya. "Promise mo sa sarili mo na hindi ka na iiyak dahil sa kanya, okay?” dugtong pa niyang sabi sa sarili habang nakatingin pa rin sa salamin. “Oo, first love mo siya pero hindi na tama ito, Ash. Move on na, hindi ba sabi mo gusto mo ma-enjoy ang High School Life mo? Ito na 'yong chance. Fighting!" dugtong pa niyang sabi.
Napatingin si Ashley sa table niya nang ibaba ni Lexter ang dala niyang pagkain. Napakunot-noo siyang napataas ng tingin at nasilayan niya ang nakangiting mukha ni Lexter.
“Hello, Ashley.” kumaway pa siya kay Ashley. “Kain tayo.” aya niya at saka naupo.
“Anong ginagawa mo?” kasabay ng seryoso niyang tanong ang pagbaba ng hawak niyang salamin at naipatong niya iyon sa lamesa. Inaayos naman ni Lexter ang pagkain saka inabot kay Ashley ang binuksan niyang soda.
“Kain tayo.” nakangiti niyang alok. “Ito oh.” tiningnan lang ni Ashley ang ina-abot ni Lexter na pagkain.
“Classmates, bumalik na pala si Lexter dito. Bukod kay Jasper, mayroon pa tayong isang Campus Asset. Ang saya nito at nandito na ang idol ko.” masayang wika ng isang babae. Napatingin si Ashley sa kabilang Shed at nakita niyang nakatingin ang mga ito kay Lexter. Napataas siya ng kilay at ibinalik niya ang tingin kay Lexter na nakangiti pa rin habang naka-abot ang pagkain sa kanya.
“Oo nga eh. He's back!” kinikilig na sagot naman ng isa. Maingay ang paligid dahil sa mga usapan tungkol kay Lexter. Siya ngayon ang nasa Top News ng Campus.
“Kilala mo na ako, hindi ba?” tanong ni Lexter kay Ashley saka niya kinuha ang kamay ni Ashley at ibinigay ang burger at soda.
“Kain tayo.” ulit niyang aya. Ngumiti naman si Ashley at kinuha ang inabot ni Lexter. Nagsimula ng kumain si Lexter habang si Ashley ay nakatingin pa rin sa kanya. Hawak-hawak niya lang ang bigay nitong pagkain.
“Ikaw si Lexter Lim, tama ba?” mahinang niyang tanong kay Lexter. Napatingin naman si Lexter sa kanya at tumango. Agad namang tumayo si Ashley at seryosong tumingin kay Lexter.
“Huwag mo na akong lalapitan at kakausapin, maliwanag ba?” mataray na utos ni Ashley. Pagtataka naman ang nasa mukha ni Lexter. Tatalikod na sana si Ashley para iwanan si Lexter nang pigilan siya nito.
“Teka lang.” mahinahong sabi ni Lexter sabay hawak sa braso ni Ashley. Napahinto sa paghakbang si Ashley at napatingin sa braso niya na hawak ni Lexter.
“Bitiwan mo ang braso ko.” masungit na utos ni Ashley. Tumayo naman si Lexter at saka niya binitiwan ang braso nito.
“Alam kong hindi naging maganda ang ugnayan nyo ng pinsan kong si Jasper pero sana maging okay tayo.” mahinahon niyang pakiusap kay Ashley. Tumingin naman ng seryoso si Ashley sa kanya.
“Malay ko ba kung anong motibo mo sa paglapit at pagkausap sa'kin.” taas-kilay na wika ni Ashley. Ayaw man niyang magsungit ngunit kailangan niyang gawin iyon upang hindi na madagdagan pa ang problema niya. “At saka, baka masira 'yong pangalan mo dahil sa paglapit at pagkausap mo sa'kin.” explain na sabi ni Ashley. Napakunot naman ang noo ni Lexter at lumapit ng konti kay Ashley.
“Hindi naman mahalaga sa'kin 'yong popularity.” at saka siya ngumiti. “Basta masaya at nasa tama, okay na ko ro'n. Hindi naman siguro masama na lapitan at kausapin ka 'di ba?” seryosong tanong ni Lexter. Hindi nakapagsalita si Ashley at nakatingin lang sa mukha ni Lexter na seryoso ang tingin sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang dapat pa niyang sabihin sa mga oras iyon, agad na lang niyang kinuha ang gamit niya na nakalapag sa upuan at saka umalis. Hindi pa man siya nakakailang hakbang, nasalubong niya sina Jasper at Cathy na magkaholding-hands. Napatingin siya kay Jasper na deretso naman ang tingin at nilagpasan lang siya. Saglit na napahinto si Ashley hanggang sa nagpasya siyang tuluyan ng umalis. Nagdere-deretso sina Jasper at Cathy kay Lexter na nasa Shed.
“Hi Lexter!” masayang bati ni Cathy kay Lexter. Ngumiti naman si Lexter. “Nakabalik ka na pala? Hindi ka man lang nag-inform.” pabirong sabi ni Cathy kay Lexter.
“Parang may bago naman.” nakangising wika ni Lexter kay Cathy. Tumango lang siya kay Jasper na nakatingin sa kanya saka akmang tatalikod nang,
“Dude, mag-usap muna tayo.” request na sabi ni Jasper. Tumingin si Lexter kay Jasper na kasalukuyang kakaupo lang sa upuan ng Shed at nakatingin kay Cathy.
“Babe, mag-usap lang muna kami ng pinsan ko.” paalam ni Jasper kay Cathy. Lumapit naman si Cathy kay Jasper at yumakap sa braso.
“Okay, babe.” sagot ni Cathy sabay kiss sa pisngi. “See you later.” dugtong pa nito at kumaway habang papalayo sa dalawa. Naupo naman si Lexter sa kabilang upuan at nang sila nalang dalawa ang natira sa Shed.
“Thank you!” saad ni Jasper. Napataas ang kilay ni Lexter at seryosong tumingin kay Jasper.
“Para saan?” mariing tanong ni Lexter.
“Dahil kinaibigan mo siya, kahit papaano may makakasama siya at poprotekta sa kanya laban kila Abigael.” sincere na wika ni Jasper kay Lexter. Napangisi naman si Lexter sa mga narinig niyang sinabi nito.
“Dude.” at ngumisi siya ulit. “I-klaro ko lang, ginagawa ko ito dahil gusto ko hindi dahil request mo." pagkatapos sabihin ni Lexter iyon, nagbago ang mukha ni Jasper. “Kung hindi mo siya kayang protektahan sana noong una pa lang hindi mo na siya nilapitan at binigyan ng motibo. Ikaw 'yong dahilan kaya siya nahihirapan ngayon. Kung hindi mo siya tinulungan hindi naman siya pag-iinitan ng sobra nila Abigael.” mas lalong sumeryoso ang mukha ni Jasper sa mga narinig niyang binitawang salita ni Lexter. Tumayo naman si Lexter at nakatingin pa rin kay Jasper. “Sikat ka hindi ba? Sana alam mo 'yan para hindi na umabot lahat sa gan'to.” pagkasabi ni Lexter no'n, tatalikod na sana siya at maglalakad palayo kay Jasper nang,
“Salamat pa rin.” kalmadong wika ni Jasper. Napailing na lang si Lexter at saka lumakad palayo. Sobrang naweirduhan si Lexter sa kinilos ni Jasper.
Pumunta na lang si Lexter sa Canteen para kumain ng breakfast. Habang kumakain siya,
“Hello, Lexter!” masayang bati ni Abigael. “Nakabalik ka na pala rito sa Campus. Sabi na ikaw 'yong nakita ko noong awarding day sa Gym.” dugtong pang sabi ni Abigael. Napatingin si Lexter kay Abigael at sa mga kasama nito. May dala silang tray ng may nakapatong na platong may lamang pagkain.
“P'wede ba kaming maki-join sa table mo?” tanong naman ni donna.
“Ah sure!” sagot naman ni Lexter. Napangiti naman ang apat at naupo na sa bakanteng upuan. “Tamang-tama, tapos na 'ko.” at saka tumayo. “Sa inyo na itong puwesto.” pagkasabi ni Lexter no'n. Ngumiti siya sa mga ito at saka umalis. Natawa naman 'yong ilang studyante na napatingin sa kanila. Nainis si Abigael dahil sa pagkapahiya at maging ang tatlong sina Donna, Daisy at Princess.
Pagkatapos niyang masalubong si Jasper kasama si Cathy, dumeretso na siya sa Classroom. Tumungo siya sa puwesto niya at naupo. Kinuha niya ang libro sa bag niya at nagbasa na lang. Sa kalagitnaan ng pagbabasa niya hindi niya namalayan na nasa tabi na niya si Lexter. Sakto naman na pumasok ang mga sossy girl, hindi na sila kumain dahil nawalan na sila ng gana gawa ng pagkapahiya. Nakita ni Abigael si Lexter katabi ni Ashley kaya lalo siyang nainis at nagderetso sila sa puwesto nila.
“Anong ginagawa mo? Bakit nandito ka na naman?” inis na bungad ni Ashley nang mapansin niya si Lexter at nakangiting nakatingin sa kanya.
“Huwag ka namang magalit sa'kin. Please!” paawa-effect na sabi ni Lexter. Sinarado ni Ashley ang libro niya at saka humarap kay Lexter. Mas lalong naningkit ang mga mata ng sossy girls lalong-lalo na si Abigael.
“Hindi naman ako nagagalit sa'yo.” explain ni Ashley. “Ang akin lang, ayoko nang magkaroon pa ako ng ka-close na lalaki rito sa Campus 'tapos sikat pa, dahil ayoko ng gulò.” mariing wika ni Ashley. Tatayo na sana siya nang biglang lumuhod si lexter sa harapan niya. Nagsi-ingay naman ang buong klase dahil nagulat sa ginawa ni Lexter. First time sa history ang ginawa ni Lexter na pagluhod na parang nagpo-propose at sa isang nobody pang babae. Napa-agaw pansin sila at naging dahilan kung bakit mas lalong nagalit si Abigael. Gulat naman ang naging reaksyon ni Ashley at hindi malaman ang gagawin.
“Please Ashley!” sincere na wika ni Lexter at hinawakan ang kamay ni Ashley na nakapatong sa desk. “Bigyan mo naman ako ng chance upang makilala mo ako at mas makilala kita.” pakiusap ni Lexter.
“Super suwerte naman ni Ashley.”
“Sana all.”
“Please give me another Lexter.”
Mga komento ng mga kaklase niya. Grabe ang mga kilig ng mga ito na kabaligtaran sa nararamdaman ni Abigael. Galit na galit siya kay Ashley.
“Tumayo ka nga riyan.” utos ni Ashley at namumula na ang pisngi niya dahil nakatingin na sa kanila lahat. Tiningnan siya ng seryoso ni Lexter.
“Pumayag ka na muna.” kondisyong binitawan ni Lexter. “Labas tayo? Bigyan mo ako ng chance na ipakilala ko sa'yo ang sarili ko.” sincere na wika nito. “Makilala mo 'ko.” pahabol pa nitong sabi. Hindi malaman ni Ashley ang isasagot niya kay Lexter.
“Lexter?” mahinang tawag niya sa pangalan ni Lexter at pilit na nakikiusap na tumayo na. “Tumayo ka na kasi riyan.” pag-ulit ni Ashley sa utos niya at tumingin siya sa paligid niya. “Nakatingin na sila sa'tin oh.” pag-aalalang sabi ni Ashley, napangiti naman si Lexter at tumingin din sa paligid upang tingnan ang mga studyante na nakatingin sa kanila at may ibang kumukuha pa ng litrato.
“Edi maganda at mas okay 'yon.” nagulat si Ashley sa narinig niya sinabi ni Lexter. “Alam nilang special ka sa'kin.” dugtong pa ni Lexter. Nagulat si Ashley sa narinig niyang sinabi ni Lexter. Napatanong siya sa sarili niya kung bakit ganoon ang kinikilos ng lalaking ito at masyado pang showy sa lahat. Nang sandaling iyon, hindi na alam ni Ashley kung anong ikikilos at sasabihin niya. Pilit niya pa ring pinapatayo si Lexter ngunit hindi pa rin ito tumayo. Nakangiting nakatingin pa rin ito sa kanya. Kinikilig naman ang mga kaklase nilang babae at ang mga lalaki naman ay mga nakasuporta. Sila Abigael naman ay umuusok na ang ilong sa galit at masamang tingin ang ibinato kay Ashley.
Biglang bumukas ang pintuan ng Classroom at niluwal sina Jasper at Cathy. Napatingin ang mga studyante sa kanila,
"Nandiyan na si Jasper!" bulong ng isang studyante. Tuluyang pumasok sila Jasper sa loob at pagkagulat naman ang naging reaksyon nila sa nasaksihan nilang nakaluhod si Lexter sa harapan ni Ashley at pilit namang pinapatayo ni Ashley si Lexter ngunit nakangiti lang si Lexter at sinasabing 'pumayag ka muna'. May mga kumuha pa ng larawan at nag-video dahil mga kinikilig ang mga ito sa eksenang Lexley. Nabuong bansag ng mga studyante kina Lexter at Ashley. Ang love team ng taon na Team Lexley. Nagsisigawan pa ang iba na 'team Lexley' daw sila pero may mga ibang dis-agree rin sa nangyayari, iyon ay ang mga studyanteng may galit kay Ashley kabilang na ang mga Sossy girl.