SI ASHLEY na ang naging laman ng usapan. Hindi malaman ni Ashley kung ano ba ang dapat niyang maramdaman at gawin sa pagkakataong iyon. “Ang sunod nating kalahok ay isa ring maginoong lalaki at handang protektahan ang special na babae sa buhay niya. Palakpakan natin si Lexter Lim.” pagkatawag ni Ma’am Rina kay Lexter lumabas siya mula sa backstage. Nagpalakpakan naman ang lahat at mga kinikilig ang mga studyanteng babae pagkakitang-pagkakita kay Lexter. “Paano kaya kita malalapitan at makakausap, baby Lex?” tanong ni Jasmine sa sarili niya habang nakatingin kay Lexter na nasa stage at may hawak na mic. Napatingin naman si Abigael sa kanya dahil na-curious siya habang ang tatlo niyang kaibigan ay patuloy sa pakikinig at panonood kay Lexter. “Ang kantang aking aawitin ay para kay Ashley P

