PAGKATAPOS NG mala-lovestory na pagkanta ni Jasper at Cathy, naglakad na sila pababa ng stage. Maghakawak-kamay pa rin sila at saka bumalik sa kanilang pwesto. Ramdam ni Ashley na nakatingin sa kanya si Jasper habang naglalakad ito pabalik sa pwesto nila, hindi naman niya ito tiningnan bagkus ay kay Lexter siya nakatingin at nakangiti. Sa kabilang banda naman, ramdam din naman ni Cathy ang fakeness na ipinamalas ni Jasper sa stage kanina kahit na sa paningin ng iba ay parang totoong-totoo ang lahat ng kilig na iyon ngunit alam niya na ginagawa lang ni Jasper iyon upang makuha lang ang atensyon ni Ashley, sumang-ayon na lang siya rito dahil gustong-gusto niya talagang makasama si Jasper at gusto niyang sulitin ang pagkakataong iyon upang makaisip siya ng paraan para maibalik niya ang laha

